Breaking 10 - Somebody's Me

284K 4.9K 332
                                    

*Arlene's POV*



Nakita ko kung paano niya kahigpit na niyakap ang ama bago siya lumisan sa silid. Akala ko mauuna siyang maglakad ngunit nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko. Tahimik lang akong sumunod sa kanya habang hawak-hawak niya ang aking kamay. Masinop pero maigting niyang hinawakan ito na para akong batang hindi pwedeng bitawan para hindi maligaw. asa ganoong posisyon kami hanggang marating namin ang sasakyan.


Pinagbuksan niya ako ng pinto saka siya umikot papunta sa driver's seat. Gusto kong magsalita pero wala akong maisip na kahit anong sabihin para masimulan ang pag-uusap namin. Abala ako sa pag-iisip ng kung ano ang pwedeng pag-usapan nang maalala ko na hindi pa pala niya alam kung saan niya ako ihahatid.


"Uhm-Mago?" basag ko sa katahimikan, "Hindi ito ang daan patungo sa bahay namin."


Naghintay ako ng ilang sandali pero wala akong natanggap na sagot kaya tinawag ko siya muli, "Mago-"


"Samahan mo muna ako," saad niya na nagpatahimik sa akin.


Nabalot muli ng katahimikan ang paligid namin. Hindi sa ayaw kong magsalita, nararamdaman ko lang ang tensyon. Naguguluhan ako sa mga ipinakita niya sa akin. Una, pinakilala niya ako bilang girlfriend sa kanyang ama. Pangalawa, nakita ko ang pangungulila niya sa pagmamahal ng isang magulang. Pangatlo, ang pagsusumamo niyang samahan ko muna siya.


Narating namin ang isang malaking mansyon. Medyo luma na ito pero halatang maayos ang pagkaka-alaga. Hindi ako kumibo nang iparada niya ang sasakyan sa harap ng entrance ng bahay. Agad namang binuksan ang pinto sa aking banda ng isang lalaking sa tantya ko ay tagapangalaga ng mansyon.


"Goodmorning," bati ko sa kanya na sinagot lang niya ng isang tango.


Mansyon din ang bahay namin at sanay ako sa karangyaan kaya hindi ako nahuhumaling sa kung ano ang meron sa loob ng mansyon. Ang dahilan kung bakit hindi ako maka-imik ay ang pagdala niya sa akin dito na nalaman kong dito pala siya lumaki.


Ang malaking painting ng ikanasal ang nakaagaw sa akin ng pansin. Bakas sa mga mata ng babae ang kalungkutan habang masarap naman ang ngiti ng lalaki.


"Those are my parents," saad niya habang tumabi siya sa akin. Hindi ako kumibo pero nararamdaman ko ang muling paghawak niya sa kamay ko.

"Sumama ka sa akin," sabi niya habang hindi tumingin sa akin, "may ipapakita ako sayo."


Nagpatianod na lang ako dahil hinila na niya ako bago pa man ako makasagot. Dinala niya ako sa ikalawang palapag ng bahay at tinungo namin ang isang silid. Noong una, akala ko simpleng silid lang ito pero nagulat ako nang mapasok na namin ito.


Una kong napansin ang isang single bed na may nakakabit na kadena. Kinabahan man, tinungo ko ito, "limang taong gulang ako nang masaksihan ko ang ilang gabing ikinulong diyan ang mommy ko habang pilit na pagsamantalahan siya ng daddy ko," paliwanag niya. Nasa likod ko lang siya pero ramdam na ramdam ko ang hininga niya sa batok ko kaya hindi ko maiwasang magsitayuan ang balahibo ko.

The Woman He Broke (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon