*Arlene's POV*
Kanina pa ako nakatingin sa kanya habang seryoso niyang binabasa ang unang pahina ng journal notebook ni Ailene. Alam ko kung gaano kabigat ang nararamdaman niya. Hindi madali ang malaman ang katotohanan tungkol sa isang taong matagal mo nang kinamumuhian dahil inakala mong hindi ka pala nito minahal ng totoo.
"Mago," sambit ko nang mapansin ko ang mabigat na pagtaas-baba ng kanyang balikat.
"Saan mo ito nakuha?" ma-awtoridad pero mahina niyang tanong.
"Ayaw ipasabi ng taong nagtago ng journal na ito," yumuko ako dahil hindi ako sanay magsinungaling, "dahil natatakot siya na baka masira niya ang buhay mo."
"Matagal nang sira ang buhay ko," napansin ko ang paghigpit ng hawak niya sa journal.
"Kaya nga nakiusap ako sa kanya na ibigay sayo ang journal na yan," pangatwiran ko.
"How can she keep this from me," mahina niyang tanong sa sarili niya habang napahilamos siya sa mukha. Hindi ako kumibo dahil alam ko kung ano ang nakasulat sa unang journal entry ni Ailene. Hindi madaling tanggapin ang mga nakasulat doon. Hindi ko alam kung paano niya nakayanan lahat pero mas nag-alala ako kay Mago. Hindi ko alam kung paano ko siya madamayan sa nararamdaman niya.
Journal Entry 1
Isang mapait na katotohanan ang narinig ko ngayon. Hindi ko akalaing ito na lang pala ang katapusan ko. Sabi ng doktor, ilang buwan o taon na lang ang ilalagi ko sa mundo dahil lumalaki na ang tumor ko sa utak. Gusto kong tanungin ang Diyos kung bakita sa dinami-raming tao sa mundo, bakit ako pa ang pinadapuan niya ng sakit na ito. Sa loob ng labin-pitong taon ng aking buhay, naging mabait akong anak, masunoring estudyante at naging tapat na kristyano. Gusto kong itanong sa Diyos kung bakit ako ang pinaparusahan niya. Bakit ako pa ang nagkasakit ng ganito? Marami namang taong gustong magpakamatay, bakit ako pa ang nabigyan ng taning sa buhay?
Isipin ko lang na anumang oras ay posible ko nang makaharap si kamatayan ay naiiyak na ako. Marami pa akong hindi nagawa. Marami pa akong nais maranasan. Nalulungkot ako na isiping ang kabataan na ka-edad ko ay walang ibang pinoproblema kundi ang mapusok nilang nararamdaman para sa mga taong akala nila ay magiging kinabukasan nila. Sumisikip ang dibdib ko habang iniisip ko kung paano ko paggugulan ang natirang mga araw ng buhay ko habang yung mga ka-edad ko ay walang ibang inatupag kundi ang iwaldas ito sa mga kung anu-anong bagay.
Labing pitong taon--- naging mabuti akong anak. Ni minsan ay hindi ko sinuway ang kagustohan ng aking mga magulang. Bakit hindi na lang yung mga kabataang nagbigay ng pasakit sa kanilang mga magulang ang binigyan ng ganitong uri na sakit? Bakit ako na walang ibang ginawa kundi sundin kung anuman ang gusto ng magulang ko. Sa loob ng pitong taon ay hindi ko naranasang magmahal at mahalin ng isang lalaki dahil nangako ako sa mga magulang ko na hindi ako papasok sa isang relasyon hangga't hindi pa ako eighteen. Isang taon na lang sana pero baka hindi rin ako aabot.
Labing pitong taon--- naging mabuti akong estudyante. Ni minsan ay hindi ko naranasang mag-cutting classes. Ni minsan ay hindi ko naranasan ang lumabag sa mga patakaran ng universidad. Ni minsan ay hindi ko naranasan ang sumali sa kahit anong organisasyon dahil puro pag-aaral na lang ang inatupag ko.
I just realized that I have not lived my life like a normal teenager should do. Sobra kong inisip ang ibang tao pero hindi ko naisip ang sarili ko. Ano ba ang gusto kong gawin? Mananatili na lang bang boring ang nalalabing araw ng buhay ko? How do I want to be remembered? Will I ever be remembered?
Kaya gumawa ako ng bucket list. Kailangan kong magawa ang mga ito bago ako mamatay. Mamatay rin lang naman ako, nanaisin ko lang din na maranasan ang mga bagay na dapat sana ay matuklasan ko habang tumatanda ako.
BINABASA MO ANG
The Woman He Broke (Published under PSICOM)
Romance"If you are going to enter my world, be ready to play my game," babala ni Mago, "If you can't keep up then you'll have to endure the pain." He was a man who never believed in love while I was a woman who took the challenge of changing his heart and...