Bliss 6 - Bedroom Pleasures

287K 4.3K 461
                                    

Please like our FB pages

www.facebook.com/AdonisSeries

www.facebook.com/AdonisesAndTemptresses

Join us in our FBGroup

https://www.facebook.com/groups/1420504958254029/


                                                  for Leslie Karelin Rasacen


*Mago's POV*

Madilim pa nang inimulat ko ang mga mata ko. Sa sobrang pagod, naging tuloy-tuloy ang tulog ko pagkatapos kong magshower kagabi. Sunod-sunod kasi ang utos ni Arlene. Hindi naman ako pwedeng tumanggi kasi nagpapa-pogi points pa ako.

Lumingon ako sa kanya at hindi ko napigilan ang mapangiti dahil kahit hindi ko na siya pinilit, tumabi pa rin pala siya sa akin. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya upang halos magkalapat na ang aming mga mukha. Mahimbing pa ang tulog ng asawa ko pero naaaninag ko ang maamo niyang mukha dahil sa munting ilaw na nakapasok sa silid namin mula sa bintana. Hindi ko maipaliwanag ang sobrang galak na kasama ko siya ngayon, sa iisang silid.

Dahan-dahan kong kinapa ang kanyang tiyan. Napangiti ako dahil nakalapag sa tiyan niya ang kanyang kamay, na para bang pinuprotektahan niya ang aming munting anghel.

'Don't worry, Arlene,' kagat labi akong napaisip, 'hindi ka mag-iisa sa pagproprotekta sa anghel natin. You have me. I will be your hero from now on,' hindi ko maiwasang himas-himasin ang kanyang kamay.

Natutuwa naman ako dahil malaya ko siyang nahahawakan ngayon. Hindi siya gumagalaw kaya naisip kong mahinang hinila ang kanyang kamay upang halikan ito. Ewan ko ba, hindi ako nakontento sa paghalik lamang sa kamay niya kaya nagpatuloy ako sa pagbibigay ng maliliit na halik sa kamay, pataas sa pagitan ng kanyang kamay at siko, at sa kanyang braso. Ngunit napakunot ang noo ko dahil lumagpas na ata ako sa katawan ni Arlene kaya mabilis kong pina-ilaw ang lampshade sa tabi niya.

"Pwede ko na bang hilahin ang kamay ko?" mataray na saad ng babaeng may-ari ng kamay na hinahalikan ko kanina pa.

"Pucha! Anong ginagawa mo dito?" inis na bulong ko.

"Dito ako pinatulog ni Arlene," tinaasan niya ako ng kilay, "at balak mo pa talagang pagsamantalahan ang girlfriend ko?"

"H-hindi ko balak na," magpapaliwanag sana ako nang may maalala ako, "teka, bakit ako magpapaliwanag sayo? Technically, she is still my wife."

"Na hihiwalayan ka dahil sa kapabayaan mo!" mariin niyang bulong habang inilapit niya ang mukha niya sa akin.

"Get out of our room!" pagtataboy ko sa kanya.

"Ayaw!" tinaasan niya ako ng kilay.

"Dessa, I am still your boss!" pananakot ko sa kanya.

"Sino ba ang masusunod? Ikaw o si Arlene?" paghahamon niya, "gusto mo gisingin ko siya para tanungin natin?"

"Aist," napabalikwas ako saka tinungo ang kabilang silid.

"Boss?" antok pang binuksan ni Quinn ang pinto niya.

"Tulungan mo akong ilipat si Dessa sa kwarto niya," saad ko.

"Bakit nasa kwarto niyo siya?" bumilog ang dating inaantok niyang mga mata, "don't tell me bumigay na rin si Dessa sa alindog mo? Boss Mago naman eh," naiiyak naman siya, "pati ba naman tomboy pinatulan mo na."

"G@go!" binatukan ko siya, "hindi ko pinatulan si Dessa, nasa kwarto ko rin kaya ang asawa ko."

"Grabe ka naman boss! Nag-threesome kayo?" umiiling-iling ito.

The Woman He Broke (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon