*Mago's POV*
Wala akong maisip na tamang salita para ipaliwanag kung ano ang nararamdaman ko habang naririnig ko ang impit na pag-iyak ni Arlene habang patungo pa kami ng sa ospital.
"Ang," halos hindi siya makapagsalita, "ang sakit, sakit."
"We're almost there," saad ko kahit alam kong malayo pa kami sa ospital.
"Dee-vyn," saad ko, "wala bang ibang daan?"
"Don't worry, pare," saad ni Dee-vyn, "hahanap ako ng ibang daan."
"Sh1t!" hindi ko maiwasang mailabas ang frustrations ko dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin ko para sa asawa ko, "ano ba ang pwede kong gawin?"
"Hayaan mo lang siyang hawakan ka," suhestiyon ni Dee-vyn, "iparamdam mo lang na kasama mo siya."
Mariin akong napapikit. Si Dee-vyn nga pala ang kasama ni Ailene nang manganak ito. Sa isipang ito ako nakaramdam ako ng konting pagmamalaki sa sarili. Sa wakas magiging ganap na ama na ako. Ngunit hindi ko maiwasang hindi mag-alala para kay Arlene. Humigpit ang pagkahawak niya sa kamay ko habang idiniin niya ang mukha niya sa dibdib ko.
"Dee-vyn," halos gusto ko nang maiyak habang tumingin ako kay Dee-vyn.
"Normal yan, pare," saad ni Dee-vyn habang tumingin sa akin sa pamamagitan ng rear view mirror, "subukan mong masahin ang likod niya."
Agad ko namang ginawa ang saad ni Dee-vyn. Hindi ko alam kung tama ang ginagawa ko pero tuwing napapahigpit ang hawak ni Arlene sa akin ay wala na lang akong magawa kundi ang yakapin siya. Ilang beses nangyari ang ganoong eksena hanggang sa makahinga ako ng maluwag dahil narating na namin ang ospital.
"Ano po ang nangyari?" agad na lumapit ang isang nurse.
"Manganganak ang asawa ko!" sagot ko.
"Wheelchair! May manganganak!" tawag ng nurse sa mga kasamahan niya habang palabas ako para maalalayan ko si Arlene.
Mabilis kumilos ang mga nurses at dire-direchong dinala si Arlene sa delivery room.
"Sir, hanggang dito na lang kayo," saad ng nurse.
"Sasamahan ko lang ang asawa ko," alam kong pwede yun kasi yun ang nangyari kina Patricia at Stuart.
"Itatanong namin sa asawa mo, kung papayag siya, magsusuot ka muna ng sterile gown bago makapasok," saad ng nurse.
"Sige," saad ko habang hindi inalis ang tingin sa asawa ko.
"Mago," naramdaman ko ang pagpatong ng kamay ni Dee-vyn sa balikat ko, "mauna na ako. I need to settle my problem with my sister."
"Dee-vyn," hinarap ko siya, "malaki na si Dessa kaya huwag mong ibintang kay Semira ang ginawa niyang desisyon."
"Alam ko," malungkot niyang saad, "hindi ko lang matanggap na yun ang naging desisyon niya."
"She is in the right age," tinapik ko ang balikat niya, "hayaan mo siyang harapin ang magiging kahihinatnan ng kanyang ginawa."
"Susubukan ko," tumango si Dee-vyn.
"Sir?" nabaling ang tingin ko sa nurse na tumawag sa akin, "hindi po pinahintulutan ng asawa mo ang makapasok ka sa delivery room."
"What?" kunot noo akong sumagot, "pero gusto kong makasama siya sa sandaling ito."
"I am sorry po. Desisyon po ng asawa mo ang masusunod," saad niya saka pumihit pabalik ng delivery room.
Napakuyom ang aking mga kamay habang napatitig sa pintuan ng delivery room. Ayaw niya akong makasama. Nasasaktan ako dahil gusto kong maramdaman na ako ang lakas niya, dahil gusto kong kasama niya ako habang nilalagpasan niya ang pagsubok na ito.
BINABASA MO ANG
The Woman He Broke (Published under PSICOM)
Romance"If you are going to enter my world, be ready to play my game," babala ni Mago, "If you can't keep up then you'll have to endure the pain." He was a man who never believed in love while I was a woman who took the challenge of changing his heart and...