Chapter Six
** Rien's Birthday **
Asar na asar pa rin ako.
Kung noon bully, ngayon naman bossy.
Julia: Hayaan mo na yun, Louise. Busy lang yun.
Louise: Busy saan?
Julia: *.* Marami na kasi yang ginagawa inday. Lawn Tennis, School, Disciplinary Committee, ikaw.
Louise: Anong ako?
Julia: ^.^ By the way, birthday ni Rien bukas.
Louise: ?_? Bukas?!
Julia: Yapp! Starts at 3pm yung party.
Louise: Bakit di niya sinabi sa'kin?
Natigilan siya dun.
Julia: He didn't?
Tumango ako.
Ngumiti ulit siya.
Julia: Baka gusto niyang i-surprise ka. Sorry na-spoil ko pa yata. Wag mo na lang sabihin sa kanya at pa-as if na wala kang alam. Kundi lagot na naman ako nito.
Louise: Okay lang. Sige di ko sasabihin.
Julia: Thanks ^.^ Nga pala sabi ni Luke invited ka raw.
Louise: Huh?!
Julia: Uh-huh.
Louise: Party?
Julia: Oo.
Louise: Cocktail?
Julia: Sort.
Nawindang na ako dun. Wala akong alam sa ganyan. Sorry di ako party-goer e.
Louise: Di na lang ako pupunta.
Julia: o.O What?!
Louise: Wala akong social life e.
Julia: Ohnoo! You're going! Akong bahala sa'yo ineng!
Louise: May pasok bukas 'no.
Julia: E di after class! Saka yun naman yung highlight e.
Louise: I don't know if I can make it. Saka wala akong gift --
Julia: Gifts? No problemo *wink*
Wala rin akong magawa kinabukasan. Julia dragged me to her car.
Julia: Bilis!
Louise: Julia ano ba! Baka party-crasher ako nito. Rien's not even interested to --
Julia: Basta!
After a million years ng hilaan nakarating rin kami sa kotse niya.
She pushed me inside then she sat beside me.
Julia: C'mon manong, let's go!
Sumunod naman si manong driver.
After 15 minutes.
Manong Driver: Nandito na po tayo, Miss Julia, señorita.
Julia: Thanks, manong!
At lumabas na kaming dalawa sa kotse.
I felt that there's something wrong.
Nasa tapat kami ng hotel na pinagdarausan raw ng party. Mukhang tama naman yung hotel. But --
Luke: You're finally here.
I looked at him, he's wearing a white long sleeve, ties and slacks. And I got the answer.
We're still wearing our school uniforms!
Luke: This way ladies.
Louise: H-Hoy t-teka l-lang! Naka-uniform pa kami!
Julia: Relax, Louise, okay? Don't worry about that.
Dinala kami ni Luke sa isang room ng hotel. Pagpasok namin dun may mga make-up artists ng nag-aantay.
Make-up Artists: Welcome My Ladies!
Bati nila. Ang ko-courteous naman nila.
Luke: Do your job. Pagandahin nyo sila lalo.
Make-up Artist1: Sure Sir Luke!
Luke: Okay.
He looked to Julia.
Luke: Hihintayin kita dun Julianna.
Tumango lang si Julia.
Ng makaalis siya, pinaupo agad nila kaming dalawa ni Julia at sinimulang ayusin ang mga buhok namin.
After another billion years, nakalabas na rin kami ng silid na yun na buhay.
From head to toe kasi. Akala ko nga nasa salon ako e.
Naka-gown na nga pala ako na knee-length lang. Tube yun at may combination ng pink at blue. Ang cute nga ng gown kaso di ako sanay sa ganun. Dinagdagan pa ng killer stilleto. Four inches yata ang pointed heels! Kulay puti yun, saka buti bumagay sa paa ko.
Sabi ko nga, buti at maputi ako. Hindi alangan sa mga ganun.
Kung ako parang batang princesa, si Julia naman ang hot ng dating! Naka-cocktail lang siya na bareback! Tapos mas maikli pa yung palda niya kesa sa'kin.
Louise: *gasp* Lalabas kang ganyan?!
Julia: Yeah.
Make-up Artist2: You looked hot as usual, Ms. Julia.
Julia: Thanks, Fiona. Let's go, Louise.
Sumakay kami agad dun sa elevator. Nahihiya ng ako kasi ang daming nakatingin sa'min.
Julia was acting different. Parang tulad sa suot niya na tingin ko hindi bagay sa kanya kasi mukha syang matured. She walks like she's a very important and confident.
Nung may sumipol sa'min, nilingon lang niya ito at sinabihang: You're fired.
May ibang nakarinig naman nun at natakot yung sumipol.
Maybe Julia's family owned this hotel.
Paglabas namin ng elevator, pumunta agad kami dun sa receptionist booth.
Bumati yung mga receptionist sa'min at dinala kami dun sa closed door room.
Pagbukas ng pinto, nagulat ako kasi madilim.
Luke: Ms. Julia, Ms. Louise.
Nakilala namin ang boses na yun kaya sumunod na lang ako kay Julia.
He led us to the 2nd floor of the room. Mukhang function room 'to with 2 floors.
Luke: Please stay here for a while, Miss Louise.
Tumango naman ako.
Yee! Just what those formalities?! Kanina pa 'Miss' ng 'Miss' yang si Luke a? Saka bakit ang formal ng kilos nilang dalawa? Like they don't know each other?
Ano bang problema? Nag-away ba sila?
Unti-unting lumiwanag naman yung lugar. Ano 'to? Nag-black-out?
Louise: Aw!
Mr. Cruz: I'm sorry, hija.
I lift my head. And saw an old man. Parang waiter siya dun at natapunan niya ako ng wine na dala niya.
Louise: Okay lang po yun, Sir.
Sabay punas sa damit ko.
Mr. Cruz: Naku, hija, hindi ko sinasadya. Ang ganda-ganda pa naman ng damit mo.
Louise: Okay lang po yun, Sir. Saka salamat sa papuri nyo.
I smiled at him to relay that's it really okay.
Sus, wine lang.
Saka aksidente lang yun.
Mr. Cruz: Pasensya na talaga -- sige hija, kelangan ko pang magtrabaho e.
Tumalilis agad siya ng alis. Nakita siguro nya ang head nila kaya agad umiwas at baka mapagalitan.
Kawawa naman si Lolo. Matanda na nga nagtatrabaho pa.