Chapter Twelve
** The Reason of the Aguille's Fall **
Napatingin ako kay ate.
Dinibdib din pala nya yung pagka-bankrupt namin.
Louise: Ate..
Lucy: No, sis. Naalala ko lang si Papa. Kung stable pa sana tayo, buhay pa sana sya.
She's right. So, ang mga Cruz pala ang dahilan ng pagkasira namin.
Lucy: But, I don't have grudges to them, Luanne. It's all in the past, and we can't undo anything.
Pero nasasaktan pa rin tayo.
Louise: Ate, ano ba kasing nangyari?
That happened 3 years ago. Meaning, 1st year pa lang ako. Ang taon din na ang dami naming pinagdaanan.
Na-kidnapped ako, tapos na-trigger dun ang sakit ni Papa sa sobrang pag-aalala.
Lucy: Matanda ka na naman, Anne. Ayon, naungusan tayo ng investors. Nag-back-out kasi may mga death threats na natatanggap, on going pa naman yung expansion natin. Tapos yun nga, ang dami nating utang at nasayang yung investments natin.
Wala naman akong naintindihan sa ganyan, pero mukhang yun talaga ang solidong nangyari.
Di na ako umimik.
Lucy: Sis, tapusin mo muna yung --
Biglang may nag-doorbell.
Nagkatinginan kami ni Ate.
Louise: May bisita ka Ate?
Lucy: Hindi ko alam. Wala akong naalala.
Louise: Lagi naman.
Pang-aasar ko sa kanya tapos naghugas ako ng kamay.
Lucy: Sis naman, alam mong busy ako.
Louise: Ganun ka naman sa suitors mo. Hala ka Ate, baka tumandang dalaga ka.
Binato niya ako ng buto ng monggo.
Lucy: Heh! 23 pa lang ako 'no. Sige pagbuksan mo na yun.
Louise: Oo nga, kawawa yung suitor mo!
Lucy: Luanne!
Natatawang lumabas ako at pinagbuksan yung nag-doorbell.
O.O
Louise: A-Anong ginagawa mo dito?
Rien: Nag-away kami ng Lolo ko. I need space. Pwede pumasok?
Nag-aalangang pinapasok ko sya. Kasi naman, di ko inaasahang pupunta sya ngayon.
Louise: Tara sa loob.
Yaya ko sa kanya pagkatapos kong isara yung pinto ng gate.
Rien: Thanks, Louisa. Kahit bigla na lang akong sumulpot.
Louise: Wala yun. Sana magkaayos agad kayo ng Lolo mo.
He smirk and look away.
Rien: Di na ako aasa dyan.
Louise: Rien.
Rien: Bakit natin pag-aawayan pa yan? Nandito nga ako para magpalamig muna di ba?
Louise: Ba't ba mas pikon ka lagi kesa sa'kin?
Natawa lang siya at kinurot yung pisngi ko.
Rien: I made the right decision.
Sasagot sana ako pero nasa loob na pala kami at nakita na ni Ate.