Chapter Fifteen
** Pain **
Sa wakas hindi na rin ako masyadong pinapansin.
He never said anything, unless it's crucial.
Julia: Anong nangyari?
Malamang magtatanong si Julia kung bakit di kami nagkikibuan ni Rien.
Louise: Wala.
Julia: *frown* Wala? E parang stranger kayong dalawa.
Louise: ^_^ Lilipas din yan, Julia.
Julia: Lilipas? Ano ba kasing nangyari?
Louise: Wag na nga nating pag-usapan yan.
Julia: Ikaw lang naman yung sasagot ng matino sa inyong dalawa. Ano ba kasing ---
Maxene: Yapp! I like Rien Cruz very much!
Natigilan kaming dalawa ni Julia dun.
Inamin na nga talaga ni Maxene sa lahat ang nararamdaman niya.
Girl1: Talaga? Kyaah! Ang cute nyong dalawa kapag nagkatuluyan kayo!
Girl2: Wow! Nasabi mo na ba?! So, anong sabi ni Rien?
Maxene: ^_^ Thank you girls sa suporta nyo. Yes, nasabi ko na. And he says, he likes me too *blush*
Ang daming naiingit at kinilig sa sinabi niya.
At naramdaman ko namang yung sakit. Sabi ko na. Sino nga ba naman kasi ang hindi magkakagusto sa kanya? A guy's dream. And Rien's not an exception.
Julia: >.< Hah! I don't like her anymore. Am feeling. Hmph!
Di ko na lang pinansin sila at nagkukunwaring busy sa pagsusulat -- kahit wala namang pumapasok sa utak ko.
After a couple of minutes, dumating na si Rien kasama ang bandmates niya. Naka-simple attire lang siya, 3/4 sleeve color blue shirt at jeans. Ang linis nyang tingnan at lalo lang syang pumuti. Si Vans naman, parang napagtrip-an ng adik sa kanto, pero ang cute nyang tingnan. Si Charles, simple lang din ang ayos, parang good boy na rakesta.
Nasabi ko bang nag-quit na si Marjeli Tan sa grupo? Kasi di daw siya tinulungan ng tatlo. Pero mukhang wala namang problema kung tatlo na lang silang lalaban ngayon. Si Rien na kasi ang lead vocalist nila. Saka, mukhang mas patok naman kung si Rien na lang kasi maganda yung boses niya. No offense to Jel Tan ha? Baka kasi ako na naman ang sasabunutan nun.
Maxene: *blush* Hi, Rien.
Tipid na ngumiti lang si Rien. Pero naghiyawan yung mga babae sa paligid. Halatang kinikilig sa dalawa. Lalo lang namula si Maxene.
Nung tumingin sa direksyon ko si Rien, nagtama yung mata namin pero pinilit kong blangkuhin yung facial expression ko. And he also stared blankly at me.
Ansakit.
Pero mabuti na nga ang ganito di ba? At least hindi ko na kelangang umiwas pa.
Binaba ko ulit yung tingin ko at nagkukunwari ulit na may binabasa. I even flip the pages casually.
Julia: >.< Mauubos ang pasensya ko dito.
At nagulat na lang ako nung hilain niya ako bigla patayo.
Louise: O.O Julia!
Hinila niya lang ako at talagang huminto pa kami sa tapat nina Rien at Maxene saka siya umismid at hinila ulet ako.
Julia: HAY NAKU! BAGAY TALAGA ANG MGA PANGET NGAYON! Hoo! Buti MAGANDA AKO!!
Sigaw niya bago kami makalayo.