Chapter One
** The Famous Rien **
[ Louise POV ]
Tilian. Ano bang bago kapag may sikat na dumaan sa harapan mo?
Pero excuse me lang ha, hindi ako kasing babaw nila. Infact galit ako sa tinitilian nila.
Adrien Lou Cruz, band vocalist, lawn tennis player, at campus heartthrob. What's the big deal beyond fame? Sikat, buti hindi playboy, kaso walang kuwenta naman kausap =_=
Nakaismid na dumaan ako sa tabi na parang walang nakitang tao. Ganun naman talaga ako --- para sa taong trip lagi na sirain ang araw ko.
RIEN: Louisa! Louisa!
=_= kapag minamalas nga naman, asahan mong sunod-sunod na yan.
Di ako lumingon. Bahala sya sa buhay nya.
RIEN : Hoy Louise Anne Aguille!
Yeah, I am Louise Anne Aguille.
Luanne or Anne to my family and Louise to my friends. Pero sadyang pa-importante ang isang yan kaya 'Louisa' ang tawag sa'kin.
Matalim ang matang binalingan ko siya.
Kelangan ba talagang buo?! Kainis.
Pero pangiti ngiti lang ang loko na lumapit sa'kin.
LOUISE : May kelangan po kayo Adrien Lou Cruz?!
Yung mga babae nagtsitsismisan na sa tabi. Obvious na kami yung topic =_=
Ano ba?! Aga-aga tsismisan na?!
RIEN : Ganyan ba talaga dapat ang pagbati mo sa'kin, Louisa?
Mukhang nasaktan pa na tanong niya.
>,< ito na naman. Dinadramahan na naman ako.
I give him a very fake smile.
LOUISE: Hi Adrien, may bago ka bang pang-asar? Can I have it later? I have to report to Miss Carol right away.
Di naman ako tinuruang maging bastos ng mga magulang ko kaya kahit si Lucifer pa 'tong kaharap ko, dapat pa rin akong maging magalang. Ganyan lang ako kabait kaya wag na kayong kumontra kung sakaling exaggerated.
RIEN : Ow? Sama ako ^_^
Bilis namang magbago ng mood. Ang drama talaga.
Then, inakbayan niya ako.
Syempre, nanlaki yung mata ko sa gulat at dinagdagan pa ng pagkabong ng traydor na puso ko.
Heartbeat! Tigil!
Thug. Dug. Dug.
Ugh! Buwesit!
Kung pwede lang sanang tanggalin ang puso ko at tadtarin ng pinong-pino --- on the second thought, wag na lang dahil siguradong tigok ako. =_=
So, better push the devil away.
LOUISE : Get off, Adrien Lou!
But he didn't. Ngumiti lang sya at kinabig pa ako lalo.
RIEN: Girls, gotta go. Magre-report pa si Louisa kay Ms. Carol e.
Tapos lumayas na kami. Nung makalayo kami, saka ko lang sya tinulak palayo. Kasi grabe ang acting nito sa harap ng tao e.
LOUISE : The show is over, Adrien.
Lumayo naman siya ng konti at tinitigan akong mabuti.
LOUISE : What?!
Naaasiwa kasi ako sa klase ng titig nya.
Umiling lang sya at ngumiti.
RIEN : Nothing, Louisa. Halika, hatid na kita kay Ms. Carol.
Kumunot yung noo ko.
Pero sinagot ko naman sya.
LOUISE : No thanks. I can go on my own.
RIEN: Wag ka ng kumontra Louisa. Hatid na kita.
LOUISE : O-oi.
Hinila nya kasi yung kamay ko at dinala nya ako sa SC Office. Dun din kasi ang opisina ng mga school paper staffs. Ms. Carol is our editor.
Kung di nyo natatanong, I'm a news writer.