Chapter Thirteen
** Jealous **
[Louise POV]
Tapos na kaming maghapunan at nagpapahinga muna kami ni Rien sa veranda.
Si Ate nagpapahinga na at hinayaan kami kasi daw, 'bisita' ko si Rien. Si Mama, ayon after nag-dinner, nagpaalam agad para tapusin yung trabaho nya.
I wish I could help her too.
Rien: Hay, thank you sa dinner. Ang dami kong nakain.
Nabaling kay Rien yung atensyon ko.
Louise: Ang sabihin mo, sadyang matakaw ka lang.
Rien: *laughs* Slight lang naman. Masarap kang magluto e.
Na-flatter naman ako. Kanina pa kasi yan, puri ng puri. Parang na-deprive sa masasarap na pagkain sa mundo, samantalang ang yaman-yaman na tao.
Louise: Bolero.
Rien: Hindi a.
Tapos tinitigan nya akong mabuti na parang meni-memorize yung mukha ko.
Louise: B-bakit?
Rien: Wala lang ^,^ I just couldn't believe a geeky chic could make me happy in my life.
Nag-blush ako dun. He really doesn't mind that I'm a geek.
Louise: Kung magsalita ka, parang di ka naging masaya nung araw a.
Rien: Whoa. Parang ang tanda ko na nyan a. But, yea, I'm not happy with my life before.
I could feel his sincerity. At wala yung usual tone nya na nagloloko.
Louise: Weh?
Rien: Yeah. Kasi noon wala namang nagpapasaya sa'kin. Alam mo yun? Monotonous ang buhay ko. Well, I never really crave for something.
Louise: Panu naman yun?
Rien: Hindi lang ako kasing cheerful ngayon, Louisa. Kasi akala ko, nasa'kin na lahat. No rules, just do what I want.
Louise: May pagka-spoiled ka, ganun?
Rien: Medyo. Saka di naman ako magulo noon. More like a robot. Walang kaibigan. Walang thrill. Parang 'a ganito na'to, ano bang magagawa ko'?
Louise: Go with the flow?
Rien: Exactly. Saka, alam mo bang noon, akala ko, okay lang ang mag-suicide?
Louise: O_O what?!
Rien: My mom commit suicide when I was 8. At her bathroom. Nakita ko pa nga sya e. Drenched with her own blood.
Louise: Oh, my.. R-Rien.
Rien: Hindi naman nightmare para sa'kin yun. Saka sabi ni Franc, mabuti na rin yung nagpakamatay ang Mommy ko para wala ng po-problemahin si Lolo.
I reached out a hand for him to tell that he's not alone.
Hinawakan naman nya yung kamay ko.
Rien: So, parang okay lang sa'kin yun.
Hindi ko alam pero napaiyak na pala ako dun sa sinabi nya.
Tumawa lang si Rien ng mahina at pinunasan yung luha ko.
Rien: Naman o. Pinaiyak na naman kita.
Louise: N-No, I want you to talk more.
Rien: I don't know how much it hurts, Louisa. Kaya wag ka ng umiyak.
Louise: A kid didn't deserve that kind of experience. They stole your childhood, Rien.
Rien: *smirk* Stolen Childhood? I don't think so.. I'm fine with it.