Hi, I'm Mandy. Nandito ako ngayon sa house ng aking friend. Tadtarin ba naman ako ng texts para pumunta dito. =.=
"O, ate Mandy, andiyan ka na pala! ^_^" sabi ni Abby. Friend ko siya pati ang ate niya.. tinatawag niya akong 'ate' kasi mas matanda ako sa kanya ng ilang years din, Ang kasing edad ko kasi ay yung ate niya. Asan nga pala yun?
"Ay wala,wala pa ako dito?! Asan ate mo?" na-virusan lang ako ni Vice Ganda! Hehehe...
"Kaya kita pinapunta dito dahil wala akong kasama at umalis sila.. " Ay ganon? Pinapunta niya lang ako dahil wala siyang kasama? Loka to ahh.. pero Right timing na rin, wala rin naman akong gagawin sa bahay naming maliit, di naman maliit sakto lang para sa aming pamilya.
"Bakit di ka kasi sumama?"
"Ayaw ko lang. Katamad lumabas ehh.." tumango-tango na lang ako..
Nanood lang kami ng mga Movies, naglaro.. Childish ba? Hahaha Trip namin ehh.. Hanggang sa mag-gabi na! Nanunuod ulit kami ng Movie, katatapos lang naming kumain ng dinner at wala pa rin sila Bea, ang ate ni Abby.
"Abby, ano oras sa tingin mo uuwi ate mo?" tanong ko kay Abby, tinignan ko naman siya. Loko talaga! Tulugan ba naman daw ako.. -_-.. napaka-antukin.. Nagpasya na akong lumabas ng kwarto ni Abby, mayaman nga pala sila... sa sala na lang ako manunuod. Inopen ko na yung t.v nila ... Feel at home? Hahaha. Wala kasi masyado tao! ^_^.. Nanuod na lang ako ng teleserye.
"Hayyy" napatingin naman agad ako sa hagdan nila kung sino yung tao...
"O! Mandy andito ka pa pala?" si Bea pala dumating na.. nginitian ko siya.
"Multo ako, Bea. whoooo~" sabi ko. Umupo siya sa tabi ko.
"Mukha kang tanga. Hahaha. Si Abby?" tanong niya. Aba na-tanga pa ako.
"Tulog na ehh, tinulugan nga ako!" sabi ko.. tapos tumawa kami..
"Napaka-antukin talaga nun kahit kailan!"-Bea.. tumawa na naman kami. Naalala ko tuloy nung nasa Cavite kami nung sa Bahay nila ako natulog tapos.. Waahh Nevermind na lang.
Pagtingin ko sa Orasan...
"Hala! 11:30 na pala!" di ko namalayan yung oras kasi nagkwentuhan kami ni Bea...
"At ng dahil sa iyo puso'y dumudugong-dugo. Tibok ng puso kong ito—" ringtone yan ng aking phone...
"Wait lang Bea ahh. Sagutin ko lang toh.." tinignan ko yung phone ko si Ate Jo pala...
"Hello?" –Ako...
"Di ka pa ba uuwi? Anong oras na ahh?!" Nanay? Nanay? ..
"Di ko namanlayan yung oras ehh, bakit? Susunduin mo ba ako?" –Ako..
"May, ok ka lang ba diyan?" huh? Pinagsasabi nito? ... May nga pala palayaw ko.
"Oo naman!" –Ako..
"Ok lang ba kahit hindi ikaw yung nagdesisyon?" Hannuudaawww? Ano bang problema nito?
"Ano bang pinagsasabi mo?" Baliw ata to e.
"Ahh. Wala wala.. Sige bye. Papapuntahin ko na lang diyan si Mark." Di pa ako nakakapagba-bye binaba niya na agad. Problema nun? Tskk...
"Tulog ka muna dito !" sabi ni Bea.. Pumasok na rin ako sa kwarto nila ni Abby... Humiga na rin ako...
BINABASA MO ANG
REMINISCENCE
Romance"Reminiscence" Note: Wala pong katotohanan ang lahat ng mababasa mo dito. Lahat ng ito ay isang kathang-isip lamang. Hope you enjoy. :) First ko to. HAHA. Sorry kung may mga mali akong nasasabi. Tsaka ang mga typo. Pagpasensyahan niyo na po. First t...