REMINISCENCE 12

2 0 0
                                    

*KINABUKASAN*


"Hoy may-may! Gumising ka na diyan! Aish!" Ang aga-aga bunganga ng bunganga! >.< Bahala ka diyan! ZzzzZzzZzzz


"Ayaw mo talagang tumayo?" Aba! putspa! Tinadyakan ako? Aba naman! Akala  niya hindi ako marunong manadyak? Expert ata to!


Pinagtatadyak  ko yung paa ng nakahiga kahit na hindi ko siya natatamaan. Para lang lumayo siya. "Umalis ka na nga! Kitang natutulog pa yung tao e!" sigaw ko sa kanya. Sabay taklob ng kumot.


"Tao ka ba? Kabayo ka e! Tumayo ka na! Anong oras na oh! Aish." sabi niya. Ang aga- aga e. Ganda ganda pa ng panaginip ko. Sinisira lang neto. Bwisit. Sumilip ako, nakita ko siyang nagkakamot na ng batok. 


Sige na nga. Tatayo na baka mainis pa lalo.


"Ang aga pa kaya!" Sabi ko ng bumangon na ako.


"Eleven na kaya! Maaga pa ba yun?" 


"Oo! Maaga pa. Maaga pa yan kasi summer ngayon! Tsk." Dumiretso na ako sa C.R para maligo.


"Pagkatapos mong maligo, magbihis ka ng pang alis ah!" sigaw ni Magi. Saan naman kaya kami pupunta? 


Nagbihis na nga ako ng pang lakad. Jeans... shirt na may na kalagay "All you need is LOVE", tapos nag-sneakers na ako. Pagbaba ko, umiling-iling si Magi. Problema neto? =.=


"Saan ba tayo pupunta ha? Di pa tayo kumakain oh."


"Kaya ka tumataba e, kain ka ng kain."


"Oy. Hindi naman. Sagutin mo na lang tanong ko."


"Kakain tayo ng lunch sa labas."


"Oh talaga? Bakit ang dami mo naman atang pera? Hindi ka naman nagtratrabaho."


"Hindi naman ako ang gagastos."


"Eh sino?"


"Yung kasama natin sa pagkain"


"Teka, may kasama tayo?" O.O


"Napaka-makalimutin mo. Diba nga gusto kang makilala ni Dad." Ah! Oo nga pala. Bigla akong kinabahan. Bakit ganun? Hayys.

REMINISCENCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon