Eggnog

866 17 13
                                    



"Five million."



"Umalis ka na," madiin kong turan ko.



"Six million. Final na."



Huminga muna ako nang malalim bago siya harapin. Nababaliw na talaga 'tong taong 'to.



"Not gonna happen, and that's final."



"Y/N naman..."



"Do you even hear yourself? You're asking for a baby. A f*cking baby, Christian! Tiny breathing innocent human creature na para bang yosi lang sa tindahan kung presyuhan mo." hindi ko na talaga maintindihan kung anong tumatakbo sa utak ng taong 'to.



"Lah. Wala namang yosing milyon ang presyo," he mumbled like a child kaya binato ko yung tissue box na nahablot ko kung saan. "Masakit ha!"



"Ansakit mo sa ulo bakla ka," kunsumidong turan ko at napaupo na lang sa katapat niya.



"Please, Y/N. Tulungan mo lang ako rito then tapos na. Hindi na ko hihingi ng kahit na ano pang tulong. I need this. Kailangan ko yung bar ko. Kailangan ko yung pera..."



"at pano naman yung bata, aber? Hindi ako sobrang bait na tao pero hindi naman ako ganon ka-demonyo para hayaang gamitin mo yung bata para sa sariling kapakinabangan mo. Aba, nagdagdag ka na nga ng tao sa mundo gagamitin mo pang investment." umakto pa akong ihahampas sa kanya yung centerpiece sa sobrang inis.



"T*nga! Tingin mo sakin walang puso? Buo loob ko. Gusto ko rin magka-anak. Alam mo yan." seryoso niyang saad, "It's just that now, everything seems to fall into place. Nalulugi na yung bar, last will document came up, I need a legitimate child to get my share, at alam kong alam mo noon pa sinabi ko na gusto ko talaga ng anak. Besides, may screening pa naman eh. Subukan mo lang."



Hindi na muna ako sumagot. May point siya at totoo naman ang sinabi niya. Alam naman namin nina Precious na gusto niya talaga. Actually, silang tatlo naman, sadyang si Viñas lang talaga 'yung mas buo ang loob sa ngayon.



"Wala na kong ibang maisip na pwede malapitan, Y/N."



"Kailangan ko ng pera, oo. Pero t*ngina Viñas, wala nga kong karanasan tapos biglang magdadalang tao ako? Tingin mo sakin, si Mama Mary?"



"Ipagdadasal kita kay Mama Mary." matalinong suhestiyon nito.

D R A B B L E SWhere stories live. Discover now