"Sino ka nga ulit?"
Hindi ko na mabilang kung ilang beses na itong napa buntong hininga, marahil sa kunsomisyon sa akin.
"Si Pacquiao. Gusto mo pruweba?" itinaas pa niya ang kamao niya na naka ambang manakit.
"Siraulo." 'di ko na alam kung matatawa ba ako o maiinis, "yung maayos na kasi!"
"Mula pag-alis kanina tinatanong mo na 'yan. Paulit-ulit ka beh."
"Ayaw ko lang sumabit, okay?" mariin kong saad, "palibhasa kasi kahit ata aminin mo sa pamilya mong kalahating hito ka tanggap ka pa rin nila eh."
Kung pangkaraniwang araw lang ito ay malamang nahampas niya na ako, pero iba kasi ngayon. Hindi naman ito insensitibo para hindi mapansin ang pangambang nararamdaman ko ngayon. I'm not in my element now.
"Ako si Tristan, 'boyfriend' mo..." he air quoted, "for three months---"
"Two months." I corrected.
"Ay binawasan."
"Tangina. Seryoso ako te, makikita mo talaga si Pacquiao pag tayo nahuli."
"Biro lang eh!" irap niya, "I'm your boyfriend for two months kasi by the third month mag hihiwalay na tayo..."
I took a glanced at him, satisfied sa mga naririnig.
"We met at a friend's party, then after few months, nagkita ulit tayo during our skydiving session sa Cebu."
"Skydiving session sa Cebu...tumpak!" nangingiti kong pag-sabay sa kanya.
"Malamang. Paanong hindi tayo magkikita eh magkakasama tayo nina Brigiding non."
"Gusto mo tuluyang hindi na makasama samin?"
"Hoy, baka nakakalimutan mo, I'm just doing you a favor here. Kaya kung meron sa atin dalawa may karapatang mag maldita rito, ako yon. Wala nang iba."
"FYI, you're helping me in exchange sa pagbabayad ng one year subscription mo sa Netflix. It goes beyond pure favor, its more of transaction now." depensa ko naman.
"Point taken," labag sa loob niyang saad, "but still, that's not a fair compensation to think na bukod sa mag panggap na boypren mo, kailangan ko pang ikubli 'tong kagandahan ko." maldita nitong sambit, "hirap kaya non lalo na't nagsusumigaw karilagan ko."
"Fine. Sabihin mo na lang kung ano mang compensation 'yan basta pwede ba? Kahit ngayon lang? Magseryoso ka na muna?"
"Basta tatandaan mong hindi ko gusto 'to at napilitan lang ako." puno ng sinseridad nitong pag papagaan.
...
"Ate!" Sigaw agad ng kulot na batang lalaki pagka baba ko nang sasakyan ni Viñas. Hingal na hingal na ito nang makalapit sa akin dahil sa pag takbo niya.
"Who is he?" turo nito sa biglang sumulpot sa kabilang side ng sasakyan. It was Viñas who just stepped out from the driver's side.