"Uy! Hindi pa tayo tapos..."
"Bawi ako next time promise!" kaway ko habang tumatakbo palabas ng classroom.
"Y/N!"
"Chat niyo na lang ako sa gc! Mag-rereply ako promise!" tuluyan na nga akong lumabas nang hindi na hinintay pa ang sunod na sasabihin nila.
Tinanggal ko sa pagkakasuot ang ID ko at binalik ko na sa bag 'yung notebook pati ballpen na gamit ko kanina sa pagnonotes habang tumatakbo palabas ng school. Late na ako sa event na pupuntahan ko kung hindi lang nagpatawag ng meeting ang groupmates ko sa thesis. Ewan ko ba, wala namang nagsa-submit ng gawain nila on time nagpapa-meeting pa.
"Kuya sandali!!" dali-dali kong hinabol yung jeep at agad na sumakay sa unahan. Sinamaan pa ako ng tingin nong driver dahil nasanggi ko konti 'yung side mirror sa kakamadali. Hindi naman ako nagpatalo at tinignan ko rin siya pabalik.
"Naka uniform ba naman," saad sa akin ni Brigiding nang makita ako. Ibinaba pa niya nang bahagya yung suot kong jacket para tignan 'yung school shirt na suot ko.
"Amoy pawis ako," protesta ko nang umaktong bebeso na siya pero kinunutan niya lang ako ng noo at hinatak para mayakap. Amoy na amoy ko 'yung make-up na gamit niya sa sobrang dikit namin. Napapapikit na lang ako at niyakap siya nang mas mahigpit. Pwede bang ganito na lang tayo habang buhay?
"Asim nga," Singhot niya sa ulo ko, "Ano shampoo mo? SUNsilk?" pinalo ko ang tagiliran niya bilang ganti "Joke lang eh! Sakit non ah."
"Anong oras ka sasalang?" tanong ko pagkalayo pero nakahawak naman ngayon sa kamay niya.
"Actually nagpapa-init pa lang ng kawali so baka maya-maya pa." matinong sagot niya.
"Ay weh talaga ba?" irap ko sa kanya.
"Yeah, nireready pa mga condiments and everything..eme lang! Maya pa ako. Mga 11:30 pa," Sagot niya habang nililigid naman ngayon ng tingin ang buong bar.
Pasimple akong napatingin sa wristwatch ko. Alas otso pa lang ng gabi kaya ang haba pa ng oras na hihintayin ko.
"May pasok ka pa bukas diba?" balik tingin niya sa akin.
Tumango lang ako at ngumiti, "Okay lang. Hapon pa naman ako, sabayan na kita pag-uwi," Pagsisinungaling ko kahit alas syete ang first class ko kinabukasan. Ano pa nga bang bago? Wala naman ata akong hindi kayang tiisin pagdating sa taong 'to.
"G*ga madaling araw pa ko makakauwi." kotong niya sa akin.
"Oh edi maghihintay ako." hinablot ko 'yung bakanteng upuan at naupo yakap-yakap ang bag ko, "Sige na, doon ka na. Pakita mo sa kanila 'yung brightest star."
"Eto?" itinaas ng loko-loko ang suot na skirt at ibinalandra sa pagmumukha ko ang kayamanan niya.
"Bastos!" birong sita ko sabay takip pa ng mata. Kinuha naman niya ang kamay ko at malokong pinahawak sa itlog ng silangan.
"Kinikiss mo pa nga 'to dati eh." imbento niya. Hinatak ko pabalik kamay ko at tinusok siya sa tagiliran.
"Kadiri!" nakapaningkit ko pang turan. Inulit pa niya iyon nang walang boses at maging ang reaksyon ko ay ginaya rin.
...
"Bakla nasaan ka? Malapit na ako."