Wag Sagutin:
Anniversary ng tender juicy hotdog ngayon. Ipasa mo to sa bente katao bago matapos ang araw, kung hindi, magiging hotdog ka. Wag kang tumawa 'yung lola ko hotdog na . Ayaw kitang maging hotdog, please pass.
Hinayaan ko na lang kusang mamatay 'yung phone ko nang mabasa ko 'yung bagong received na message na iyon. Tiningnan ko 'yung digital clock sa gilid ng mesa ko, no wonder nagsisimula na namang mang-aswang 'tong kumag na 'to. Alas-otso na kaya ibig sabihin dismissal na niya. Nakalabas na 'yung masamang espiritu sa hawla.
Wag Sagutin:
This is sudden but I just wanna tell you that I'm leaving my school. Its been a while since I went here and I made so many friends. I'll miss you all, thank you for everything. Sorry for leaving. I'm heading to my dorm now. i love u all! take care.
Agad kong pinatay 'yung phone ko nang mabasa na naman 'yung panibago niyang message. Wala na talagang ibang alam na gawin 'tong taong 'to kundi guluhin ang kapayapaan sa mundo.
Wag Sagutin Calling...
Itutuloy ko na sana 'yung pag-review ko nang bigla ko namang makitang tumatawag na siya. Inis kong inalis 'yung headphones na suot at agad na sinagot 'yon.
"Ano ba?!" bulyaw ko pero narinig ko lang ang pagtawa niya sa kabilang linya na nakapag papintig sa tenga ko, "Tangina? May ginagawa ako!" salita ko muli.
"Hello!" masiyahin niyang bati, "ikaw na ba 'yung icing sa ibabaw ng cupcake ko?"
Pagkarinig pa lang sa sinabi niya ay agad ko na itong binaba. Akala ko matatahimik ang kapaligiran basta wala ang presensya niya pero mali. Sinakop niya na rin talaga ang teknolohiya makapaghasik lang ng lagim!
"Bakit mo 'ko binabaan?!" natatawa niyang litanya nang sagutin ko 'yung sunod niyang tawag. Nawala na ako sa focus para magrebyu dahil sa kanya kaya iniwan ko na ang study table ko at sumalampak na lang ako sa kama habang kausap siya. Kulang kasi 'to sa aruga kaya alam kong hindi 'to titigil umepal.
"Ano ba 'yon?" iritable kong saad.
"Nasa ihawan ako. Ano gusto mo?" tanong niya. Pagkarinig noon ay awtomatikong gumuhit sa utak ko 'yung hitsura ng pagkain, bigla ko tuloy gusto kumain non. "Bilis! Ang tagal."
"Wala 'kong pera." pagtataray ko, pero naghihintay lang talagang sabihin niya ang mahiwagang katagang iyon.
"Ahhh gege sa sunod na lang." Iyon na ang huli kong narinig dahil agad niya nang binaba ang tawag.
To Wag Sagutin:
taena mo talaga gabriel
Wag Sagutin: