"Gago? Seryoso talaga 'to?" taas kilay kong saad pagkabasa sa kapiraso ng papel na nakuha ko.
"Bakit? Sino ba 'yan?" naka ngising turan ng isa kong katrabaho at nag tangka pang silipin ang hawak ko pero agad ko iyong pinasok sa bulsa ng scrubs ko.
"Okay, now that we all know who our monitos and monitas are, we can proceed with our wishlists. Isa-isa nating babanggitin 'yung mga wish or wishes natin just to give an idea sa mga nakabunot sa atin. 'Yung realistic ha?!" anunsyo ng Department Director namin na siyang nag-oofficiate ng meeting namin ngayon.
"Anything that brings pleasure." napuno nang tilian ang silid dahil dito sa katabi ko. Kahit kailan talaga 'tong si Viñas, "Wellness package kasi. Ganon! Ang hahalay ng mga utak ah." depensa pa niya at pinag tuturo pa kami.
"Okay passion props it is. Next! Y/N, go ahead," turan ng Direktor namin kaya napuno nang tawanan ang buong silid sa pagiging diretsa nito. Maging siya nadala rin nang tawanan pero sinenyasan niya lang akong mag patuloy.
"Kahit ano. Basta pasok sa budget gora na." tugon ko.
"Ay hindi pwede. Dapat merong kind of gift para hindi tayo mahirapan." komento ng boss namin, "gayahin niyo si Cee. Very specific and meticulously defined."
"True!" turo pa ni Viñas.
"Fine. Kung kay Cee, pleasure sa'kin naman experience." gaya nga nang inaasahan ay nag tilian na naman ang lahat. May iba pang nag hahampasan para mang-asar.
"Kayo ba naka bunot sa isa't-isa?" natatawang komento ng kasamahan namin.
"Guys, 'yung wish ko na lang is makita 'yung pag-eexchange nila ng gifts!" turo pa sa amin ng isa pa naming kasama kaya lalong lumakas ang tawanan.
"Tangina mo 'te ah. Tayong dalawa pa ata nagka partner," pabiro pa siyang sumilip sa papel na nabunot 'ko.
"Experience kasi! As in outdoor activities. Mga gift cards, vouchers ganon! Kung gusto niyo concert tickets pwede rin naman. Charot!" sabay-sabay pa silang nag-"ahh" matapos non. Mga loko-loko talaga.
"Ay bet ko rin 'yan. Ganyan na lang din akin." saad ng isa pa naming kasamang babae.
Nag patuloy kami sa pag bibigay ng wishlist kuno namin pero hindi naman ako gaano nakikinig dahil wala naman sa mga kasama ko ang nabunot ko. Hindi ko naman magawang ipag tanong dahil malalaman naman ng iba kung sino ang nabunot ko hanggang sa nag salita muli si Boss.
"Ay! Before I forgot, 'yung wishlist nga pala ni Bossing Pipoy is---" kinapa pa niya ang bulsa ng lab gown niya, "kayo na bahala...walang kwenta talaga 'tong tao na 'to." turan niya pagka basa sa papel, "sa nakabunot kay Poy, jowa iregalo mo para naman ma-engage sa activities outside work. Palo na masyado mag trabaho akala ata taga pag mana nitong Hospital." napataas kilay na lang ako sa narinig.
Matapos non ay nag balikan na rin kami sa mga station namin dahil siningit lang namin sa break ang pag bubunutan para sa gaganapin naming maliit na christmas party next week.
"Sino nabunot mo?" usisa ni Brigs sa akin. Kasalukuyan na kaming nasa reception ng Radiology Department, nag-aassist sa mga pasyenteng nagpapa laboratory at diagnose. "Ako ba?"