Falling Like The Stars

427 11 3
                                    





"Bibilhin niyo na po, ma'am?"





"Ma'am? Anong ma---" natigilan ako sa sanang pag-apila nang bumungad 'yung sales lady sa tabi ko.





"Kanina niyo pa po kasi hawak 'yung item namin." hindi ako tanga para hindi mapansin ang pang sasarkastiko nito sa akin kaya ngumiti lang ako nang pilit sa kanya.





"Ay oo. Isang dosena sana kung hindi mo lang ako inistorbo sa pamimili." pagsisinungaling ko at agad nang lumabas mula sa harap ng shelves ng mga hair accessories na pinagtataguan ko. Kita ko ang mabilis na pag-iiba ng ekspresyon nito.





"Teka...ma'am, wait la---"





"Isa pa, hindi ako ma'am." mataray kong saad sabay talikod, tossing my white tote bag as I turn away.





"Nag-effort ako na magpa pogi ngayon tapos tatawagin akong ma'am?" pagka-usap ko sa sarili ko. Sakto namang napadaan ako sa tapat ng full body mirror na nagkalat sa buong department store kaya hindi ko na naiwasang mapatigil. Inayos ko ang itim na little mermaid shirt ko na nakuha ko noong manuod ako ng advance screening non sa sinehan. Hindi pa kasi tuyo 'yung pang malakasan kong damit eh.





"Pak! Prince Eric ang mukha pero Ariel ang katauhan." natigil lang ako sa pagkausap sa salamin nang matanaw 'yung taong dahilan kung bakit ako nandito sa mall ngayon. Mabilis akong tumalikod at nag kunyaring tumitingin ng mga damit. Ilang saglit pa ay may biglang nag salita sa likuran ko.





"Subukan mong tumakas sisigaw akong shop lifter ka."





Damang dama ko ang pagtindig ng balahibo ko nang marinig ang tinig na iyon sa likuran ko. Dinaig pa 'yung kilabot na dulot pag inutusan ka sa kalagitnaan nang panunuod ng Magandang Gabi Bayan!





"Sinusundan mo 'ko. Bakit huh?!" madiin niyang bulong sabay sundot sa tagiliran ko na para bang baril ang daliri niya.





"Y/N..."





"Huwag mo 'kong ma-Y/N Y/N."





"Maricel?"





"Bakit ka rin nandito?!" ngayon ay hindi na iyon pabulong at dama ko na rin na bahagya na siyang umatras kaya nakuha ko nang humarap sa kanya, "sa tangkad mong 'yan tingin mo hindi kita makikita? Isama mo pa 'yang bag na ako pa mismo gumawa." nguso niya sa puting tote bag ko. Eh kaya nga favorite ko to eh.






"Sinusundan mo 'ko no?" naka paningkit pa niyang saad.





"Bakit ikaw lang ba pwedeng pumunta sa mall?" sagot ko, "Hulaan ko almusal mo. Hopia." asar ko pa.






"Hulaan ko gusto mo. Ako." matapang naman niyang sagot.






Awtomatikong umurong ang dila ko at hindi na nakuha pang makapagsalita. Tinaasan niya ako ng kilay nang hindi na ako makasabat, tila sinasabing tama ang sinabi niya.







Hula.





Lintik na hula 'yan.




Gumulo lang ang lahat nang dahil diyan.








💋💋💋




"Tumitira ba 'yang kapatid mo, ma?" nandidiri pang reaksyon ni Viñas habang tinitignan ang inaabot ng kaibigan niyang isang bar ng chocolate na may pulang ribbon. "Parang dati lang halos ibaon na ko ng buhay sa lupa non ah."






D R A B B L E SWhere stories live. Discover now