"LET'S GO...LET'S GO TAMARAWS, LET'S GO!"
Nanatiling mahigpit ang hawak ko sa green at gold na balloon clapper ko habang sinusundan nang tingin ang bolang pinagpapasa pasahan sa magkabilang side ng net.
"Ortiz launches and...Aricheta was there and he said NO!" nangibabaw ang tunog nang pagka-mangha matapos ang buwis buhay na save na iyon ni Brigs. "Did you see that partner?...springs back to Gabriel, kanino kaya niya dadalhin ang bola? Lahat kayang patayin ang bola eh... but he chooses Viñas from the back and...KILL SHOT!" dire-diretsong turan ng commentator.
Awtomatiko akong napatayo at napalundag sa sobrang saya.
"...and FEU now has the commanding lead in the match by taking the second set! Will they maintain it, or will UST mount a growling comeback? We'll find out after the break. Stay tuned, Kapamilya."
"I love you, Viñas! Ang pogi mo!" Tila ba nasa tabi ko lang 'yung mga nagkakalampagang drums sa sobrang lakas pero hindi nakatakas sa pandinig ko ang ang mga nagsisigawang babae sa bandang likuran ko. Sadyang matalas talaga ata ang pandinig at paningin ko pagdating sa taong iyon.
"VIÑAS BAKA NEED MO NG JOWA!" nanlaki ang mata ko sa narinig.
"WE LOVE YOU, VIÑAS!" sigaw pa nila nang magkakasabay. Base sa pagkakadinig ko ay tatlong babae ang mga ito. Napatingin ako sa taong kanina pa nila sinisigawan na akala mo manglalako ng taho, pero hindi man lang ito nag-abalang lumingon kahit ilang dipa lang ang pwesto namin sa courtside at malabong hindi niya naririnig iyon.
"Wow. Non-chalant." pabulong na komento ko habang pinanunuod siyang mag-bitbit ng iilang gamit dahil lilipat na sila ng side kung saan mas malapit sa pwesto namin.
"Tangina ang popogi!" Dinig ko pa rin na usapan nang mga nasa likuran ko pagkalapit nina Gabriel at Aricheta. "Kaya naman palang gumawa ni Lord ng ganyan hindi pa dinamihan. Charot!" sabay tawa nila.
Doon pasimple ko na silang sinilip at nakitang tatlo nga sila at may hawak na banner na may mukha ni Viñas with #ViñasTheGreat written below it.
"Y/N!"
Sadya talagang malakas ang pandinig ko sa isang 'to dahil kahit malakas ang tugtog sa buong arena ay klarong klaro kong narinig ang pagtawag niya sa pangalan ko.
Kitang kita ko kung paano nalipat ang paningin ng tatlong babae papunta sa akin.
You heard it right, girls. Ako ang tinatawag.
I flashed a megawatt smile at madaling bumaba ng steps.
"Yes?" kumukurap-kurap ko pang ngiti.
"Mukha kang gago 'te." ani niya, "umayos ka nga," sabay tapal sa mukha ko ng towel niyang basa ng pawis. Agaran kong hinatak palayo iyon at mabilis siyang hinampas.
"Tangina mo talaga! Kadiri! Dugyot!"
"Paka-o.a!" halakhak pa niya. "Wait mo 'ko ah. Sabay tayo uwi." pag-iiba niya bago walang pasabing umalis para bumalik sa side nila.
Napa-irap na lang ako matapos siyang lumingon muli sa akin at ngumiti nang pang-asar.
"Ate..."
"Hindi ako jowa." pagputol ko roon sa isa sa tatlong babaeng faney ni Viñas. Nahuli ko pang patagong nagvivideo ang isa na agad niyang ibinaba nang makitang nahuli ko siya, "Mas kikay pa ho sa akin 'yon." pekeng ngiti ko dahil mukhang hinuhusgahan na nila ang buong pagkatao ko.