Drabbles Special Presents: Unknown

159 5 1
                                    





"Wag kang maingay." bulong ni Brigs habang nakakulong ako sa mga bisig niya kaya damang dama ko ang mabilis na tibok ng puso nito. Taliwas iyon sa kalmado ngunit alerto niyang reaksyon. Tumango lang ako bilang tugon at siniksik na lang lalo 'yung ulo ko sa dibdib niya na para bang walang tensyon na namumuo sa aming dalawa. Balot ng pangamba ang isipan ko para pansinin pa ang posisyon namin ngayon.



"Natatakot ako." halos utal ko na ngang sambit. Tinakpan niya agad 'yung bibig ko at sumenyas na manahimik. Hindi ko na napigilang maluha sa naghahalo halo kong emosyon. Napansin niya ata iyon kahit sobrang dilim sa silid dahil naramdaman ko ang unti-unting pag higpit ng yakap niya.



Paano nga ba kaming dalawa napunta sa madilim na stock room na.







■■■





5:37 ng hapon nang makarating ako ng Campus. Weekend ngayon kaya konti lang ang mga estudyanteng may klase. Wala akong sched ng weekend class pero dahil sa lunes na ang week long celebration ng founding anniversary ng unibersidad namin, kinailangan kong pumunta rito para sa preparations. Hindi lang pala pumunta, kundi mag-overnight.





Parte ako ng Student Council kaya naman kabilang ako sa mga punong abala sa paghahanda. Lahat kaming miyembro ay nagdesisyong mag-overnight sa huling araw ng preparasyon para mapulido ang lahat at masiguradong maayos lalo pa't maraming bisita ang darating.



"Anong dala mo?" naglalakad na ako sa hallway papuntang Auditorium nang bigla na lang sumulpot si Perez sa tabi ko. Treasurer namin. Marahan ko tuloy siyang hinampas sa braso dala ng gulat.



"Ikaw, bakit walang dala?" tanong ko pabalik nang makita wala man lang siyang dala kahit ano.



"Ganda lang meron ako. Pasensya." malokong sagot nito at hinawi pa ang imaginary long hair niya. Inabot ko sa kanya 'yung mga crepe paper at iba pang decorating tools na dala ko para gumaan naman ang bitbitin ko. Magiliw naman niyang tinanggap iyon. Siya pala ang kauna unahang dumating kaya nasa Audi na ang mga gamit niya.







"Hoy wait niyo ako!"







"May naririnig ka?" Tanong bigla ni Perez sa akin. Umiling naman ako. Parang may narinig naman ako pero biglang nawala kaya akala ko wala lang.



"Bitch. Wait for me, hoy!"



"May tumatawag ata?" Awtomatiko akong napalingon sa kaliwa't kanan ko pero wala ko nakita.



"Bungol."



"Hindi kami bungol!" Nagulat na lang ako ng may lingunin si Perez sa likuran namin. Napasunod na lang din tuloy ako ng tingin at nakita si Ortiz na nakasunod lang pala sa amin. Naka-cap ito ng pabaliktad gaya ng lagi niyang porma. Mabilis akong umiwas ng tingin sa takot na makita niya akong naka titig sa kanya. I like him and he's aware of it.



"Then bakit hindi niyo ako naririnig?" Mahina pa rin niyang sambit. Todo na ata talaga sakanya 'yung ganong kahinang boses. Siguro kung may killer at kailangang magtago, si Ortiz ang bukod tanging mabubuhay. Sa sobrang hinhin at hina kasi ng boses nito, 'yung tili sa kanya bulong lang para satin.



"Wala. Trip ko lang hindi lumingon." ngisi ni Perez.



"Baliw." napansin ko ang pag-irap muli niya at nakisabay na nga sa paglalakad namin.



Si Ortiz nga pala ang Secretary ng Council. Siya ang pinaka tahimik pero isa sa pinaka-creative sa lahat ng officers. Madalas lang siyang nasa tabi, nag-oobserve. Nakasanayan na rin ata kapag nag tatake ng minutes. Nakikisali rin naman siya sa kulitan pero mas madalas siyang tahimik. Mabilis daw kasi maubos social battery niya kaya ganon.



D R A B B L E SWhere stories live. Discover now