Chapter 17

36.5K 738 37
                                    

NAPANGITI AKO NG maalala ang ginawa namin ni Isaac kagabi. Nararamdaman ko pa ang mga haplos niya sa katawan ko. Halos hindi ako tinigilan ni Isaac, hanggat hindi ako lupaypay sa pagod.

Madaling araw na din kami natapos kaya ang sakit ng pagkababae ko. Pag gising ko ay wala na si Isaac sa tabi ko.

Nakasuot na din ako ng damit. Mukang binihisan ako ni Isaac kanina. I got up and went to my room to do my morning routine and change my clothes.

I immediately went downstairs and went to the kitchen dahil ang hapdi na ng tyan ko. Gutom na gutom yata ako. Pagdating ko sa kusina ay nakahanda na ang pagkain sa mesa. Napangiti ako nang makita ko si Isaac na nag-aayos ng pagkain.

"Good Morning, sweetheart!" Bati niya sa' kin ng makita niya akong nakatayo. Naglakad siya palapit sa' kin at mabilis na hinalikan ang labi ko.

Umupo ako sa upuan at katabi ko naman si Isaac. Nilalagyan naman niya ang plato ko ng pagkain habang nakatitig lang ako kay Isaac at bumuga ng hangin. Naisip ko lang, ilang beses na may nangyari samin ni Isaac, ngunit hindi ko alam kung ano ang relasyon naming dalawa.

I'm waiting for him to say something o manligaw or kung ano pa man ngunit wala itong sinasabi. Naghihintay lang ba ako sa wala? But I can feel Isaac's care for me.

Ayaw ko din maunang magsabi dito at baka sabihing assumera ako. Nahihiya din ako mag open ng topic sakanya.

Sinubuan ako ni Isaac, nakita niya yata na hindi ko ginagalaw ang pagkain sa plato ko. Kumain na din ako dahil ramdam ko ang hapdi ng tyan ko.

Wala si manang Iska at Mia hindi sila sumabay sa pagkain namin. Isaac and I were eating in silence when his phone rang. Isaac quickly frowned when he saw the caller ID and quickly answered it.

"Andrie?" He called the person on the other line. Hindi ko marinig ang sinasabi ng katawagan niya kaya tahimik akong sumubo ng pagkain ko.

I stopped eating when Isaac suddenly raised his voice. "What??" lumingon ako sa gawi niya.

"Panong nawawala?" Nakita ko pang hinilot ni Isaac ang sentido niya at parang na-iistress 'to kaya tumigil muna ako sa pagkain.

"Okay, I'll go right away." Sabi niya at pinutol ang tawag. Bumuga pa 'to ng hangin habang nakatulala 'to ng ilang saglit.

"Is there a problem?" Nag-aalala kong tanong sakanya. Bumuga ulit 'to ng hangin.

"Ruwi is missing." Sabi niya sabay hilot ng kanyang sentido at tumingin sa gawi ko. "They can't trace Ruwi, she's been missing for three days." Saad niya.

Malungkot 'tong tumingin sa' kin. "I have to go back to Russia, sweetheart. We have to find Ruwi, pero nalulungkot ako dahil maiiwan kita dito. What if when I come back, you're not here anymore." malungkot nitong saad.

I caressed his cheek. "Go! Ruwi needs your help. Pagbalik mo dito sa bahay, I'll still be here. I won't leave Isaac." Saad ko saka hinalikan siya sa labi.

Yumakap siya sa' kin at ang mukha niya ay nakapatong sa balikat ko. "I don't know why Ruwi is missing, but this is her first mission that she didn't return right away. We know her, she will finish her mission right away and going home immediately." Sabi niya saka bumuga ulit ng hangin.

Hinaplos ko ang buhok niya. "Uuwi din 'yun Isaac tsaka matakot na ang sino man magbabanta sa girl crush ko. Magaling kaya 'yun." Saad ko na para bang pinapagaan ko ang loob niya. Ramdam kokasi ang pag aalala niya kay Ruwi.

"Girl crush mo si Ruwi? Magseselos na ba ako nito?" sabi niya habang naka nguso kaya kinurot ko ang nguso niya.

"Kailan ka aalis?" Tanong ko.

Assassin Series 2: Isaac Elrod GarciaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon