Chapter 18

33.4K 742 66
                                    

NAGISING AKO NA PARANG hinahalukay ang tyan ko. Mabilis akong bumangon at tumakbo papunta sa banyo at sumuka do'n. Puro laway lang ang nasusuka ko. Napahawak ako sa lababo ng banyo ni Isaac para kumuha ng suporta, nahihilo din kasi ako.

Agad akong nag mumog at napahawak sa ulo ko. Nahihilo talaga ako at parang ang bigat ng pakiramdam ko. Bumalik ako sa higaan para magpahinga. Simula ng umalis si Isaac ay sa kwarto ako nito natutulog.

Gusto ko kasing amoyin ang unan niya kung saan siya madalas nakahiga, na-mimiss ko na ang amoy niya. Tumingin ako sa orasan at nakitang 10AM na din pala. Nakaramdam ako ng gutom kahit tamad na tamad akong bumangon ay ginawa ko parin.

Hindi na ako nagbihis ng damit at lumabas agad ako ng kwarto ni Isaac. Kakain lang ako at pagkatapos ay matutulog ulit. Gusto ko lang matulog ng matulog, ewan ko ba! Napapadalas ang pagtulog ko, parang pagod na pagod ang katawan ko at nasusuka ako lagi sa umaga minsan din ay sa hapon.

Pagdating ko sa kusina ay naabotan ko si Mia na naghuhugas ng plato. She looked at me from head to toe saka ngumisi sa' kin. "Ayy! Gising na pala ang princessa namin.," pang-aasar niyang sabi.

Hindi ko nalang siya pinansin at dumiretso ako sa mesa para tignan kung anong pagkain. Bigla akong natigilan ng hinila ni Mia ang kamay ko at pinaharap ako sakanya.

I raised my eyebrow on her. Naiirita na talaga ako sa babaeng 'to. "Hoy princessa! Tumulong-tulong ka sa gawaing bahay dito. Feelingera!" sabi niya sa' kin.

Tinulak ko siya at mas lalong tinaasan ng kilay. "Who are you to order me around? Eh, diba pinatira ka dito ni Isaac dahil nakiusap ang nanay mo. Gawain mo yan! Bisita ako dito ni Isaac kaya wag mo akong mautus-utusan." Inis kong sabi sabay irap sakanya.

"Umalis ka na kaya rito!" Pagmamaldita niya.

"Why? Ikaw ba may-ari ng bahay??" Pang-aasar ko saka kumagat ng hotdog. Halata namang may gusto 'to kay Isaac, sarap sabunutan.

"Hindi! Pero malapit na!" Sabi niya. Natawa ako sa sinabi niya. Hindi ko tuloy mapigilang tumawa ng malakas habang sapo ang tyan ko.

"Good joke, Mia. Alam mo ba kung bakit ako nandito sa bahay na 'to?" Naka ngisi kong tanong sakanya. Gusto ko talagang asarin ang babaeng 'to. Pinagkrus niya ang dalawang braso niya sa kanyang dibdib sabay angat din ng isang kilay niya. Palaban!

"Alam mo kasi.. girlfriend ako ni Isaac at soon ay magpapakasal na kami," naka ngiti kong sabi sakanya kaya natigilan naman siya.

"Hindi mo pa nga alam na sa iisang kwarto lang kami ni Isaac natutulog. At alam mo kung anong ginagawa namin? Syempre, yung masarap." Pang-aasar ko sakanya kaya nakita kong namutla ang mukha niya.

"Hindi totoo yan! Hindi ka bagay ka Isaac! Ni wala ka ngang alam sa gawaing bahay at lagi ka nalang nagkukulong sa kwarto mo," sabi niya, ayaw talaga patalo.

"Well, hindi talaga ako tumutulong dahil ayaw ni Isaac mapagod ako. Alam mo na may ginagawa kasi kaming nakakaubos ng lakas." Saad ko habang pinipigilang kong matawa sa mukha ni Mia. Ang sarap bwesitin.

"At ano? Hindi ako bagay kay Isaac, bakit sino sa tingin mo ang bagay sakanya? Ikaw??" Turo ko sakanya. Nakita ko namang lumunok 'to ng laway bago nagsalita.

"Oo, ako ang bagay sakanya. Matagal narin kaming magkakilala, simula ng bata pa kami ay kami na ang magkasama. Kaya alam kong magugustuhan ako ni Isaac." Lakas loob niyang sabi sa' kin.

I rolled my eyes habang tumatawa. "Well sorry to pop your bubbles my dear, ako ang girlfriend ni Isaac kaya dapat lumugar ka." Pag mamaldita ko.

"Akin si Isaac!! Mas maalagaan ko siya kaysa sa'yo." Pagpupumilit niya. Kumuha ako ng pagkain at inilagay ko 'yun sa plato ko. Balak ko ay sa kwarto nalang kumain dahil nakaka irita ang pagmumukha ni Mia.

Assassin Series 2: Isaac Elrod GarciaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon