Chapter 10

40K 868 60
                                    

IT'S BEEN TWO DAYS since the incident happened. Two days ko na din hindi nakikita si Isaac. Kapag lumalabas ako sa kwarto ko at nagbabakasakali na makasalubong ko si Isaac sa sala o sa kusina ay wala 'to.

Gusto ko sanang magpaliwanag sakanya, ngunit feeling ko ay iniiwasan niya ako.

Laging bagsak ang balikat ko pagbumabalik ako sa kwarto ko. Nasubukan ko ng pumunta ng kwarto ni Isaac. Kumakatok ako ngunit hindi ako pinagbubuksan ni Isaac. Hindi ko tuloy magawang magpaliwanag sakanya. Hindi din ako nakapag thank you sakanya sapag sagip niya sa' kin.

Papaakyat na ako ng hagdan nang maisipan kong dumeritso sa harap ng pinto ng kwarto ni Isaac.

Pagdating ko sa harap ng pinto niya ay kumatok ako ng mahina. Alam ko namang hindi niya ako pag bubuksan. Ngunit gusto ko paring subukan.

Mas nalungkot pa ako n'ong magtanong ako kay manang Iska n'ong isang araw kung nasaan si Isaac. Pumunta daw 'to ng bayan kasama si Mia.

I sighed as Isaac didn't really open the door for me.
Hindi ko rin naman alam kung nandito ba siya sa loob o wala. Kaya lakas loob akong nag salita.

I cleared my throat first and took a deep breath.

"Isaac!" tawag ko sa pangalan ng binata. Hindi na muna ako nagpatuloy sa pag sasalita na parang nag hihintay na may sumagot sa' kin mula sa loob ng kwarto niya.

Huminga ulit ako at nagpatuloy. "I'm Sorry!"

"A-ahm, ang totoo n'yan ay hindi naman talaga ako magpapakamatay n'ong  isang araw. Hindi din si James ang dahilan no'n o kung ano pa man. Ang totoo.." huminga muna ako ng malalim.

"Pinulikat ang kaliwang paa ko kaya hindi ako naka kilos no'n. Nahihiya lang akong umamin sa'yo na 'yun ang dahilan ko. Naiinis kasi ako sayo dahil lagi mong kausap si Mia kaya 'yun ang sinagot ko sa'yo. Ang totoo nga n'yan ay hindi na sumasagi sa isip ko si James, hindi ko alam—" napatigil ako sa pagsasalita ng bumukas bigla ang pintuan.

Lumabas do'n si Isaac at halos nanlaki ang mata ko at hindi makapaniwalang nasa loob pala talaga si Isaac. Hindi tuloy ako makapag react. Naramdaman ko nalang ang mga labi niya sa labi ko at hawak niya ang magkabilaang pisngi ko.

Napapikit ako at napangiti sa pagitan ng halik naming dalawa. Hindi ko alam kung bakit parang sabik ako na matikman ang labi ni Isaac.

Naramdaman ko din ang pag pulupot nang braso niya sa beywang ko at mas lalo niya akong hinapit papunta sa katawan niya.

I accepted his kiss. He sucked my tongue and I did the same.

May kumawalang ungol sa bibig ko na hindi ko mapigilan. Umiinit narin ang pakiramdam ko. Dahan-dahan gumapang ang kamay ko sa tyan ni Isaac saka ko hinaplos 'yun. At shit!! Totoo nga ang chismis na may abs talaga si Isaac.

Ang tigas!

I heard Isaac's soft moan kaya napahinto ako sa paghalik, hinabol pa ni Isaac ang labi ko kaya mabilis kong tinakpan ang labi ko gamit ng palad ko.

Kumunot ang nuo niya at tinanggal ang palad ko at hinalikan ulit ako. Mapangahas na halik ang binibigay niya sa' kin.

Napapungol na ako sa ginawa ni Isaac sakin, damang-dama ko ang mga haplos niya sa beywang ko. Nakakapaso ang init ng palad niya.

"Isaac.."

Napahawak ako sa balikat niya na parang kumukuha ng suporta dito. Pakiramdam ko kasi ay nanghihina ang mga tuhod ko.

Naghiwalay lang ang mga labi namin ng kinakapos na kami ng hininga.

Sinimangotan ko siya. Mukang narinig niya ang mga sinabi ko kaya maaliwalas ang mukha niya.

Assassin Series 2: Isaac Elrod GarciaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon