Chapter 13

38.8K 839 39
                                    

NAGISING  AKO NA NASA KAMA parin ni Isaac. Lumingon ako sa katabi ko ngunit wala si Isaac, mukang nakatulog ako kanina pagkatapos akong pagurin ni Isaac.

"Nasan kaya 'yun?" naibulong ko sa sarili ko.

Baka lumabas 'to at naghahanda na naman ng pananghalian dahil 12PM narin naman. Hihintayin ko nalang siya dito sa kwarto.

Ngunit, lumipas ng isang oras ay walang umakyat na Isaac.

Kaya napag desisyonan ko nalang na bumangon sa kama kahit masakit pa ang pagkababae ko.

Paika-ika akong naglakad dahil sa sakit na nararamdaman ko. Huminto muna ako para pakiramdaman ang nasa ibaba ko. Nang makaya ko na ang sakit ay lumapit ako sa closet ni Isaac at kumuha ng tshirt do'n saka isinuot.

I saw my clothes folded on the bedside table so I picked them up and left Isaac's room.

Dumeritso ako sa kwarto ko at pumasok agad sa banyo. Naligo agad ako dahil gusto kong bumaba at baka nando'n si Isaac at pinagluluto ako ng pagkain.

Mabilis kong tinapos ang aking pagligo at naghanap ng damit, nakita ko na may simpleng dress na kulay blue kaya kinuha ko 'to at sinuot.

Gusto ko muna mag dress dahil feeling ko masakit masagi ang pagkababae ko kapag nag suot ako ng short, pero kaya ko na ang sakit. Kasalanan 'to ni Isaac eh!

Lumabas ako ng kwarto ko at bumaba ng hagdan. Ngunit wala akong nakitang tao sa sala kaya dumiretso ako sa kusina at nakita ko si manang Iska na nagluluto. Nakita niya ako kaya ngumiti siya
sa' kin.

"Nagugutom ka naba hija?" tanong niya sa' kin.

"Manang, Nasaan po si Isaac?" pag-iiba ko ng usapan. Inilapag niya muna ang sandok saka humarap sa' kin.

"Umalis sila Isaac. Kanina pa sila umalis at pumunta ng Bayan." Sagot niya sa' kin.

"Sila?" Tanong ko ulit.

"Kasama ang anak kong si Mia. May papasyalan yata sila hija. Kanina pa naka alis 'yun at baka mamaya-maya ay nandito narin ang mga 'yun." sabi sakin ni manang Iska.

Nang marinig ko 'yun ay parang may dumagan sa dibdib ko na parang nahihirapan akong huminga. Napilitan akong ngumiti at tumalikod kay manang Iska na hindi na nag papaalam.

Umakyat agad ako sa kwarto ko. Hindi ko alam ngunit naramdaman ko nalang na may tumulo sa mata ko kaya mabilis ko 'tong  pinahid. Naghahalo ang nararamdaman ko inis, selos, galit, lungkot.

Pagpasok ko sa kwarto ko ay umupo ako sa sahig habang naka tulala. Tumawa ako ng parang baliw. Bakit ko ba nakalimutan na ayaw nga pala ng pamilya ni Isaac sa' kin. Naiinis ako kay Isaac, pagkatapos akong makuha ay may kasamang babae agad.

"Hahahaha ano ka ba Irish! Wala naman kayo ni Isaac, nag sex nga kami ngunit wala naman kaming label hahaha..." tatawa-tawa kong kausap sa sarili ko habang may tumulo na luha sa mga mata ko.

Alam ko nagseselos ako kahit wala namang karapatan. Baka nga pinaglalaruan lang din ako ni Isaac. Bakit ko nga ba nakalimutan na ayaw nga pala sakin ni Isaac. "Ang galing mo, Irish. Bumigay ka kaagad kay Isaac." Saad ko at agad napasabunot sa buhok ko.

Hindi ko alam kung ilang oras na akong naka upo sa sahig kaya tumayo na ako saka ko nilock ang pinto at naglakad papunta sa kama.

Nakatulala lang ako habang nakatitig sa kisame. Narinig ko pang kumatok si manang ngunit hindi na ako sumagot dito. Wala akong ganang kumain. Wala paring Isaac na dumating kaya mas lalo akong na inis.

Napatingin ako sa orasan na naka sabit sa pader at nakitang alas kwatro na. Tumayo ako at lumapit sa bintana at tumanaw sa dagat.

Napapakalma kasi ako ng dagat. Hanggang sa may napansin ako na dalawang tao na naglalakad.

Assassin Series 2: Isaac Elrod GarciaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon