Chapter 20

33.9K 743 31
                                    

NAGISING AKO  NA namamaga ang mga mata ko. Grabe naman kasi 'yung pinanood ko na kdrama nakaka-iyak naman kasi. Mukha tuloy kinagat ng bubuyog ang mga mata ko.

Nag-inat muna ako ng katawan bago ako tumayo sa kama at dumeritso sa banyo. Hindi pa tumatawag si Isaac sa' kin simula ng huli naming pag-uusap. Ang sabi niya sa' kin ay uuwi na daw siya?kaya sobrang excited ko kahapon na naghihintay sakanya, ngunit natulugan ko ang paghihintay kay Isaac.

Pagkatapos kong gawin ang morning routine ko ay lumabas na agad ako sa kwarto ko. Napatigil ako sa paghakbang ng hagdan ng makita ko ang isang lalaki na nakatayo sa gawi ko. "Isaac!!" Tawag ko sakanya kaya lumingon siya sa' kin. Mabilis akong bumaba ng hagdan at tumakbo patungo sakanya.

Napayakap pa ako sakanya agad ng makababae ako ng hagdan. Sobrang saya ko dahil nandito na siya. Humiwalay ako sakanya ng yakap saka binigyan ko 'to ng matamis na ngiti. Ngunit naka kunot lang ang nuo niya habang nakatitig sa' kin.

Napataklob ako sa mga mata ko ng maalala ko na namamaga nga pala ang mga mata ko. Nakakahiya tuloy. Narinig ko siyang tumikhim saka tumalikod sa' kin. "Let's, eat." Sabi niya lang sa' kin at umalis sa harap ko.

Sumunod nalang ako sakanya. Napatigil ako sa paglalakad ng huminto si Isaac at may tinuro 'to sa may mesa. "Yan 'yung mga pasalubong ko sa'yo." Sabi niya saka nag patuloy na 'to sa paglalakad.

Napangiti ako at agad na sumunod kay Isaac. "Thank you, Isaac." Sabi ko sakanya. Hindi naman siya nagsalita kaya sumunod nalang ako sakanya ulit hanggang sa nakarating kami sa kusina.

Umupo agad ako sa upuan, napa-angat ako ng tingin kay Isaac ng sa ibang pwesto 'to umupo at hindi sa tabi ko. Umupo pa talaga 'to sa tabi ni Mia na ang laki ng ngiti sa labi. Naguguluhan ko naman siyang tinignan. Walang emosyon ang mukha niya na nag simula ng kumain.

Bumuntong hininga nalang ako. May nagawa ba akong mali sa'kanya. Tumupad naman ako sa promise ko na hindi ako aalis dito sa bahay niya. Pero bakit pakiramdam ko ay may mali.

Walang gana akong kumain habang nakikinig kay Mia na panay tanong kay Isaac kung kamusta ang pinuntahan nito na sinasagot naman ni Isaac. Kaya mas lalo lang akong naiirita.

Mabilis kong inubos ang pagkain ko saka ako umalis sa kusina ng walang paalam sakanila. Lumabas ako ng bahay para tumambay muna sa dalampasigan at para narin makalanghap ng hangin. Nakakainis silang dalawa, ang sarap nilang pag umupogin.

Naglalakad ako papuntang dalampasigan at umupo sa buhangin habang nakatitig sa kumikinang na dagat dahil sa sikat ng araw.

Hindi ko alam kung may nagawa ba akong masama kay Isaac, iba ang feeling ko. Para ako nitong binabalewala.

Ilang minuto na akong naka upo dito sa dalampasigan. Akala ko susunod si Isaac sa' kin, pero mukang nagkamali ako. Walang Isaac na sumunod kaya napabuga nalang ako ng hangin.

Ayaw naba niya sakin?

Gusto ko nalang umuwi. Theee days nalang ikakasal na si James at makaka-alis narin ako dito sa wakas. Yun ang gusto ko dati ang makawala kay Isaac sa pagkidnap nito sa' kin para ilayo kay James pero ngayon.. ayaw ko ng malayo kay Isaac. Gusto ko siyang makasama.

Mapait akong ngumiti saka napasabunot sa buhok ko. Baka kasi kapag nalaman ni Isaac na mahal ko siya ay offeran niya ako ng malaking pera para layuan siya.

Napagdesisyonan ko ng tumayo sa pagkaka-upo dahil masakit na sa balat ang sikat ng araw. Pumasok ako ng bahay at nakita ko si Isaac na nasa Island counter at nakaharap sa laptop niya. Sa tabi nito ay si Mia na parang may pinapanood ang dalawa.

Napasimangot ako sa nakita ko, may pasasabi pa siyang i miss you pero hindi naman ako pinapansin nang maka balik na 'to.

Padabog akong naglalakad habang dumadaan sa harap nila dahil sa inis ko kay Mia at Isaac. Magsama sila ni Mia mga bwesit sila.

Assassin Series 2: Isaac Elrod GarciaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon