Chapter 16

39K 823 69
                                    

SPG~

MAGKASAMA KAMING namamasyal ni Isaac habang magkahawak kamay. Hapon narin at marami na kaming na puntahang pasyalan.

Dumaan narin kami sa bayan para mag grocery para sa mga kulang namin na stock sa bahay. Nakakainis lang dahil may nag pupumilit sumama samin.

Kainis talaga'tong babaeng 'to. Hindi man lang makiramdam na ayaw ni Isaac na sumama siya. Ngunit nag pupumilit parin siya. Wala rin naman kaming nagawa dahil na una pang sumakay sa kotse ni Isaac.

Papalabas na kami ng grocery store at dumiretso sa kotse. Inilagay ni Isaac ang mga pinamili namin sa likod ng sasakyan. Pupunta na sana ako sa passenger seat ng mabilis na pumasok si Mia do'n kaya pati si Isaac ay nagulat.

Nakita ko pang nalukot ang mukha ni Isaac kaya nginitian ko nalang 'to. "Can you move to the back seat Mia?" Masungit na sabi ni Isaac.

"Ayaw ko, Isaac. Gusto ko dito eh,"sabi nitong babaeng 'to.

Lumingon sakin si Isaac kaya tumango ako sakanya at pumasok sa backseat. Wala naring nagawa si Isaac at nag maneho nalang ng sasakyan.

Daldal ng daldal si Mia kahit halata namang hindi nakikinig si Isaac sakanya. Nakikita ko pang panay ang sulyap ni Isaac sa' kin mula sa rearview mirror.

"What do you want for dinner, sweetheart?" Tanong niya sa' kin. Ngunit ang babaeng feelingera ang sumagot.

"Ako Isaac gusto ko ng sinigang na baboy," sagot ni Mia. Nakaka-irita na talaga siya. Sumbong ko kaya ito kay Ruwi.

"Sweetheart?" Napatigil  ako sa pag-iisip ng marinig ko ulit ang boses ni Isaac.

"A-ahm.. hindi ko alam. Bahala na mamaya." Sagot ko nalang sakanya.

"Gusto mo ba magluto tayong dalawa?" Tanong
sa' kin ni Isaac.

"Bakit marunong ba 'yan magluto?" Pang iinsulto
sa' kin ni Mia.

Napupuno na talaga ako sa babaeng 'to napaka papansin.

"Gusto mo Isaac ako na magluto?" Tanong ni Mia at talagang humarap pa kay Isaac. Hindi naman lumingon si Isaac sakanya.

Napangisi ako ng may pumasok sa isip ko. Tignan ko lang kung hindj mangisay 'tong babaeng 'to sa inis. Tumikhim muna ako bago ako nagsalita "Sweetheart.." Tawag ko kay Isaac.

Napasubsub ako ng biglang malakas na pumreno si Isaac habang nag mumura. "Damn it!" Sabi pa niya. Sinamaan ko siya ng tingin. "Ano kaba Isaac, bakit bigla kang pume'preno d'yan?" Inis kong tanong sakanya.

Lumingon nama siya sa' kin. "Your fault, you suddenly called me sweetheart. I was just surprised, call me that again." Sabi niya kaya inirapan ko siya.

Nakita ko naman nag papansin si Mia, kesyo daw nauntog siya at masakit. Ako kaya umuntog sakanya.

"Sweetheart.." tawag ko ulit kay Isaac.

"Fuck!" Saad niya na parang nahihirapan huminga. Hindi ko alam kung bakit. Huminga muna ako bago ko sasabihin ang gusto kong sabihin kay Isaac. Tignan ko lang kung anong magiging reaction ni Mia.

"A-ahm.. Can I sleep in your room again?" Tanong ko kay Isaac.

Narinig kong nagmura ulit si Isaac kaya hindi ko napigilang kurutin siya sa tagiliran. Nakaka-inis, nag lalambing na nga lang eh.

Tumingin siya sa rearview mirror at may kislap ang mata nito. Nakita ko pang kinagat niya ang ibabang labi niya na parang nag pipigil.

Oh no! Wrong move yata. Bawiin ko na kaya. bulong ng maliit na tinig sa isip ko. Nakita ko naman si Mia na parang bad mood na 'to Buti nga!

Assassin Series 2: Isaac Elrod GarciaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon