Chapter 15

38.5K 817 38
                                    

NASA KOTSE KAMI NI Isaac at papunta kami sa building kung saan niya iniwan ang helicopter na sinakyan namin.

Two days na kami sa Manila kaya uuwi na kami. Bumili narin ako ng mga gusto kong pagkain at mga damit.

I smiled as I looked at Isaac squeezing my hand. He was holding my hand and his other hand is on the steering wheel. Kanina ko pa inaagaw ang kamay ko ngunit ayaw niyang bitawan kaya hinayaan ko nalang.

Nasa highway na kami at wala kaming masyadong kasabayan na mga sasakyan. Kaya makakarating kami agad sa building na pagmamay-ari nila Isaac dahil hindi traffic.

"Isaac.." sambit ko sa pangalan niya.

"Yes, sweetheart?" Sagot niya sa'kin. Nakakainis kasi, kinikilig ako sa tawag niya sa' kin pero wala naman kaming relasyon.

"Ahm.. sila Ruwi, sa Russia sila nakatira?" Tanong ko.

"Yep. That's where the abductors took us. Doon na din namin napiling tumira," simpleng sagot niya.

I sighed. "Alam mo, hindi ako nakakain masyado n'ong kami lang dalawa ni Ruwi. Ewan ko ba para akong natatakot sakanya?" naka nguso kong sumbong kay Isaac. I heard Isaac's laugh. Totoo naman eh, nakakatakot si Ruwi iba talaga awra niya.

I snorted even more as Isaac still laughing. Tumingin siya sa gawi ko. "Bakit ka naman natatakot kay Ruwi?" Natatawa niyang tanong
sa' kin.

Sinamaan ko siya ng tingin. "I don't know either, iba kasi awra niya eh, hindi ko din ma'explain. Ang ganda niya, may pagka fierce ang mukha niya at kapag binangga mo ay para kang babangga ng pader." I said to Isaac.

Hindi ko talaga feel ang awra ni Ruwi lalo na sa kwento ni Isaac sa' kin tungkol sakanya. She's really a badass Assassin.

"Mas maganda ka do'n." I glared at him, 'yun lang yata ang narinig niya sa mga sinabi ko. I saw him laugh again so I hit his arm. "Aww!!" Tatawa-tawa niyang sinasalag ang hampas ko habang nagmamaneho.

"Relax, sweetheart, mabait naman 'yun si Ruwi. Siya ang pinakamabait samin. Ganon lang talaga 'yun." sabi niya sa' kin.

Isaac and I suddenly stopped talking when we heard a gunshot.

"Shit!" I heard Isaac cursing and let go of my hand and quickly drove the car faster.

Napatili ako ng may narinig ako ulit na putok ng baril. "Oh my God!!! Isaac!!" Nag papanic kong sigaw.

I also felt our car shaking.

"Fuck! Fuck!" Galit na mura ni Isaac at naka focus ang mata niya sa daan.

Lumingon siya sa gawi ko. "Sweetheart, can you bend down and cover your ears with your hands." Utos niya sa' kin.

Mabilis kong sinunod ang utos ni Isaac at umuklo ako sa upuan. Narinig ko ang pagkabasag ng salamin sa likod ng sasakyan namin ni Isaac.

"Isaac, natatakot ako!" Naiiyak kong sabi.

Hindi siya sumagot sa sinabi ko. May ginalaw 'to  sa suot niyang relo at may pinindot siya do'n. I even saw his watch light up and took the earpiece and put it on one of his ear.

"Ruwi, help me."Bungad ni Isaac ng masagot ang tawag niya sa kabilang linya. Mukang si Ruwi ang hinihingian niya ng tulong. Nakikinig lang ako sa sinasabi ni Isaac, sinabi din nito kung nasaan kaming highway.

Napatili ako ulit ng may bumaril ulit sa sasakyan namin. "Putangina!!" Isaac cursed.

"Hold on sweetheart, help is on the way." Sabi niya sa' kin.

Hindi ko napigilan itaas ang ulo ko at tumingin sa dinadaanan namain. Isaac was still driving fast. Sinusubukan kong tumingin sa likod namin at nakita ko na may isang sasakyan na naka sunod  samin at may dalawang lalaki na may hawak ng baril na naka tutuk sa sasakyan namin.

Assassin Series 2: Isaac Elrod GarciaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon