Peterson's POV."Happy 15th birthday Shalee! Is it okay with you if we just celebrate at home?" Tanong ni dad kay Shalee. Tumango naman ito sa kanya
"Yes, Dad. I understand why it is necessary for me not to go out first" Fluent na agad siya mag salita ng english kahit wala namang nag tuturo sa kanya. She's really smart
I don't know where she learned to walk and what else a child should learn. Matalino nga siguro ang mga kagaya niyang bampira o baka siya lamang ang ganito sa kanilang lahi?
"blow your candle" Naka ngiti si, Dad sa kanya at halatang sobrang saya niya din. Hinipan ni Shalee ang kandila na nasa ibabaw ng cake, kasabay nito ang biglaang pag dating ng kung sino sa bahay mabilis na tila papel ang pag sulpot niya, agad kong hinila si Shalee palapit sa bisig ko. Nasira din ang sliding door dahil sa kagagawan ng kung sinong nilalang na ito
"Anong ginagawa mo dito Xan?" Tanong ni dad. As if he wasn't shocked when he came and broke the door
"Gusto kong makita ang aking kapatid upang makilala niya naman ako bago siya tuluyang maging makapangyarihan sa aming lahi" Malalim na sabi nito. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Kapatid niya ba talaga 'to? Paano kung nanlilinlang lang? 'Gaya nang sinabi ni, Dad noon. May kakayahan ang mga ito na mang-gaya ng pisikal na pangangatawan at hitsura. Maganda na ang sigurado
"Shalee siya ang iyong kuya he was also one of the ones who helped you escape" Dahan dahan kong binitawan ang kamay ni Shalee at hinayaang lumapit ito sa lalaki. One wrong move, and i'll kill you
"Ako ang iyong kuya naka babata kong kapatid" Malawak na ngiti nito kay Shalee
"Masaya akong makilala ka k-kuya" Yinakap ni Shalee ang lalaki, gusto ko siyang hilain para maalis siya sa pagkakayakap. It seems like my issue is that they are just siblings
"Ako si Xana Silvana, and you are Peterson Viamo right?" Nag lahad siya ng kamay. Nag dalawang isip ako kung kakamayan ko ba siya, nakita kong naka-ngiti si Shalee sa akin kaya tinanggap ko ang kamay ng kuya niya. Ano bang pakiramdam 'to? Ba't naiinis ako?
"it's me" I answered sparingly
"Maaari mo akong tawaging Xan, tinataglay ko ang kapangyarihan ng tubig at panahon sa aming lahi"
I didn't ask, tsk!
"Pero itong kapatid ko ay taglay niya ang lahat, dahil sa loob nang maraming taon ngayon na lang ulit nagkaroon ng babae sa aming lahi, dahil sa takot silang mangyare ang propesiya kung kaya't pilit nila itong pinipigilan, kaya nag papasalamat ako sa iyong ama" Sabay tingin niya kay dad na naka ngiti din ngayon. Ano ba dad! Kampihan mo naman ako sa inis kong nararamdaman ngayon!
"Kamusta ang iyong ama at ina?" Tanonf ni dad sa kanya
"Lumipat ang lahat sa panibagong kaharian may mga nagamot sa nangyaring pag lusob ng ng mga Delavin, may mga tuluyan namang naging abo. Sa ngayon bawal ipag-bigay alam kung saan kami naninirahan sapagkat nagbabawi pa ng lakas at kapangyarihan ang lahat sa amin" The depth of his Tagalog, maybe this is how they speak in their world
"Anong sadya mo dito? Alam kong hindi lang upang makita ang iyong kapatid, may iba ka pang sadya hindi ba?" Huminga ito ng malalim t'yaka may inabot na mapa o papel
"Ayan ang pasikot sikot sa loob ng palasyo ng mga Delavin kinuha ko iyan nang magkaroon ako ng tiyansang pasukin ko ang kanilang palasyo ngunit, muntikan na akong mahuli nu'ng tangkain kong kunin ang libro ng propesiya" Napa tingin kaming tatlo sa kanya. Ibig sabihin alam niya din kung saan iyon naka lagay, mapapadali ang misyon namin dahil sa impormasyon niya. Okay, medyo nawala na ang inis ko sa kanya
BINABASA MO ANG
That baby vampire is my future Wife
Mystery / Thriller"kailangan mo lang maniwala, wala namang mawawala kung papaniwalaan mo ang sa palagay mong posible"- L.A the Delavin family does not allow the Silvana family to have another baby girl because it was stated in the prophecy that the baby girl Silvana...