Peterson's POV."ano bang mga advantage ngayong nasa amin na ang libro ng propesiya?" tanong ko kay Dad. nasa office niya pa rin kami ngayon at nag-uusap patungkol sa libro ng propesiya.
"malalaman niyo ang hinaharap, maaari niyong tanungin ang reyna ng mga diwata kung ano ba ang ginagawa ng isang tao na nais niyong matiyagan. ang libro na iyan ay hindi lang basta libro, namamahay diyan ang reyna ng mga diwata, isa siyang magandang dilag na nais tulungan ang itinakda, pero depende kung nais niya ba itong mapa-buti o mapa-sama, gaya ng iyong ina naging pabaya siya sa pag hawak nito. may pagkakataon pa ngang naiwan niya ito sa kung saan, kaya hindi sumang-ayon sa kaniyang nais ang diwatang namamahay sa libro ng propesiya. gawin niyo ang lahat ng makakaya niyo para mapalabas niyo ang diwata sa libro kausapin niyo at kunin niyo ang loob nito, may kakayahan siyang baguhin ang tadhana, baguhin ang pangyayaring naganap na o magaganap pa lamang" i said wow in my mind
that means she is truly powerful, she holds the time of the world. so we will take her heart, we have to tame the fairy.
"anong mga nangyari kay ina noong naging pabaya siya sa pag hawak nito?" tanong ni Shalee
"muntik na siyang isumpa ng reyna ng mga diwata. naging abala siya noon sa iyong ama at nakalimutan na ang kaniyang tungkulin, kaya dapat unahin niyo palagi ang misyon kaysa sa inyong nararamdaman" paliwanag nito.
"alam mo ba dad ang tungkol sa ikatlong kaharian? sabi kasi sa libro may tatlong angkan daw ang mga bampira" tanong ko pa dito
"hindi ko na alam ang tungkol diyan, maaaring malayo sila o namumuhay lamang ng tahimik at hindi nang gagambala ng tao, hindi kagaya ng Silvana at Delavin na nag bubungguan. i'm not sure, but that's just my perspectives" posibleng gano'n na nga kaya hindi sila kilala.
"may alam ba kayong nag gagawa ng sandata kontra para sa mga bampira? it looks like our gun and knife won't work"
"Yes there is, pero hindi ko alam kung nabuhay ba siya sa nangyaring pag lusob ng mga Delavin" Napa-tingin ako kay Shalee at parehas kaming nabasa kaagad ang nasa isip.
"STOP that, you won't be able to sleep because of the laughter" saway ko kay Shalee dahil panay ang pakikipag kulitan kay Hana. parang mga ewan sa pinapanood na korean movie, nahawa na din kay Hana.
"kj mo naman boss" hana said
"nagkakalimutan ata tayo Ms. Secretary" sabay lapag ko ng hawak kong pitsel at baso sa center table ng sofa kung saan sila nakaupo
"o-oo sir" Ang kaninang mapang-asar niyang tingin sa'kin ay napalitan ng kaba.
"h'wag mo siyang sitahin. siya lang ang matino kong nakakausap dito, 'no!" napa awang ang labi ko sa sinabi ni Shalee. so ano ako? hindi matino kausap? unbelievable.
"so what do you think of me? can't talk sense?" bigla silang natawa, namumuro na talaga sa'kin itong si Hana porket kaibigan siya ni Shalee wala na siyang pag galang sa amo niya. nakakalimutan niya bang ako ang nagpapa-sahod sa kaniya.
tumayo ako at sabay sabing "okay bawas ka ng sahod ngayon" mabilis akong umalis ng naka pamulsa
"sir! joke lang! eme lang!" inangat ko lang ang isang kamay ko habang nag lalakad ng patalikod. gusto ko sanang tumawa, kaso baka parehas pa silang mainis.
"hayaan mo akong bahala" narinig ko pang sabi ni Shalee. You thought that you could do something, but nothing.
Shalee's POV.
BINABASA MO ANG
That baby vampire is my future Wife
Детектив / Триллер"kailangan mo lang maniwala, wala namang mawawala kung papaniwalaan mo ang sa palagay mong posible"- L.A the Delavin family does not allow the Silvana family to have another baby girl because it was stated in the prophecy that the baby girl Silvana...