Peterson's POV.
"planado na ang lahat mula umpisa hanggang sa makarating kayo dito, kung ako sa inyo tatakbo na ako na parang asong takot mahuli dahil pagala gala sa lansangan!" sigaw ni dad
"bakit niyo nagawa ito sa'min? pinagkatiwalaan namin kayo at sinunod ang mga payo" nang gagalit na tanong ni Shalee
pagkarating na pagkarating namin dito ay nakita namin ang hari ng mga Delavin ang ama at ina ni Shalee pati ang aking ama na nakaupo sa mga gintong upuan, ito 'yung nakita naming sampung trono ng kunin namin ang libro ng propesiya, pero nasaan ang iba pang lima
"nais naming lahat na mamuno sa lahat ng angkan ng mga bampira, ngunit iisa lang naman ang totoong kalaban namin, ikaw 'yon ang babaeng itinakda, kinasusuklaman ka ng iyong ina dahil naagaw mo ang kaniyang puwesto, kinasusuklaman ka ng lahat!" sigaw ng hari ng mga Delavin ngayon ko lang siya nakita ng personal, siya nga ang Mafia king na nag tatago sa likod ng maskara mula noon
"ibinigay namin sa'yo ang libro ng propesiya ng gano'n lamang kadali dahil hindi naman namin ito mapapakinabangan walang ni isa saamin ang may kakayahan na basahin ang laman, dahil bawat itinakda ay nag babago ang sulat nito, noong ako pa ang may hawak ay nababasa ko ang lahat ng nilalaman ngunit sa'yo na ito nakapanig mula ngayon, hindi na namin dapat pag aksayahan ng oras ang walang kwentang bagay na iyan!"
sigaw ng ina ni Shalee, nakita ko si Shalee na galit na galit ang awra, hindi man sa kaniyang mukha pero alam kong nang gagalit sa puso niya nyayon ganoon din ang saakin dahil trinaydor kami ng aming mga pinagkatiwalaan
"mga traydor" biglang humangin ng malakas sa pagka sabing iyon ni Shalee, palakas ito ng palakas kaya napa hawak ako sa balikat niya habang inaaninag ang mga pangyayari, tinapat ni Shalee ang kaniyang kamay sa isang malaking mesa at bigla itong lumutang hinagis niya ang mesa at natamaan ang isang matandang babae dahil hindi ito kaagad nakailag dahil wala silang maaninag sa lakas ng hangin
tumayo si dad at hinagis ang mahabang tungkod na itim akala ko hindi ito nakita ni Shalee pero agad niya itong nahawakan, ibinalik niya ang tungkod na mahaba at tinamaan ang isang matandang lalaki, tumusok ang tungkod sa pader kasama ang kaniyang katawan
huminto ang napaka lakas ng hangin t'yaka ako hinihingal na napa hawak saaking dibdib halos malunod ako sa hangin, ang lahat naman ay nahimatay, lumapit ako kay dad tila isa itong demonyo sa kaniyang awra hindi ko inaasahan na ganito kita makikilala ng lubusan ama
"umalis na tayo, kailangan natin humanap ng bagong pag tataguan" saad ni Shalee
bigla namang lumabas sa isang silid si Leviathan na nakagapos ang kamay
"isama niyo ako, papatayin ako ni ama kapag nakita niya pa akong buhay" pakiusap nito
nilapitan naman siya ni Shalee, lumabas ang mahahaba niyang kuko at hinati ang kadenang bakal na naka gapos sa kamay nito
"pa'no ako makakasigurado na isa kang kakampi" tanong ni Shalee
"mas malakas kayo saakin, maaari niyo akong patayin ano mang oras ang gustuhin ninyo" nagka tinginan kami ni Shalee, alam kong humihingi siya saakin ng permiso
"sige, isama natin siya" agad naming nilisan ang lugar sakay ng aming sasakyan, dinaanan namin sila William at Hana sa head quarters, sakay ng sampung van ang aming mga tauhan nasa iisang van naman kaming lima
"saan tayo ngayon pupunta" tanong ni Hana, ayon din ang kanina ko pa iniisip, saan kami pupunta
"may alam ba kayong lugar na mapag tataguan natin, maybe two up and down houses, one for the staff and one for the six of us" saad ko
BINABASA MO ANG
That baby vampire is my future Wife
Mystery / Thriller"kailangan mo lang maniwala, wala namang mawawala kung papaniwalaan mo ang sa palagay mong posible"- L.A the Delavin family does not allow the Silvana family to have another baby girl because it was stated in the prophecy that the baby girl Silvana...