Lilith Akuji's POV."bago ka pa lang sa skwelahan na ito nanakit ka na kaagad!" tumitig lang ako sa kaniya hanggang sa siya na ang mailang at napaiwas sa aking pagtitig
"what a bad look Akuji, do you want us to tell your dad about this" does he think that he will scare me, if I were him, I would rather hide from my parents' joy than speak even if he doesn't know what happened
"mali po kayo sir, self defense lang ang ginawa ko she's going to stab me with a pen, dapat ba nagpasaksak ako para ako ang biktima?" sandali siyang nanahimik, alam niyang tama ako hindi niya lang masabing oo dahil may resposibilidad siya sa nangyari, pero dapat inaalam niya din kung sino ang tama at mali sa nangyari
"bumalik ka na sa room mo mang hingi ka ng sorry sa kaniya" umalis ako sa dean's office ng walang lingon lingon, why should i apologize? wala akong natatandaan na may mali akong ginawa
kahit baguhan ako, hindi ibig sabihin no'n mag aadjust ako para sa peace nila, andito ako para mag aral at may dapat akong hanapin, hindi ako nandito para makipag interact
pag pasok ko ng room, nakita ko 'yung babaeng nahimatay kanina may naka plastic na yelo siyang nilalagay sa ulo niya habang naka tingin ito saakin ng masama
"ang lakas ng pag sampal niya kay Vins kanina no" narinig kong bulong ng isang babae sa katabi niya
"mabuti nga naka hanap na ng katapat 'yang bully na 'yan" sagot pa nito
"can i come in?" agad naman silang napa tingin saakin
"no, you can't come in" nag kibit balikat na lang ako t'yaka pumasok, tinanong ko lang 'yon para maasar siya, effective naman dahil umuusok nanaman ang ilong niya
minuto lang ang lumipas at dumating na si ma'am V 'yung nag saway sa'kin kanina
"is your hair color normal?"
"when I was young my hair was this color" sagot ko
"Colored hair is not allowed here, but if it's normal, it's okay"
nag umpisa na ang klase namin, apat na subjects ang nilesson bago kami mag break time, dinala ko ang bag ko sa pag labas ko ng room sigurado akong nasa library ang mga gusto kong malaman, halatang luma na ang school na 'to base sa pintura at luma nitong kagamitan halatang hindi ni-renovate mayayabong na din ang mga punong acacia, pati mga punong mangga, ang eskwelahan na ito matatagpuan sa ikatlong bundok kung saan kami nakatira, medyo malayo ito sa kalsada kailangan mong maglakad ng 25 kilometers kung mag lalakad ka aabutin ka ng 12 minutes sa pag lalakad, kaya kung gugustuhin kang pag tripan ng mga kapwa mo estudyante mahihirapan kang maka hingi ng tulong lalo na kung sa gitna ng paglalakad nila ito maisipan.
pag punta ko sa library, tumingin sa'kin ang librarian, tinignan ko lang siya saglit at pumasok na sa loob, may glass barrier at kailangan muna i-scan ng buo mong katawan, may lumabas ng laser, naging kulay asul ito ibig sabihin walang matatalas na bagay akong dala. Bakit kailangan i-scan muna bago pumasok? kung pagnanakaw ng mga libro lang ang iniisip nila sana may security guard dito sa labas para icheck lahat ng bags bago lumabas ng library, pero ichecheck ka lang bago ka pumasok? something really different and i need to know what it is
pag pasok ko pumunta agad sa pinaka dulo ng library, walang ibang pag lalagyan no'n kundi sa lugar na imposibleng kalkalin ng mga estudyante
puro book of science, math, history ang nakikita ko nung una hanggang sa makita ko sa pinaka itaas ng shelf ang kulay itim na libro
kinuha ko ang upuan na nandito sa loob at tinuntungan para makuha ang libro, naupo ako sa gilid ng makuha ko na ito
unang pag buklat ko ng pahina nakita ko ang mga picture ng mga estudyante, marami sila mga mukha na may mga naka sulat sa baba, pamilyar sa'kin ang itsura ng babaeng nag ngangalang Avina Balderish, kamukha niya si mom parehas sila ng ilong at mata
'Avina Balderish 18, the princess of Morphology' kapangyarihan niya ba iyon? kung gano'n bakit may ganito dito
ilang pahina ang aking nilipat hanggang sa makita ko ang isang sulat hindi pantay ang mga laki o liit nito, sulat ito ng isang babae
habang binabasa ko ang nakasulat nagkaroon ako ng ideya kung paano ko matutulungan sila mom and dad, tama kailangan ko pang mag tagal sa school na 'to, mayroong nag uugnay dito pati sa mga taga Neverland
"anong ginagawa mo?" naibalik ko na ang libro ng biglang mag salita ang kung sino sa likod, bumaba naman agad ako sa upuan at inayos ang aking palda
"wala ka na do'n" lalagpasan ko na sana siya ng hawakan niya ako sa braso, agad ko naman iyong hinawi
"ako nga pala si Sid" nag lahad siya ng kamay, ngunit hindi ko iyon tinanggap
"ay okay kung ayaw mo" umarte itong nag papagpag ng kamay
"aalis na 'ko kailangan ko pang kumain" agad ko naman siyang nilagpasan
"attitude" narinig kong bulong niya pero hindi ko na lang pinansin, the opinion of others is not important to me
pagka labas ko ng library, nag tatakbuhan na lahat ng estudyante, sa tingin ko ay natapos na ang break time baka mamaya na lang ako kumain pag uwi ko sa bahay
"hey Akuji!" napa lingon ako sa tumawag sa aking pangalan, lumapit naman sila saakin
"ikaw 'yung babaeng sumampal kay Vins? ang lakas no'n ah 2 hours siyang tulog sa clinic e" nandito lang ba sila para makipag chismisan
"self defense lang" sagot ko
"sana 'yung ibang bully naman dito ang patulugin mo" umalis na lang ako dahil kailangan ko ng pumasok sa room
"aasahan ka namin Akuji! ligtas mo kami ah!" dahil lang sa isang sampal? aasahan nila ako? nahihibang na talaga kayong mga tao, dapat marunong din silang ipagtanggol ang sarili nila hindi lang kagaya namin ang malalakas, kaya din nila gaya ni dad. Nailigtas niya kami ni mom
--
uwian na kaya lumabas agad ako sa room, may mga ilan pang nag lalaro sa field ang iba naman tumatambay pa dito mukha namang pumapayag ang dean sa ganitong gusto ng mga estudyante
pagkarating ko ng gate nakita ko agad ang sasakyan ni dad hindi ko na kailangan mag lakad ng 12 minutes papunta sa mismong kalsada, wala namang public vehicles dito kaya lahat ng nag aaral dito may sundo.
bumaba ang bintana ng sasakyan nakita ko agad si dad and mom "how is your school baby?" dad asked
"it's okay dad, it's fun" ngumiti sila ni mom
"get in the car, your uncle william is there" pumasok ako sa sasakyan at nakita ko si tito ninong na nakaupo habang kumakain ng junk food, their passion for unhealthy food.
wala pang 20 minutes ng makarating kami sa bahay, dumiretso agad ako sa room ko nakita ko namang hindi pa ito naka ayos sabi ko kasi kay mom ako na ang mag aayos ng gamit ko pati kung paano at saan ko ilalagay itong kama at iba pa
"thanks mom" i hugged mom
"ayusin mo na ang kuwarto mo, pag tapos niyan bumaba ka at kumain" tumango lang ako kay mom t'yaka niya sinara ang pinto ng aking kuwarto
nag umpisa akong linisan ang banyo, nilagay ko do'n ang toothpaste, toothbrush, conditioner at iba pang gamit pan ligo
inayos ko na din ang kama, nag lagay din ko ng carpet pati na din ang bed side table, lampshade at iba pa
naglinis din muna ako ng katawan bago lumabas ng kuwarto at bumaba para kumain, naabutan ko naman silang lahat na nasa hapag at ang iniintay na lang ako ay ako
"Come on baby let's eat" I smiled at dad and sat between them
"hindi ba tumawag si dean dad?" kailangan kong maka siguro mamaya nag sumbong na siya tapos pabantayan ako ni dad sa school
"hindi naman, why?did something happen?" umiling lang ako
"wala dad, baka kasi may itanong siya sa inyo kanina kasi may tinanong siya sa'kin" pag dadahilan ko
"okay kumain na tayo"
kailangan kong mag lihim sakanila, para matapos ko ang kailangan kong tapusin
BINABASA MO ANG
That baby vampire is my future Wife
Mystery / Thriller"kailangan mo lang maniwala, wala namang mawawala kung papaniwalaan mo ang sa palagay mong posible"- L.A the Delavin family does not allow the Silvana family to have another baby girl because it was stated in the prophecy that the baby girl Silvana...