CHAPTER 21. The New Chapter

29 5 0
                                    


Peterson's POV.

"ano bang gusto mong mangyare mortal!" two days from now, Shalee's mother will give birth but we discovered that her pregnancy was fake, kaya napag desisyunan namin na ikulong na lang siya dito sa guest room

"we just want you to answer everything we ask" nag pupumiglas siya habang naka tali ang mga paa't kamay sa bakal

"kahit anong gawin niyo! wala kayong malalaman saakin!" kung wala edi magtiis siya ng ilang araw na hindi kumakain, kung kailangan namin siyang pahirapan gagawin ko, malaman lang ang impormasyon na gusto namin malaman

umalis ako sa guest room at ibinilin sa iba kong mga tauhan ang pag babantay kay sa ina ni Shalee, kung titignan ang ina ni Shalee maamo ang mukha nito at hindi kapani-paniwalang gagawa ng mga ganito.

marami kaming gustong malaman mula sa kaniya, alam kong may mga natitira pa sa kanila, wala ng Silvana wala ng Delavin at Krisanta, lahat sila kinaya namin ngunit, hindi sila mga normal na tao. Hindi nila isusugal lahat ng buhay nila kung wala silang inaasahan na mas nakakataas sakanila, at ayon ang kailangan naming malaman

I went up the stairs and went to my room with Shalee, nakita ko agad ang anak namin na si Lilith, nanaginip daw si Shalee noon at ito ang nais ng anak namin na ipangalan sa kaniya, ito ang kaniyang unang araw dito sa mundo at gaya ni Shalee mabilis din ang kaniyang paglaki parang mangyayari ulit ang nangyari kay Shalee, pero hindi siya kagaya ng kaniyang ina na pag tungtong na ika-lawang araw ay anim na taong gulang na, may hindi maipaliwanag kaming napapansin sa kaniya

kung sa normal na bata gatas ang iniinom, sinubukan naming painumin siya ng gatas pero niluluwa niya lang nung sinubukan naman naming painumin siya ng dugo para itong uhaw na uhaw

"how is our daughter?sorry if I was busy these past 2 days" I kissed Shalee on the forehead and sat on the edge of the bed

si baby nasa crib niya at dumidede ng dugo

"napapansin kong tumutubo na ang ipin at buhok niya" sagot nito

"sundan na natin gusto mo?" biglang nangunot ang kaniyang noo t'yaka ako pinitik sa noo i'm just kidding HAHA she's so haggard in taking care of the baby

"i'm just kidding wife" tumabi naman siya sa'kin sa pagkakaupo t'yaka kinuha sa bed side table 'yung libro ng propesiya

"maaari ka ba naming makausap?" pagkausap nito sa libro

"sa huling pagkakataon nais naming humingi ng tulong mo" agad namang umilaw ang libro at lumabas ang diwata, ngunit kasing liit lamang ito ng baso

"ano ang iyong nais kong gawin mahal na reyna" matinis ang kaniyang boses ito ang unang pagkakataon na narinig namin siyang mag salita

"nais kong ipakita mo saamin kung sino pa ang mga natitira naming kalaban, ano ang dapat naming paghandaan at saan sila nag tatago"

"ito na ang aking huling kapangyarihan, hindi ko maaaring ubusin ang lahat dahil ako'y mamamatay magagabayan ko na lamang kayo sa pamamagitan ng mga sulat sa libro ngunit hindi niyo na magagamit pa ang aking kapangyarihan" tumango lang si Shalee bilang sagot

lumabas ang malaking globo, kita naman dito ang isang malaking abandonadong mansyon, may malaking orasan sa gitna ng bahay na ito

"nasa mundo iyan ng mga bampira, diyaan nakatira ang isang diwatang si Aleric isa siyang lalaking diwata, may hawak ng oras kaya niyang ibalik ka sa panahon na nais mong balikan, maging sa makabagong panahon, puntahan niyo siya at kausapin matutulungan niya kayo sa pakikipag laban, kontrolado niya ang mga nangyayari sa mundo siya din ang may hawak ng araw at buwan sa mundo ng mga bampira, dito naman" lumitaw naman sa globo ang isang abandonadong bahay na puro ginto, halos kuminang na ang kaniyang bahay sa daming ginto ang naka palibot

That baby vampire is my future WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon