Shalee's POV.
Dad said... Take a vacation and relax before we race, habang nandito kami ay pagpaplanuhan na namin ang bawat hakbang. Bawat maliliit na detalye sa plano ay dapat pag-handaan.
Mas maayos dito.. Malayo sa kabahayan nakaka-relax ang buong paligid. Hindi amoy usok 'gaya sa siyudad. Higit sa lahat, dama mo ang kalayaan.
"Why are you alone here?" Tanong ni Peterson sabay upo sa tabi ko.
"Ano na namang tumatakbo sa isip mo?" Dugtong niya pa.
"Wala naman... I-I just want to be alone because it's beautiful here" Nakangiti kong sagot sa kanya. Pero parang hindi siya kumbinsido dahil naka-taas ang isa niyang kilay.
Huminga siya nang malalim at ngumiti sa akin.
"I didn't fulfill what i said na.. I'll take you to the place you want." Ayos lang naman sa'kin kahit hindi natupad ang sinabi niya, mas importante ang misyon namin kaysa sa mag gala at mag libot sa kung saan saan. Mas importante ang mama at papa ko.
"It's okay, marami pa namang susunod na mga araw o buwan, o baka naman taon." We both laughed.
"Sorry for what happened... I-I hurt you. Si Mia ngayon wala nang lugar sa puso ko, hindi na dapat kita sinaktan nang sabihin ko sa'yong mahal ko pa rin siya, kung kaya ko naman pala baguhin ang nararamdaman ko." Napayuko siya. Tumingin ako nang saglit na may ngiti sa kanya, t'yaka itinuon ulit ang paningin sa dagat na papalubog na ang araw.
"Ano ka ba! Ayos lang naman sa'kin iyon. Hindi ko masyadong dinadamdam ang pagka-bigo. We have more to prioritize." I smiled at him at tinignan siya sa kanyang mga mata para maramdaman niyang totoo ang sinasabi ko. Hindi ko naman dinamdam, dahil isinantabi ko na lang. Ayon lang naman ang kaya kong magawa sa ngayon...
"Magiging honest na ako sa'yo.." He hold my right hand. Kita ko naman ang pagka-seryoso sa mukha niya.
Kinabahan naman ako..
"I have no feelings for you, Shalee." Bahagya akong napayuko sa pagka-dismaya. Alam kong mahirap dahil bago pa lang kaming nagka-kilala kumpara sa pinag samahan nila ni Mia.
Ayos lang... Hindi ito ang aking prayoridad, marami kaming dapat asikasuhin. Hindi totoo hihinto ang lahat.
"Mas mabuti na naging tapat ka sa akin, mas matatanggap ko." Lumusong ako sa dagat at lumublob. Pag-ahon ng aking ulo ay nakita ko si Peterson na nakatingin lang sa akin.
"Tara! sayang naman ang dagat kung hindi natin liliguan." Pag-yaya ko sa kanya. Nakita ko namang napalunok siya nang mapatingin ito sa dagat.
"There might be jellyfish" Napairap na lang ako sa kanya.
"Walang jellyfish dito t'yaka kung meron dalawa naman tayo e" Tatawa tawa kong sagot sa kanya.
"No, i will not go down there" Tinalsikan ko siya ng tubig dahil do'n ay umawang ang labi niya na parang nagulat sa dagat na dumampi sa balat niya.
"Dali na! minsan lang 'to. You should try it!" Pang-hihikayat ko sa kanya, pero masamang tingin lang ipinukol niya sa akin. Hindi natuwa sa ginawa ko.
"Hulaan ko... Hindi ka pa nakakaligo ng dagat, ano?" Tanong ko sa kanya, he swallowed.
"N-No!—" Namula siya.
BINABASA MO ANG
That baby vampire is my future Wife
Vampire"kailangan mo lang maniwala, wala namang mawawala kung papaniwalaan mo ang sa palagay mong posible"- L.A the Delavin family does not allow the Silvana family to have another baby girl because it was stated in the prophecy that the baby girl Silvana...
