Peterson's POV.
"Now, i will tell you everything" Naka tingin siya kay Shalee na gumagapang na. Sa lumipas na isang araw marunong na siyang gumapang at bumigkas ng salita, kaya pinatawag ko na si dad para kausapin at itanong kung ano ba talaga si Shalee, kung saang lupalop ba siya nanggaling at ganoon na lamang siya ka-importante kay dad.
And of course, i'm curious about if she's a human, a normal girl na may sakit na kakaiba, or baka may kakaiba na nga talagang nangyayari na sa tingin ko ay nag e-exist pala talaga sa mundo...
"You and Shalee are destined to get married, it says in the prophecy" Nagugulumihanan pa rin ako. Nag tataka at sumasakit ang ulo parang sasabog na ata sa kaka-isip, kung engkanto ba 'yan or normal na tao.
"Why? Is everyone connected to her? Where is she from? What is she? Why is she different from people?" Sunod sunod kong tanong kay dad.
"Shalee comes from a family of vampires. Vampires are divided into different classes. First, the nobles... Vampires who don't leave the house. Lalabas lang sila kapag gabi at lalabas lang sa tuwing makiki digma. Second, are the Purebloods where Shalee came from, ang mga Pureblood ay binibiyayaan ng iba't ibang kapangyarihan." Naka titig lang ako kay dad, at mas lalo akong nag-isip kung tama at dapat ko ba siyang kupkupin. Anong itatawag ko sa kanya? Anak? Wife? E sa hitsura at sa edad niya, halata namang imposible ang sinasabi ni dad na papakasalanan ko balang araw si, Shalee. That was so impossible!
"Ang Silvana ay kinatatakutan sa mundo nila, masyado silang marahas sa pakikipag laban ngunit dumating ang mga Delavin galing sa silangan na dumayo para sirain ang mga Silvana. Kaka-panganak lang noon ng ina ni Shalee pero hindi nila alam, na takot ang mga Delavin na mag silang muli ng babae ang pamilyang Silvana, nasa kanila ang libro ng propesiya kaya lamang sila doon..."
"Kaya noong nakaraang taon lang mapangahas nilang pinapatay ang mga babaeng isinisilang basta't Silvana, pero hindi nila napigilan nang mag silang si Avina ng sanggol na babae, maraming Silvana ang naka palibot sa mansyon nila nang sumugod ang Delavin. Naubos ang Silvana pero huli na nang maka pasok sila, nakuha na namin si Shalee at na-itakas sa mundo nila." Tinignan ko si, Shalee, ngayon ay nag lalaro sa paanan ko.
Napangiti siya... At wala sa sarili akong ngumiti pabalik sa kanya.
"Kaya sa'yo ko siya ibinigay dahil pag nag tagpo ang landas niyo ay wala nang gigiba dito, dahil kayo ang itinakda para patayin ang mga Delavin, sigurado akong nasa mundo na sila ng mga tao ngayon, pinapakiramdaman kung nasaan ang babaeng itinakda para sa mortal."
Nag taasan ang mga balahibo ko sa buo kong katawan dahil sa mga sinabi ni Dad. Kung sakaling totoo man lahat ng ito, nanganganib pala ang buhay ko at ang buhay ni Shalee. Pero imposible talaga e, nag e-exist ba talaga sila??
"Si Mr, Buenaverra at ang anak niyang si Max ay isang Delavin" Nag salubong ang dalawa kong kilay dahil sinabe ni Dad. Paano nangyari 'yon?
"Kaya nilang mag palit ng anyo, kaya mag iingat ka sa mga nilalapitan mo, kayo ni Shalee dahil masyado silang matatalino"
"Pa'no namin malalaman lahat ng hakbang na gagawin nila?" Tanong ko sa kanya. I really want to know how, paano nga kung totoo talaga? Maniniwala ba talaga ako?
Ang gulo! Gusto kong maniwala, pero may kalahati sa akin na ayaw kong paniwalaan ang lahat nang sinasabi ngayon ng daddy ko sa harapan ko. Nakaka-baliw.
BINABASA MO ANG
That baby vampire is my future Wife
Vampiros"kailangan mo lang maniwala, wala namang mawawala kung papaniwalaan mo ang sa palagay mong posible"- L.A the Delavin family does not allow the Silvana family to have another baby girl because it was stated in the prophecy that the baby girl Silvana...
