Peterson's POV.
Biglang nahimatay si Shalee matapos ang gabing napatay niya ang iilan sa mga tauhan ng Delavin, lahat ay nagulat dahil sa pag labas ng tunay na kapangyarihan ni Shalee, kakaiba siya sa lahat ng mga bampira ayon kay, Dad. Patunay na ro'n ang pag litaw ng kanyang pakpak na wala ang ibang mga bampira. Wala ring explanation si Dad, sa kung paano nga ba iyon nangyari. Basta ang alam nila ay, ayon ang nasasaad sa libro ng propesiya.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya gising tanghali na at wala pa rin siyang malay, siguro nabigla ang kaniyang katawan dahil sa matinding mana... Iyon ang sabi ng kaniyang ina. Umuwi na ang mga ito kanina lamang umaga at sinabing balitaan na lang sila kapag nagising na si Shalee.
Sigurado akong lalong magagalit si Leo, ang hari ng mga Delavin, dahil sa pagka-wala ng iilang mga tauhan niya. Pero kampante na ngayon si dad, ang sabi niya pa nga baka mag bakasyon na siya at kami na ang bahala sa misyon.
Kailangan namin mapatay ang mga Delavin. Kaya kailangan namin makuha ang libro ng propesiya nang sa gayo'y malaman namin ang mga susunod na mangyayari at dapat naming gawing hakbang.
"P-peters-son" bumalik ako sa diwa ng marinig ko ang boses ni Shalee. Nasa kuwarto ko siya ngayon at nag papahinga. Dito ko pinag-pahinga para nababantayan ko siya nang mabuti, mahirap ng malingat kahit sandali sa kaniya. Lalo na sa mga nakita ko kahapon.
"How was your feeling?"
"Are you hungry? Thirsty?" gumalaw siya nang kaunti upang iangat ang sarili sa pagkakahiga. Inalalayan ko naman siya para maka-upo.
"A-Ayos lang ako, kailangan ko lang mag pahinga d-dahil naubos ang lakas ko" tumango tango na lang ako at tinawag si Hana para kumuha ng tubig.
"Do you want something to eat?" Umiling iling lang siya.
"Hana" I said as she answered her phone.
"Bring here drinkable juice and water and then change her clothes... Yes.... Okay good" Binaba ko ang phone at tumingin muli sa kanya, nakita kong namumutla nga siya. Siguro nga nabigla ang kaniyang katawan, dapat pa niyang mag ensayo para masanay siyang gamitin ang anyo na iyon na lumabas sa kanya kagabi.
Ilang minuto pa dumating na si Hana dala ang isang tray na may lamang juice, tubig at pamalit na damit ni Shalee. lumabas muna ako sa silid at pinuntahan si William na nasa kusina, nag kakape ito habang nag babasa sa kaniyang phone.
"How is your wife?" Nginisihan ko lang siya at hinagis ang susi sa mukha niya. Mabilis niya naman itong nasambot. Ka-muntikan na..
"Pupunta tayo sa HQ papakantahin na natin 'yung asungot na Max na 'yon"
Mabilis pa sa pagong nang makarating kami sa HQ, natagpuan naming wasak ang pader at may mga ilang namatay sa aming mga tauhan. Nagkatinginan na lang kami ni, William. At alam kong iisa lang ang nasa isip namin ngayon...
Lintek! Natakasan kami!
"Master, may mga lumusob na bampira dito kinuha nila si Max" Sumbong ng isa sa mga tauhan na hawak hawak ang tagiliran. Mukhang gusto pang simutin ang mga tauhan ko. Siraulong, Max 'yon!
"Sa computer room! i-detect mo ang gps na naka kabit sa katawan ni Max. Hana tawagan mo si Mia ipagamot mo sa kanya lahat ng sugatan"
BINABASA MO ANG
That baby vampire is my future Wife
Vampire"kailangan mo lang maniwala, wala namang mawawala kung papaniwalaan mo ang sa palagay mong posible"- L.A the Delavin family does not allow the Silvana family to have another baby girl because it was stated in the prophecy that the baby girl Silvana...
