07

2 0 0
                                    

"Hermes, may naghahanap sa iyo. Nandoon sa sala." nakangiting wika ni manang Lourdes pagkapasok sa aking kwarto.

"Sino po manang?" nagtataka kong tanong dito. Wala naman akong inaasahang bisita.

"Huwag ko daw sabihin eh."

Pagkasara ko ng laptop ay sabay kami ni manang na naglakad palabas ng aking kwarto. Sinabi pa ni manang na tiyak daw na masusurpresa ako sa bisita. Hindi pa man kami tuluyang nakakababa  sa hagdan ay halos malaglag pa ako dahil sa pagmamadali kong makalapit sa taong naghihintay sa akin sa sala.

"GAVIN!?" Hindi makapaniwalang sigaw ko at agad ko itong sinalubong ng mahigpit na yakap.

"I miss you Gav." sambit ko habang nakayakap ng mahigpit dito.

"Halata nga, dahil balak mo pa yatang tanggalan ako ng hininga eh." natatawang saad ni Gavin.

Gavin is my bestfriend. Naging matalik kaming magkaibigan dahil anak siya ng doktor na naka assign sa akin ng maaksidente ako.

Nagising na lang ako noon isang araw na nakahiga sa isang hospital bed. That was the day the first time I saw how much mom and dad worried about me. They told me that I am comatose for a month matapos ko raw maaksidente sa sasakyan. It was February then last year, when I met Gavin, anak siya ni Doctor Garret, ang doctor na naka assign sa akin ng maaksidente ako. Naging magkaibigan kami ni Gavin dahil palagi itong sumasama kapag may check up schedule ang daddy nito sa bahay. Siya ang unang nag aaproach sa akin noon dahil akala ko noong una ay hindi ito palakaibigan dahil sa itsura nitong mukhang palaging may kaaway.

Pero nung maging malapit na kami sa isat-isa ay naikwento nito sa akin na noong araw pala na unang nakita ko siya sa bahay, hindi niya daw gustong sumama noon kay doctor Garret. Pinilit lamang siya nitong sumama dahil hindi siya nitong pinayagang sumama sa mga kaibigan niya dahil alam naman daw ng daddy niya na sa inuman na naman daw ang punta ng mga ito. His dad even grounded him for a week dahil nasuspend siya sa klase ng mapuruhan niya ng suntok ang isa niyang kaklase. At alam din daw ng daddy niya na walang magagawa ang mga katulong o kahit guard nila sa bahay kapag nagbalak siyang lumabas ng kanilang bahay. Kaya sinama na lamang daw siya ni doctor Garret sa bahay kung saan una kaming nagkita.

Kinuwento niya rin sa akin ang dahilan kung bakit nagrerebelde siya sa kanyang ama. It was because his mom and dad file an annulment that time. At nung ako na ang tinanong niya tungkol sa sarili ko, wala akong makuwento dahil wala akong maalala tungkol sa recent past memory nangyari sa akin maliban na lamang sa mga alaalang nangyari mga taon na ang nakakalipas. Nagtaka noon si Gavin, maging ako ay nagtaka din dahil ang tanging naaalala ko lamang ay mga nangyari noong nasa edad apat na taon na ako hanggang sa 14 years old lamang. I can’t recall the memories I have when I was 15 and 16 and even my recent memories when I was already 17. Tanging naalala ko na lamang ay nang magising na ako sa hospital .

That was time, we discovered I have Retrograde Amnesia. According to doctor Garret, it is caused by damage to the memory-storage areas of my brain, in the various brain regions. Resulta daw iyon ng traumatic injury sa akin dahil sa nangyaring car accident. At sinabi niya rin na kailangan ko ng occupational therapist at regular check up dahil base sa sanhi ng pagkakaroon ko nito ay maaaring maging permanente iyon o maging progressive o lumala habang tumatagal.


Kumalas ako sa pagkakayap ko kay Gavin. Narinig ko din ang pagtawa ni manang Lourdes bago ito nagpaalam sa amin na ipaghahanda niya kami ng meryenda. Kaya pala ayaw nitong sabihin sa akin kung sino ang bisita dahil si Gavin pala iyon.

"Namiss din kita ng sobra Hermes." nakangiting wika ni Gavin saka ginulo ang buhok ko. Ilang buwan ko din kasi kaming hindi nagkita. Sa Europe na kasi ito nagpatuloy ng highschool kung saan kasama niya doon ang kanyang ina. Natuloy din ang divorce ng mom at dad niya at mas pinili ni Gavin na sumama sa kanyang ina sa Europe. Pero hindi ibig sabihin nun na ayaw niya sa piling ng daddy niya. Napag-usapan din kasi ng mommy at daddy niya na mas mabuting sa Europe na nga ito mag aral para makalayo sa mga masasamang impluwesya ng mga kabarkada.

"Namiss pero may nakalimutan." pagtatampo ko rito. Nakalimutan kasi nito ang mismong araw ng birthday ko.

"I was just very busy that day pero hindi ko iyon nakalimutan. Nag video call pa nga ako sayo, and I sung a birthday song pa nga di ba?" The truth is, he called me the day after my birthday kaya nagtampo talaga ako ng kaunti dito.

"Huwag ka ng malungkot Hermes. I brought you a birthday present. Here." sabay abot sa akin ni Gavin ng paper bag. Nagthank you ako pa ako dito pagkakuha ko ng paper bag.

Sabay kaming umupo ni Gavin sa couch. I was about to open the present he gave me nang magsalita ito.

" Kumusta ka na Hermes?" tanong ni Gavin.

" I'm doing well, Gav." nakangiting sagot ko dito.

"I-I mean, your condition. May naalala ka na ba?" pagkaklaro nito sa sinabi kanina. Alam ko kung ano ang tinutukoy niya. It's about my retrograde amnesia.

I shook my head as a reply. Hanggang ngayon wala pa rin akong maalala. Minsan ding sumasakit ang ulo ko at may nagfaflash na mga blurred na alaala. Iyon lang, walang improvement. Hindi ko rin naman naalala kahit paminsan minsan din akong inaatake ng ganoon.

Mukhang hindi naman nakakatulong yung occupational therapist ko. What good about it is that, doctor Garret told me na hindi na magiging progressive o lalala pa ang kundisyon ko pero ang masama doon ay maaari iyong maging permanente na.

Hindi ko alam pero sa tuwing naiisip kong magiging permanente na iyon, may kung ano sa loob ko na masakit. Nasasaktan ako. Binabalot ako ng matinding kalungkutan. Parang may kung ano sa dibdib ko na tumutulak na kailangan kong maalala ang mga nangyari sa akin bago mangyari ang aksidente. Parang may kulang sa pagkatao ko. Sa puso ko. At sumasakit ang isip at dibdib ko sa tuwing pinipilit ko ang sarili kong alamin kung ano iyon.

May mga katanungan din ako sa aking isipan. Mga katanungan bumabagabag sa puso ko.

Paano ba nangyari ang aksidente? At sino ba ang kasama ko ng mangyari ang  aksidente noon?

They told me, it was a car accident. Pero sa pagkakatanda ko, lahat ng kotse na nasa garahe namin ay nasa maayos na kalagayan.

Kaya kaninong kotse ako nakasakay ng araw na iyon?

Gusto kong itanong iyon pero kanino? Si mommy at daddy ay palaging wala sa bahay. Si manang Lourdes naman ay parang umiiwas sa tanong kong iyon.

Napahawak ako sa ulo ko ng biglang sumakit iyon. At katulad ng dati kapag sumasakit iyon ay may mga blurred na alaalang nagfaflashback sa isipan ko.

"Hermes, you okay?" nag-alalang tanong sa akin ni Gavin.

Hindi ko na nagawang makasagot pa sa tanong ni Gavin ng maramdaman ko ang pagdidilim ng paligid ko. The last thing I remember was Gavin's worried face as he called manang Lourdes.

Then everything wents black.

That Guy Who Kissed Me At Midnight Of New Year's Eve (BxB) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon