08

2 0 0
                                    

Flashbacks…

"Please. Huwag niyong gawin sa akin to. Wala naman ako sa inyong kasalanan." pagmamakaawa ko kay Cedric. Pero ngumisi lang ito at patuloy na itinatali ang ang mga kamay at binti ko gamit ang packing tape. Wala akong magawa dahil nakahawak sa magkabila kong braso ang iba pa nitong mga kasama. At malalaking tao rin sina Cedric kaya siguradong wala rin akong kalaban laban sa mga ito. Nandito kami sa loob ng janitor's closet. Matapos ang dismissal ng klase ay wala akong nagawa ng kaladkarin ako ng mga ito papunta dito. At kahit magsisigaw ako dito ay wala naman sa aking makakarinig dahil bukod sa malayo ito sa hallway ay siguradong wala ng ibang mga estudyanteng naririto dahil kanina pa ang dismissal.

"You fag! Anong walang kasalanan. Dahil sayo, binagsak ako ni Adeser! " galit na sigaw ni Cedric sa akin. Tinutukoy nito ang project kay Ma'am Adeser kung saan kami ang magkapartner. Ang totoo ay inilagay ko naman talaga ang pangalan nito sa ginawa kong project kahit hindi naman talaga ito tumulong sa akin. Ang kaso ay nalaman ni Ma'am Adeser na hindi ito tumulong dahil nung tanungin ito about sa project namin ay hindi ito nakasagot.

"Please Cedric. Kailangan ko nang makauwi. Pakawalan mo na ko, please" umiiyak na pakiusap ko dito. Pero pinagtawanan lamang ng tatlo. Sa halip na pakawalan ay iginapos pa ako nito sa upuan gamit ang packing tape na ipinalibot sa buo kong katawan at nilagyan pa nito ng packing tape ang bibig ko. Wala na akong nagawa ng iwanan ako ng tatlo sa ganoong sitawasyon sa loob. Tanging pag iyak na lamang ang naggawa ko. Wala na kong pag asang makaalis pa dito. Sigurado akong kung magroronda man ang guard ng school ay hindi naman iyon pupunta dito sa janitor's closet. Nagdarasal din ako na sana may taong tumulong sa akin makaalis dito kahit na mukhang imposible iyon dahil sa ganitong oras natitiyak kong lahat na nakauwi sa kanilang mga bahay. Sigurado din akong nag alala na iyon si manang Lourdes. Wala pa naman si kuya Maldo para magsundo sa akin.

Nahihirapan na din akong huminga dahil sa tindi ng pag iyak ko lalo pa at nakatape din maging ang bibig ko. Natatakot na din ako.

At lalo akong binalot ng takot ng may nagtatangkang buksan ang pintuan ng janitor's closet. Iniisip ko na baka binalikan ako nina Cedric at sa pagkakataong ito ay baka may gawin pa itong mas malala sa akin.

Pero nang tuluyan ng mabuksan ang pintuan ay ganoon na lamang ang pag iyak ko ng mapagtanto kung sino ang taong nasa harapan ko ngayon. Bakas sa mukha nito ang pag aalala at galit. It was the ninth time I saw him in that expression and it was the ninth time he saved me from this kind of situation.

Dati, hindi ako naniniwala sa mga knight in shining armour sa mga binabasa kong libro. Pero ngayon, naniniwala na ako dahil nasa harapan ko na ito ngayon.

And it was Eros, my knight in shining armour.


~~~

"Mes, happy 17th birthday." nakangiting bati ni Eros sa akin dala ang isang cake.

Nandito kami ngayong dalawa sa plaza. Pinuntahan ako ni Eros sa bahay kanina at pinaalam kay manang Lourdes na manunuod kami ng fireworks display sa plaza. Pinayagan naman ako ni manang Lourdes basta raw siguraduhin kong umuwi rin ako kinabukasan para icelebrate ang birthday ko sa bahay. Nandoon naman sa bahay ang buong pamilya ni manang Lourdes dahil iyon ang surpresa sa kanya nina mommy at daddy. Ang makasama ni manang Lourdes ang pamilya nito kahit man lang sa araw ng bagong taon. At katulad rin last year, tinawagan ako nina mommy at daddy na hindi ko sila makakasama sa araw ng bagong taon. At bukas na lang daw pagkauwi nila icecelebrate ang birthday ko. Na hindi ko naman inaasahan na mangyayari talaga dahil sigurado akong pagkauwi nito sa bahay ay makakatulog ang mga ito dahil sa pagod sa trabaho. Medyo sanay na rin ako sa ganitong sitwasyon at naiintindihan ko naman na dahil sa uri ng trabahong mayroon sila. Nalulungkot lang ako dahil halos taon taon na lang ganito ang nangyayari. Binibigyan naman nila ako ng mga regalo pero mas gusto kong matanggap na regalo ay ang makasama sila sa araw ng birthday ko. Simple lang sana pero parang napakahirap nilang maibigay sa akin.

That Guy Who Kissed Me At Midnight Of New Year's Eve (BxB) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon