02

4 0 0
                                    

" Happy Birthday Hermes, anak." nakangiting bungad sa akin ni manang Lourdes pagkapasok ko sa kusina. Nakabalik na pala ito sa bahay.

" Thank you manang," nakangiti kong wika sa kanya sabay yakap dito. Namiss ko si manang Lourdes kahit dalawang araw lang itong nawala sa bahay. " pero hindi ko naman na po birthday ngayon. Nung 1 pa po iyon." ginulo naman nito ang buhok ko.

" Kahit na. Birthday mo pa naman ngayon dahil January pa." turan ni manang. Kumalas naman ako sa pagkakayakap kay manang. Doon ko lang nakita na marami itong pasalubong na nakapatong sa lamesa. Lahat iyon mga kakanin na galing sa kanilang probinsiya na alam nitong mga paborito ko. Lalo na ang cassava cake.

" Para sa akin po lahat 'to manang? " excited kong tanong dito. Ngumiti ito sa akin at tumango. Niyakap ko ulit ito at nagpasalamat. Dali dali akong naupo at nagsimulang lantakan ang cassava cake.

" 18 years old ka na Hermes. Pero para ka pa ring bata, ang kalat mo paring kumain haha. " natatawang komento ni manang at saka pinunasan ang ibang pagkaing nagkalat sa gilid ng mga labi ko.

" Ang sarap po kasi nitong cassava cake manang." uminom ako ng juice at saka muling nagsalita. " at saka po, paano naman akong hindi magiging bata eh kung ituring niyo po ako ay parang 11 years old pa lang." nakanguso kong wika. Ngumiti sa akin si manang at pabirong kinurot ang pisngi ko.

" Kahit na, sa iyon ang gusto ko. Ikaw pa rin ang baby Hermes ko. Baby damulag haha," sabay pa kaming natawa sa hirit ni manang. " Hayy parang kailan lang ng I-hire ako nina mam at ser bilang yaya mo. Napaka cute mo lalo nung sanggol ka palang. Gustong gusto mong magpakarga sa akin kaysa kay mam. Pero ngayon, binata ka na. Napagwapong binata na ng baby Hermes ko." mangiyak ngiyak pang saad ni manang.

Si manang Lourdes ang itinuturing kong pangalawang ina. Kahit na hindi niya ako kadugo ay kung ituring niya ako ay parang totoo niya akong anak. Bagay na hindi ko nararamdaman sa totoo kung mga magulang.

" Manang pauwi na po ba sina mommy at daddy?" tanong ko.

" Ahh oo nga pala. Tumawag kasi sa akin sina mam at ser kanina, sa makalawa pa raw sila uuwi. Hindi ba sila sa iyo tumawag?" malungkot akong umiling kay manang.

" Nakalimutan na naman po nila yung birthday ko." sumbong ko kay manang. Alam kong bakas sa mukha at boses ko ang lungkot. I'm sure last year, ganito din ang nangyari. Nandito nga sila siguro sa bahay noon but they forgot that it was my birthday. Kung hindi pa siguro pinaalala ni manang ay hindi nila maaalala na birthday ko pala at hindi lang basta new year. It also happened when I turned 13 and 14 . Taon taon na lang every birthday ko. Kung hindi nila naaalala ay palagi naman silang wala dahil sobrang busy sa trabaho. At habang tumatagal ay nasasanay na rin ako sa ganoong sitwasyon, tho nakakaramdamam pa rin ako ng lungkot at pangungulila sa kanila.

Mabuti na lamang at palagi din nandiyan si manang. Kasama ko palagi magcelebrate every birthday ko. Kahit kami lang dalawa, masaya na ako. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag kapag wala si manang sa tabi ko.

Lumapit sa akin si manang at niyakap ako mula sa aking likuran.

"Ano ka ba naman anak. Baka busy lang talaga sina mam at ser. Hayaan mo, marami iyong pasalubong sa iyo pag uwi. At saka di ba sabi ko saiyo, nagtatrabaho sila para sa magandang kinabukasan mo anak, Hermes." pagko-comfort sa akin ni manang.

Parati naman silang ganoon. Hindi na ako bata na bigyan lang nila ng kung anu ano ay masaya na ulit. Naiintindihan ko din naman sa part na nagtatrabaho sila para sa kinabukasan ko. Pero kahit ilang araw man lang na leave sa trabaho para lang makasama nila ako ay okay na ako doon. Masaya na ako dahil kahit papaano sa ganoong paraan ay maramdaman ko rin na may halaga pa ako sa kanila bilang anak nila. At gusto ko rin maramdaman ang kalinga ng totoong magulang.

Bumuntong hininga ako at nagpaalam kay manang na papasok na sa kwarto ko. May pasok pa kaya ako mamaya sa school kaya sinabi ko ring maliligo na ako.

Napagalitan pa nga ako ni manang dahil nangayayat daw ako kaysa ng huli niya akong makita. Ipagluluto niya daw ako ng lunch na babaunin ko sa school. Paano ba naman kasi lahat ng kinakain ko nung nakaraang araw na wala si manang ay lahat padeliver galing fast food. Marami nga kaming stock sa fridge na pagkain. Iyon nga lang kailangan pang lutuin. Hindi rin naman ako marunong magluto.

"Malalagot ako nito kina mam at ser kapag nalaman ng mga iyon na ginugutom kita, Hermes." wika pa nito. Sinigurado ko naman si manang na okay lang ako at baka nanibago lang siya sa akin dahil dalawang araw niya akong hindi nakita. Kahit mukhang hindi kumbinsido ay iniwanan ko na lang ito sa kusina habang nagluluto ng babaunin ko.

Pagkatapos kung maligo at masuot ang bagong plantsang uniform ay inayos ko ang aking sarili sa harap ng salamin. Naglagay ako ng kaunting wax sa buhok ko. I put on my glasses instead of contacts. Hindi pa rin kasi ako masyadong sanay magsuot ng contact lenses dahil feeling ko napupuwing ako kapag nakasuot ng ganun. I watch my own reflection in the mirror. Maayos naman akong tingnan. Hindi ko namalayang nakatitig na pala ako sa aking repleksyon habang hawak ko ang aking mga labi. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakakalimutan ang estrangehrong lalaking humalik sa akin nung nakaraang gabi.

That guy who kissed me at new year's eve. The guy who stole my first kiss on that day of my birthday.

At sa hindi malamang kadahilanan ay may kung ano sa loob ko na hindi ko maipaliwanag. Everytime, i remember what happened that midnight, my heart constantly pounding rapidly. I can't get out of my mind the feeling of his soft lips on mine. His grey eyes that even in my dreams, that guy appears.

That Guy Who Kissed Me At Midnight Of New Year's Eve (BxB) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon