04

3 0 0
                                    

Sabado ngayon and I decided to come with manang Lourdes sa grocery store. Si manang Lourdes ay nagpapa cashier ng mga ipinamili namin subalit ako ay bumalik sa may fruit section dahil nakalimutan namin maglagay sa cart ng mansanas. Nagpipili ako ng mansanas ng may batang lalaking biglang nadapa sa may paanan ko.

Lumapit ako dito at tinulungan itong makatayo. The boy was really cute. Sa tantya ko ay nasa limang taong gulang pa lamang ito at mukhang may lahi.

"You okay?" tanong ko sa bata. Tumingin sa akin ito at tumango. Namumula ang pisngi nito at halatang kagagaling sa iyak dahil sa maluha luha pa nitong mga mata. Those eyes. It seems familiar to me. Binalewala ko ang pag iisip kung saan ko nakita ang ganoong klase ng kulay na mga mata.

"Why are you alone? Where is your mom?" tanong ko ulit sa bata habang tumitingin sa part na pinanggalingan nito. Lumuhod ako para mapantayan ko ang height nito.

" I'm with my k-kuya and, and I let go of his hand without him n-noticing to get a chocolate and I never s-saw him again. I t-think he l-left me here." humihikbing paliwanag ng bata. Kawawa naman ito dahil mukhang naiwala nga ito ng kanyang kuya na hindi namamalayan.

" Don't worry, we'll find your kuya, okay? I'm sure, he didn't mean to lose you and I'm sure, he's looking for you right now." pag-aalo ko sa bata. Ngumiti ako dito para kahit papaano ay maibsan ang takot na nararamdaman nito. Nangyari na kasi sa akin ito dati noong bata rin ako. I was lost here too at the grocery store. Sa dami ng mga customers noon na bumibili ay hindi ko sinsadyang mapabitaw kay mommy. At siguro hindi rin ni mommy namalayan na napabitaw ako sa kanya. Takot na takot ako noon. Umiiyak rin ako kagaya ng batang kaharap ko ngayon. Mabuti na lamang at nahanap ako kaagad noon ni mommy.

" PARIS!" sigaw ng lalaki mula sa aking likuran. Bigla namang bumitaw sa pagkakahawak ko ang bata at tumakbo papunta sa lalaking tumawag sa pangalan niya.

Pagkaharap ko sa kanila ay ganoon na lang ang kabang naramdaman ko ng malaman ko kung sino ang kuya na tinutukoy ng bata. That guy with pair of gray eyes. Kaya pala, medyo pamilyar sa akin ang mata ng bata. He and his brother have the same shade of eyes. The guy was wearing a red hoodie jacket and inky blue denim pants. Nakasuot rin ito ng white coverse na sapatos. Napatingin ako sa pasa nito sa gilid ng kaliwang labi. Bluish-purple ang kulay niyon. Mukhang napalakas talaga yata ang pagkakasuntok ko dito nung nakaraang araw sa boys cr.

" After you punched me last time, and now you're trying to kidnap my baby brother." that guy said while smirking. Is he accusing me kidnapping his brother? What the heck?! Hindi ko kinakaya ang topak ng lalaking 'to. Hindi naman ako mukhang kidnapper.

" No kuya Eros. He helped me, " pagtatanggol sa akin ng kapatid nito. " and he doesn't look like a kidnapper." nakangusong dugtong nito habang nakahawak sa kamay ng kanyang nakatatandang kapatid. Tumingin kay Paris ang kanyang kuya na Eros pala ang pangalan.

Nawala ang inis ko ng ipagtanggol ako ni Paris laban sa kanyang kuya. Sana hindi siya lumaki katulad ng kuya niya. Sayang naman ng ka-cute-an niya pag nagkataon.

" Yung kapatid mo na mismo ang nagsabi. And besides, wala naman akong pakealam sa kung anong paniniwalaan mo." wika ko kay Eros. Bahagyang nagulat ito sa sinabi ko. I admit, medyo nasaktan ako ng sabihin nitong i tried to kidnap his little brother. It's not my intention in the first place. Gusto ko lang naman tulungan ang bata.

Tumalikod na ako sa kanila at akmang aalis na ng tawagin ako ni Paris.

"Kuya, wait, " sigaw ni Paris at wala ng nagawa ang kuya nito ng bumutaw ito sa kanya at lumapit sa akin. " I just want to say, thank you. Thank you for helping me kuya."

Ngumiti ako sa tinuran ni Paris. He's such a good boy. Malayong-malayo sa kuya niya.

"No problem, Paris. Just don't do that again okay. Para hindi mag alala ang mga taong nagmamahal sayo." nakangiting tumango sa akin si Paris. Bahagya ko pang ginulo ang buhok nito.

"Can I know your name kuya?" tanong ni Paris sa akin.

Tumingin ako kay Eros bago nakangiting sumagot kay Paris. "Hermes. My name is Hermes."

"Nice to meet you kuya Hermes."

That Guy Who Kissed Me At Midnight Of New Year's Eve (BxB) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon