01

8 0 0
                                    

It was 31st of december when I decided to go to the central park. It was the night I've been waiting for, since the start of december dahil magkakaroon doon ng fireworks display at exactly 12 midnight. And it was also my birthday, my 18th birthday. Mag isa lang ako ng gabing iyon.. No friends or family to celebrate both new year and my birthday. My parents left me alone at home. Pumunta sila ng England dahil nagkaproblema roon ang isa sa mga branch ng company namin. They called me earlier that they can't be able to come home this new year. They also forgot that it was 'my day'. Kaya I begged, hoping them to come home pero mukhang mas mahalaga ang kompanya than to their only child. Mabuti pa si manang, naalala yung birthday ko. We even celebrated my birthday in advance earlier that morning dahil pinilit ko siyang umuwi sa kanilang probinsiya para doon magcelebrate ng new year with her family. Ayaw niya pa nga noong una dahil maiiwan akong mag isa sa bahay but I insisted her to come home even on that special occasion. Sinabi kung ayos lang ako at walang masamang mangyayari sa akin.

Well, there's nothing bad happen to me that night. But one thing I'm sure of, na hindi ako okay ng gabing iyon. I lied to manang. Malungkot ako ng gabing iyon because that was the first time I felt na parang mag isa lang ako sa buhay. Na napakalungkot pala kapag mag isa ka lang. Sanay na akong palaging wala sina mom and dad sa bahay dahil pareho silang busy sa trabaho. Pero kahit minsan hindi ko naramdamang mag isa dahil nandoon naman si manang. But now, I literally left alone.

Tumingin ako sa suot kong wristwatch. 11: 59 pm. 1 minute na lang at magsisimula na ang fireworks display. 1 minute na lang at new year na. It's also another year for me.

Lumapit ako sa malaking christmas tree na itinayo sa pinaka centro ng plaza. Nagsimula na ring mag count down ang mga taong naroroon.

10…

9…

8…

7…

6…

5…

4…

3…

2…

1…

Happy birthd- - -

Ganoon na lamang ang pagkagulat ko ng may kung sinong humatak sa akin paharap sa likuran. At kasabay ng putukan ng fireworks sa kalangitan at sigawan ng 'happy new year' ng mga taong naroroon ay ang paghalik ng kung sino sa mga labi ko. Hindi ako kaagad nakapagreact ng maramdaman ang malambot na labing ngayon ay nakadikit sa mga labi ko. Nagtagal iyon ng ilang minuto hanggang sa ito na mismo ang bumitaw. We both gasping for breathe. Napahawak ako sa mga labi ko habang nakatingin ng deretso sa lalaking kaharap ko. Sumilay sa mapupula nitong mga labi ang isang ngiti. Ngiting nagdulot ng kakaibang pakiramdam sa akin. Kasabay ng paglisan nito sa harapan ko ay pagkabog ng malakas ng aking puso. My heart was beating so fast like it wants to move out from my ribcage.

It was too late to realize na nakaalis na yung estrangherong lalaking numakaw ng una kong halik. Hindi ko na ito mahagilap sa napakadaming taong naroroon sa plaza.

Hindi ko masyado naaninag ang kabuuan ng kanyang mukha dulot ng ibat-ibang kulay ng fireworks na nagsasayawan sa kalangitan. Pero isang bagay ang natatandaan ko sa estrangherong lalaki…

He has this fascinating gray eyes.

That Guy Who Kissed Me At Midnight Of New Year's Eve (BxB) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon