03

4 0 0
                                    

Break time ngayon at sa halip na sa cafeteria ang daan na tinatahak ko ay kasalukuyan ko ngayong nilalakad takbo ang direksyon papuntang mens room. Kanina pa ako ihing ihi sa classroom. Hindi naman na ako nga excuse pa sa klase dahil malapit naman na magbreak time, kaya hinintay ko na lang ang magring ang bell.

When I opened the door of the mens room, my eyes immediately pop out as I saw a two figure inside, making out.

"Sh*t", I mumbled as I quickly closed the door again.

Bumukas ang pintuan at lumabas ang babae. Medyo magulo ang buhok nito at nagkalat pa ang pulang lipstick sa mga labi. Nawawala din ang tatlong butones sa taas na part ng suot nitong blouse kaya makikita sa babae ang cleavage nito. Bagay na nagpainit sa aking buong mukha. Tiningnan ako ng babae ng masama bago naiinis na naglakad papaalis. Walang itong pakialam kahit pa pinagtitinginan ito ng mga estudyante sa hallway.

Doon ko lang naramdaman ang kanina ko pa nananakit na pantog. Kaya agad din akong pumasok sa cr at dali daling umihi sa isa sa mga urinals na naroroon. I felt relief after I urinate. Matapos kung mazipper ang pantalon ko ay naghugas ako ng kamay. Ganoon na lamang ang pagkagulat ko ng pagtingin ko sa salamin ay may lalaking nakatingin sa akin mula sa aking likuran. He was wearing the same uniform as mine. Ang kaibahan lang wala itong suot na vest at wala rin sa ayos ang suot nitong necktie. Prente itong nakatayo habang nakapaloob ang parehong kamay sa bulsa ng suot na pantalon.

Napalunok ako habang naglalakad ito palapit sa akin.

" I'm sorry. Hindi ko po sinasadyang makaistorbo kanina." paghihingi ko ng paumanhin pagkaharap ko sa lalaki. Napayuko ako dahil nahihiya ako sa ginawa ko kanina and at the same time, kinakabahan ako dahil ang lalaki ay patuloy na naglalakad papalapit sa pwesto ko. Natatakot din ako sa posibilidad na nagalit ko ito sa ginagawa ko kaninang pang iistorbo sa kanila ng girlfriend niya.

The guy stop one feet away from me. He just stood there, doing nothing. Napapikit pa nga ako ng huminto ito dahil buong akala ko ay aambaan ako nito ng suntok. Pero walang kamaong tumama sa mukha ko. Nagtaka ako when the guy infront of me chuckled. Marahan kong inangat ako paningin ko. The guy was towering over me kaya nakatingala ako habang nagtataka sa lalaking tumatawa ng marahan sa harapan ko. The guy has slightly curl dark hair, napakatangos din ng ilong nito, at natural ang pagkapula ng mga labi perpekto rin ang pagkakahulma ng jawline na dumadagdag lamang sa musculine na mukha nito.

Ganoon na lamang ang pagkabog ng dibdib ko ng magtama ang mga paningin namin. That gray eyes. Those fascinating grey eyes. Pagmamay ari iyon ng lalaking kaharap ko ngayon. Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng mapagtantong ang lalaking kaharap ko ngayon ay ang estrangherong lalaking numakaw ng una kong halik ng hatinggabi ng bagong taon at kaarawan ko.

" Do you expect me to kiss you?" the guy said mockingly. Huh? Ang ine-expect ko ay ang masuntok, hindi mahalikan.

"Well, sorry to dissapoint you pero hindi ko type ang mga gay nerd na tulad mo." dugtong pa nito. Nagpanting ang tenga ko sa lumabas na mga salita sa lalaki. Gay nerd? Wtf?! Buong lakas kong pinatama ang mga kamao ko sa mukha nito at dahil mas matangkad ito sa akin ay ang gilid ng labi nito ang nasuntok ko. Ganoon na lamang ang pagkagulat ng lalaki sa ginawa ko.

" Im not gay! At hindi ko in expect na halikan mo ako. Ga*go!" mura ko sa lalaking ngayon ay nakahawak sa may kaliwang side ng kanyang labi kung saan ko sinuntok. Bago pa man ako magantihan ng suntok ng lalaki ay agad din akong lumabas ng cr.

Nagmamadali akong naglakad pabalik ng classroom. Habang naglalakad ay doon ko napagtanto kung anong ginawa ko sa cr. Holy crap! Did I just punched the guy? Doon lang ulit ako nakaramdam ng takot. Paano kung hanapin ako ng lalaki at gantihan. Lagot ako nito.

Napahawak ako sa kanang kamay ko na ngayon ay nararamdaman ko na ang pananakit ng kamao  doon. Napangiwi ako ng makitang mapula iyon pero mas ikinangiwi ko kung anong mangyayari sa labi ng lalaking nasuntok ko. Tiyak akong mamaga iyon. Patay talaga ako nito.

Napasuklay na lang ako sa buhok ko. Sana hindi na kami muling magkita ng lalaking iyon. But we share the same school kaya there's a possibility na magkita kami dito sa campus. Hayss triple kill ako nito pagnagkataon.

Tumingin pa ako sa aking likuran at nang matiyak kong hindi ako ng lalaki sinundan ay nagmamadali akong tumakbo papunta sa classroom namin.

That Guy Who Kissed Me At Midnight Of New Year's Eve (BxB) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon