06

2 0 0
                                    

Nakailang katok na ako sa pintuan ng apartment ni Eros pero hindi pa rin ito bumubukas. Si Eros kasi ang nagpresintang sa apartment niya na lang daw namin gagawin ang project. Labag man sa loob ko noong una ay hindi naman pwedeng hindi ako pumunta lalo pa at para rin naman ito sa kapakanan ng grades ko. Eros even asked for my number to text me the address of the apartment he was staying at.

Tiningnan ko ulit ang sinend nitong message sa akin kagabi. Tama naman ang address at number na nakalagay sa labas ng pintuang kaharap ko ngayon.

I sighed and then knock on the door again. Nakaramdan ako ng inis ng hindi pa rin bumubukas ang pintuan. Nangangalay na din ako dahil kanina pa ako nakatayo dito sa labas ng  apartment nito at mabigat din ang backpack ko dahil dala ko ang ibang librong hiniram ko kahapon sa library dahil kakailanganin namin ito para sa project namin.

Mukhang wala naman ito roon sa loob ng kanyang apartment. Nagsayang lang ako ng oras na pumunta dito. I was about to leave when the door suddenly opened at tumambad sa harapan ko ang mukhang bagong gising na si Eros.

"It's too early, Mes." nababagot na wika nito pagkabukas ng pintuan. Magulo ang buhok nito at nakasuot lamang ng boxer short. Nakaramdam ako ng pag-iinit ng aking mukha kaya bahagya akong umiwas ng tingin.

" It's already passed 11 and besides, wala ka namang sinabi kung ano oras ako dapat pumunta dito sa apartment mo." naiinis na wika ko kay Eros.

"Okay, sorry. Come in." Iginiya ako ni Eros papasok sa loob ng kanyang apartment. Una kong napansin ang kalat sa loob. May mga kahon ng pizza na may iilan pang piraso natira. Mga nagkakalat na pinakainan ng chichirya at mga canned beers na wala ng laman. Naghahalo din ang amoy ng panlalaking pabango at sigarilyo sa loob.

" Sorry if it's a bit messy here. Nag inuman kasi kami ng mga kaibigan ko kagabi." Eros said shyly while scratching the back of his neck. "But don't worry, tinawagan ko na yung taga linis ko, later nandito na yun." mabilis din na dugtong nito.

Mamaya pa pupunta dito yung tagalinis niya. So meaning, magtatagal ako dito na ganito ang sitwasyon. Makalat, mabaho. The smell in here makes me felt nausea and I'm pretty sure na hindi rin naman kami makagagawa ng maayos dahil doon.

" May dustpan ka ba at walis tambo?" tanong ko kay Eros. Bagaman naguguluhan ay tumango ito at itunuro kung saan nakalagay ang dustpan at walis tambo.

" Wait, don't tell me, lilinisin mo to? Hintayin na lang natin yung tagalinis ko. I'm sure papunta na iyon dito " tanong ni Eros pagkuha ko ng dustpan at walis tambo. Binaba ko muna yung bag ko sa may couch saka hinarap si Eros.

" Hindi na ako makapaghintay Eros. Kailangan ko ng malinisan dito para makapagsimula na tayo ng project natin." at para na rin makaalis kaagad ako dito. Hindi kasi ako kumportableng kasama si Eros. Sinabi ko na sa sarili ko na kailangan ko ng iwasan ang binata dahil ayaw ko ng lumala pa ang nararamdaman ko para dito. Hindi iyon tama at hindi rin maaari. Pero nandito ako ngayon sa apartment niya, kaharap mismo ang binatang gusto kong iwasan. Hayys, bwesit kasi na project.

"Okay, ikaw bahala. Magsha-shower muna ako." wika ni Eros at bago ito tuluyang makapasok sa banyo ay nag 'thank you' pa ito sa akin.

Ngayon ko lang nalibot ang paningin ko sa kabuuan ng apartment ni Eros. Hindi naman gaano kalaki sakto lang sa pang isahang tao. Mayroong kitchen at dining area. May couch sa maliit na sala at mayroon ding flat screen tv na nakapatong sa tv rack cabinet. At napagtanto kong ang kama nito ay nakapwesto sa may gilid ng bintana which is malapit lamang sa may pintuan. Pero nakailan pa akong katok bago ako nito pinagbuksan ng pintuan. Sa may bandang taas ng headboard ng kama nito ay may mga posters ng ibat-ibang uri ng sasakyan. May bedside table rin doon kung saan nakapatong ang lampshade at sa katabi nun ay nakapwesto ang wardrobe nito.

That Guy Who Kissed Me At Midnight Of New Year's Eve (BxB) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon