05

2 0 0
                                    

"Ako ang magreresearch, and the rest ikaw ang gagawa. Ganun lang kadali yun." Eros said with crossed his arms.

"Ganun lang kadali, para sayo. Kaya nga by pair yung project para pagtulungan nating dalawa. Unfair yun pag ganun, Eros." naiinis na wika ko. Unfortunately, kaklase ko pala si Eros sa sa isang subject at kung minamalas nga naman ako, partner ko pa siya paggawa ng project.

Kasalukuyan kaming nandito sa library ng school naghahanap ng references para sa gagawin naming project. Tinalikuran ko ito at inaabot ang isang libro sa shelf, dahil medyo may kataasan kung saan nakalagay ang libro ay hindi ko ito maabot. Para akong naestatwa sa kinatatayuan ko ng maramdaman ang katawan ni Eros mula sa aking likuran. Eros reached the book effortlessly. Pero pagkuha nito ng librong hindi ko maabot kanina ay hindi pa rin ito humahakbang palayo sa akin. Ramdam ko ang mainit nitong paghinga sa may bandang batok ko. Nang hindi pa rin ito gumagalaw ay ako na mismo ang pumihit paharap dito. Wrong move nga lang dahil sa sobrang lapit namin sa isat-isa ay halos inch na lang ang distansya naming dalawa. Hindi ko mabasa ang ekspresyon ng kulay abong mga mata nito.

After what happened in the grocery store ay ipinanalangin ko na sana hindi na kami magtagpong muli ni Eros kahit na mukhang imposible iyon dahil sa iisang school lang kami pumapasok. Unluckily, it turns out na kaklase ko pala ito sa isang subject. At ngayon ko lang iyon napag-alaman ng tawagin ang pangalan nito bilang kapartner ko sa isang project. Halos gabi gabi ko rin itong napapanaginipan. Panaginip na masasabi kong hindi masama lalo pa at nagdudulot iyon ng magandang pakiramdam sa kalooban ko.

Hindi ko na maintindihan ang sarili ko simula ng nangyari ng hating gabing iyon. I can't explain why I always dreamed of him every night. I don't understand myself why I always felt this odd feeling whenever he's near me. Kinakabahan ako parati. Binabayo ang dibdib ko na parang tumatakbo sa isang marathon. Kakaibang pakiramdam na ngayon ko pa lang naramdaman. Pakiramdam na natatakot akong bigyan ng kahulugan. Tho deep inside, I knew what it is and I won't admit it.

Nakatitig pa rin kami sa isat-isa, hindi ko magawang itulak ito palayo dahil nahihipnostimo ako sa mga matang nakatitig ngayon sa akin. Those gray shade of eyes that were fascinating even in my dreams. Pero mas kamangha-mangha iyon sa personal at sa malapitan. And surely will captivates whoever meet his gaze. Naglalakbay ang mata ni Eros sa kabuuan ng aking mukha. At napahinto iyon sa mga labi ko. Bagay na lalong nagpakabog ng mabilis sa aking puso. Unti unting inilalapit ni Eros ang kanyang mukha papalapit sa mukha ko. Hindi ako makalagaw sa kinatatayuan ko. Tanging paglunok lang ng laway ang nagagawa ko. I'm feeling dehydrated, nanunuyo ang lalamunan ko. I clutched Eros vest before he could do something which shouldn't be done. Pero bago ko pa si Eros magawang itulak palayo ay may taong nag 'ahem' sa likuran ni Eros. At doon ko tuluyan naitulak si Eros palayo sa akin. Umaayos din ako ng pagkakatayo mula sa pagkakasandal ko sa book shelf.

"How many times I've told you that students are not allowed to make out in here. This is a library for pete's sake." the librarian said grudgingly.

"M-miss, it's not what you think. H-hindi po kami nagme-make out." nauutal na sagot ko sa librarian. Tumingin ako kay Eros para sana humingi ng tulong pero nakangiti lang ang loko at parang nagugustuhan pa nito ang nangyayari.

" Hah! Don't make any excuses mister. I saw the two of you, MAKING OUT." Ini-emphasize pa talaga nito ang words na 'making out' at tinitingnan kaming dalawa ni Eros. "Now, kung gusto niyong dalawang ituloy ang ginagawa niyo. Hindi dito sa library. Do you understand me?"

Napayuko na lamang ako sa sobrang kahihiyan. Hindi naman talaga namin ginawa yun eh. Muntik lang.

"We're very sorry Miss. Hindi na po mauulit." Eros said cheekily to the librarian. My eyes widened at what Eros said. As far as I understand what he said, he seems that he's referring to the fact the we did that thing. At bago pa man ako makapag react ay kinuha nito ang kanang kamay ko at hinatak papalabas ng library.

" Why did you said that?" I ask Eros when we finally step out of the library.

" Alin?" sagot nito. Bumuntong hininga ako atsaka tiningnan ito ng masama. "Chill Hermes, just wanted to tease you at kung nakita mo lang yung mukha mo kanina. It's golden." Eros said while laughing hardly.

May itatanong pa sana ako. Kung bakit niya ginawa iyon kanina.

Napahinto naman ito sa pagtawa ng marealize na hindi ako natutuwa sa kanyang ginawa. Nagvibrate ang cellphone ni Eros kaya kinuha niya ito mula sa bulsa ng kanyang pantalon. Nag excuse pa ito at saka tumalikod para sagutin ang tawag.

"Yes Mom?"

Iyon lang ang huli kong narinig kay Eros dahil nagsimula na akong maglalakad papalayo ng hindi nagpaalam dito.

Naiinis ako sa sarili ko. Kailangan ko nang itigil kung ano mang nararamdaman ko para kay Eros. Kailangan ko nang umiwas bago pa lumalala itong nararamdaman ko para sa kanya. Pero paano ko magagawang iwasan si Eros? Na sa tuwing nagtatangka akong iwasan siya ay iyo naman pinaglalapit kami sa isat-isa.

Is this what they called, destiny?

Well, I don't believe in that cliché. At mas lalong hindi ako naniniwala sa tadhana. Hindi ako babae para maniwala ako sa mga ganoong bagay.

Nakakainis. Kahit nga siguro kasarian ko ay hindi ko na sigurado kung katulad pa ba ng dati. O baka matagal na talaga akong ganito. Ngayon ko lang narealize.

Argghh. Hindi ko na alam kung ano ako.

I sighed heavily as I rounded the corner of the hallway.

That Guy Who Kissed Me At Midnight Of New Year's Eve (BxB) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon