CHAPTER 8

13K 182 8
                                    

Chapter Eight

One Of Us


Kahit na ilang beses akong napamura matapos mahimasmasan at mabasa ang text ko kay Chanteau kagabi ay hindi ko naman iyon pinagsisihan. Tingin ko kasi kahit matino ako ay masasapak ko talaga ang kahit na sinong lalaking makikita kong kasama niya sa susunod na magtagpo ang mga landas namin. Sabihin ng gago ako dahil daig ko pang naging asawa niya pero hindi na bale. Wala akong pakialam dahil nakakagigil talaga. Mas okay pang huwag na siyang magpakita sa akin habang buhay kaysa naman makita ko siyang may kasamang iba.

"Saan ka pupunta?" kunot noo kong tanong kay Arcus nang sa unang pagkakataon ay mapansin ang mga magaganda niyang suot.

Alam kong may magandang trabaho na si Arcus bilang model at masaya ako para sa kanya pero hindi mawala sa akin ang pagdududa lalo na sa lalaking bukambibig niya ngayon na Si Jerwin. Iyong taga Bayagbayag ding tropa noon na maganda na ang buhay pero alam ng lahat kung paano nagbago ang buhay niya. Naging call boy ito at tumitira ng mga matatanda't mayayamang matronang tigang at hanggang ngayon ay doon niya binubuhay ang kanyang asawa't pamilya.

Wala naman akong pakialam dahil kanya-kanya namang hassle at swerte sa buhay pero hindi ko gustong mapalapit ang kapatid ko do'n. Kahit na ganito lang ang buhay namin ni Arcus ay ayaw ko namang ibenta niya ang sarili niya para lang sa pera. Wala man masyadong bigat ang pakikipagtalik sa kung sino-sino sa gaya naming mga lalaki, pero para sa akin ay mas mababa pa rin 'yon sa kung anong karahasang ginagawa ko ngayon.

"May pasok ako kuya. Nga pala, bumili ako ng isang sakong bigas. Ang bait no'ng boss ko, eh. Binigyan ako ng extra bawal daw kasi akong pumayat kaya nagbigay ng pang-grocery.
Madaling kausap."

Matagal kong sinipat ang kabuuan niya habang hinihigop ang kapeng hawak ko. Maganda na talaga ang pormahan ni Arcus. Ibang-iba na kumpara noong nakaraan at maging ang pabango niya ay amoy legit at mamahalin na. Pati ang aura niya ay parang laging masaya at ganado sa buhay.

"Mukhang marami kang pera, ah. Talagang ayos na ayos yata 'yang trabaho mo."

Lumawak lalo ang ngiti niya habang patuloy na inaayos ang buhok sa harap ng salaming may basag na sa magkabilang gilid.

"Sobrang ayos, kuya! Feeling ko ito na talaga magpapayaman sa 'tin."

Halos mabilaukan ako dahil sa narinig pero kinalma ko ang sarili. Sanay na akong ganito si Arcus at kadalasan binabalewala ko lang pero ngayong nakikita ko na ang posibilidad na matupad ang pangarap niyang maging mayaman ay hindi ko maiwasang makaramdam ng lungkot. Itinawa ko na lang ang lahat.

"Mukha ka na ngang mayaman diyan sa suot mo."

"Bagay ba? Ang sabi do'n sa divisoria class aaa daw 'to kaya binili ko na. Mukha bang legit?"

Tumango ako.

"Wala naman talagang hindi babagay sa gandang lalaki natin. Kahit fake nagiging branded kapag tayo na ang nagsuot."

Sinakyan ko na lang ang lahat ng mga sinabi ni Arcus dahil ayaw kong mag-away kami. Sa mga nangyayari ngayon sa buhay niya kahit na masaya naman ako ay parang may kung ano pa ring palaging bumubulong sa akin na huwag siyang suportahan. Pakiramdam ko kasi ay napapalayo siya sa akin at mapapalayo pa kung sakaling magtuloy-tuloy.

Kapag nakuha na kasi ni Arcus ang lahat ng gusto niya't pangarap ay hindi ko na alam kung saan ko pa ilulugar ang sarili ko. Kapag nasa kanya na ang lahat at alam niya nang buhayin ang sarili sa paraang gusto niya ay hindi na niya ako kailangan. Naiisip ko pa lang ay nasasaktan na ako.

Umalis na rin ako ng bahay sa pag-alis ni Arcus at niyaya na lang si JK sa club. Game na game naman ito palagi kaya hindi ako nawawalan ng kasama.

"Mukhang big time na si Arcus! Usap-usapan na sa Bayagbayag na naka-jackpot na sa trabaho. Mas lalo tuloy kinababaliwan ng mga babae ngayon kasi laging maayos ang porma mukhang hindi na raw taga-iskwater tapos lagi pa raw mabango."

Hiding The Bastard's Baby [The Rozovsky Heirs 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon