... purpleyhan

1.1K 28 6
                                    

Okiee~ ito na po ang interview with the author of Kingdom University: Campus Royalties \(^0^)/ , Love tutorial, Getting Over You, and 7th Unit.  Tapos ang on going po na Kingdom University: The Arrogant Prince! Hohohoho ^0^v

==================================================================================

1. how did you discover wattpad?

May nakita kasi akong classmate ko dati (through fb) na nagbabasa sa wattpad, so eto namang si ako, dakilang tsismosa, eh napadpad na dito. Hahaha!

2. ano po yung una niyong kwentong nabasa dito sa wattpad?

Uhm actually, nakalimutan ko na XD Pero kasi sa teentalk ako nagsimulang magbasa eh. Yung ibang nakapost na stories dito eh sa teentalk ko nabasa. Pero ang isa sa mga una kong nabasa ay yung IDTIP ni Filipina.

3. sino po paborito niyong author dito sa wattpad?

Ay jusko marami! Andami kasing magaling magsulat dito. Hahaha! Ayoko nang mag-namedrop kasi baka may makalimutan pa ako. Pero yung mga nasa 'following'/'I'm a fan of' ko, ayun ang mga idol ko.

4. nagbabasa po ba kayo ng mga on-going stories ngayon? if yes, ano-ano po ang mga yun?

Sadly, hindi na. Wala na akong time eh. Sobrang busy ko kasi ngayon. Kaya, ayun, naka-tengga lahat ng nasa reading list ko.

5. meron po ba kayong bagong story na naiisip ngayon? if yes, pwede po ba kayong magbigay ng kaunting pasilip dun? ^__^V

Marami. Lecheng utak kasi 'to, andaming naiimagine. Hahaha! Marami na nga akong drafts eh. Parang timang lang. Pero alam na kasi ng readers ko na may 2 stories pa yung K.U. series. Then, may pinost ako dati kaso dinelete ko muna kasi alam kong di ko yun agad masisimulan. Bwahaha!

6. yung mga kwento niyo po ba ay "full fiction" o may bahid ito ng "real life"?

Fictional, at the same time, galing sa experience ko or ng friends ko. Malala ako mag-imagine kaya yung ibang parts ng stories ko eh malabong mangyari sa totoong buhay. At yung galing naman sa real life, eh modification ng totoong nangyari.

7. ano po yung inspirasyon niyo sa pagsusulat? san niyo po nakukuha yung idea niyo sa mga kwento mu?

Hmm, as I've said, galing siya sa experience ko or ng friends ko, yung mga gusto kong mangyari sa buhay ko, mga naoobserve ko sa paligid, at yung mga kahibangan ko sa buhay. Yun lang naman ang formula dyan. At dagdagan mo pa pala ng music, para feel na feel talaga ang pagsusulat. Haha!

8. yung nararamdaman po ba ng mga characters ay naramdaman niyo na rin? if no, pano niyo po nasusulat ng maayos at detalyado yung mga nararamdaman nila?

Actually, yung iba lang. Malay ko ba sa feeling ng super nasaktan dahil sa love? Haha. Nag-oobserve rin kasi ako ng ibang taong nakaranas na niyan. Or di naman kaya sa mga napapanood kong films or movies. Mga ganun. Pero as much as possible, gusto ko nafifeel ko rin. Char. Haha! Feelingera ako kasi ako eh XD

9. pumasok po ba sa isip niyo ang maging ganito kasikat sa mundo ng wattpad?

No. Sabi ko nga, napadpad lang talaga ako sa wattpad dahil nagbabasa yung classmate ko dito. Eh di ako naman, basa-basa rin. Tapos tinry kong magsulat kasi, wala lang. Feel feel lang. Ganun. Tapos nagulat nalang ako may nagcomment at vote. Sa loob-loob ko, "Hala?! Anong nagustuhan ng mga taong 'to sa puchu-puchung story na 'to?! Joke lang naman 'to ah?". Alam nyo yung feeling na ganun? Pero sobrang natutuwa talaga ako pag may nagcocomment. I mean, sa dinami-rami ng stories sa wattpad, story ko pa ang napagtripan nila. Haha. Ganyan. Pero medyo pessimist ako kaya pag dumadami yung reads/votes, parang ang disturbing na niya minsan. Parang, nakakapressure na. Yung parang habang dumadami ang reads ng story mo, mas lalong tumitindi ang demand nila sa'yo? Basta ganun. Ang sa akin lang, di ko talaga inexpect lahat ng yun. Pero thankful ako sa readers na nagbasa ng stories ko kahit puchu-puchu nga lang sila. THANK YOU SO MUCH! <3

10. ano po yung batayan niyo sa pagbabasa ng mga libro dito sa watty?

Hmm, title muna ang basehan ko eh. Pag attention-seeking yung title, eh di goooo! Tsaka okay lang naman kahit cliche pa yan o ano, ang mhalaga eh may twist sa plot o kaya sa characters. Di naman ako maarte pagdating sa ganyan. Pero ewan ko lang ha, sa title talaga ako nadadala ng isang story eh. Tapos, dati talaga masipag ako magbasa, pero ngayon tamad na. Haha. More on hard copy kasi ang gusto ko dahil ayokong magbasa sa laptop. Masakit sa mata eh.

11. ano po yung favorite niyong genre ng stories?

Romantic-Comedy. Pwede rin basta under ng teen fiction, humor, romance o kaya drama. Second na gusto ko eh mystery at action. Bwahaha!

12. pwede po bang paki describe niyo ang personality niyo?

Half-abnormal, half-goddess. CHAROT! Hahaha! De joke lang. Pero kalog ako. May pagka-baliw rin minsan. And FC rin ako. Hahaha! Hyper kadalasan at madaldal.

13. meron po ba kayong love life ngayon? ^___^V

Waleeeeey! Pahanap nga ako! Hahaha joke! Hayaan nalang natin ang tadhanang ilapit ako sa taong lalandiin ko. BWAHAHA!

14. Pano niyo po naha-handle yung mga haters niyo?

Wala lang. Wala pa namang nang-aaway sa akin ng matindi eh. So bahala na kapag dumating sila. Haha! Tsaka ayokong sayangin ang oras ko sa kanila, if ever. Bakit? Ikagaganda ko ba kapag pinansin ko sila? Chos.

15. Sa mga nagawa niyo pong kwento, sinong character po yung pinaka naka-relate ka?

Uhm, actually halos naman lahat. Sabi ko nga, yung characters ko, they have some of my personality. So may pagkabaliw rin sila. Hahahaha joke! Pero ayun nga, may ugali sila na ugali ko rin talaga. Kaya feel ko sila minsan :p

16. Pano niyo po napagkakasya yung time niyo sa wattpad at sa real life?

Pag stressed na ako sa real life, eh di punta ako dito. At pag naiistress ako dito, balik ako sa real life. Hahaha. That's the cycle of it.

17. Bakit at kailan po kayo nagsimulang magsulat? (credits to: keired XD)

Nagsign-up ako sa wattpad ng June 2011, pero nagsulat ako ng July 2011. Bakit? Wala lang. Wala akong magawa nun eh. So, gora lang sa pag-eexperiment na magsulat. Hahaha! Gusto ko lang talagang i-try.

18. ano po ang payo na maibibigay niyo sa mga bagong writers ngayon?

Hmm, kadalasang napapansin ko sa writers ngayon, todo effort silang magpost ng links ng stories nila sa comment box/message board ng iba. Well, okay lang naman siguro yun. Pero kasi, nung panahon ko (LOL parang ang tanda ko na), wala akong nakikitang ganyan. As in. Ewan ko bakit andaming ganyan ngayon. Viral na ata. I mean, hintayin mo ang readers na basahin ang story mo. Dadating at dadating yan kung talagang worth it basahin yung story.

=============================================================================

VOTE.COMMENT! ^^

VIP_otakusiloisy_VIP

INTERVIEW with some FAMOUS FILIPINO AUTHORSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon