MS.SUNNY MEETS THE DARK PRINCE, yun yung una kong nabagsang kwento niya. tyaka kasi cast dito ang BOYFRIEND kong c lee chi hoon XD. I'M GLAD YOU'RE DYING, isa pa yun. on going siya ^_____^V
=============================================================================
1. how did you discover wattpad?
Nadiscover ko ang boyfriend kong si Watty nung nagkasalubong kami sa park at nagkatitigan. Chos! Actually introduce ito sa akin nung friend ko :)
2. ano po yung una niyong kwentong nabasa dito sa wattpad?
Unang kwentong nabasa, kinaadikan, sinuportahan at pinagkuhanan ng inspiration---Tada!~ "Break the Cassanova's Heart Operation" starring Nami and Stephen written by my ate idol.. Alyloony
3. nagbabasa po ba kayo ng mga on-going stories ngayon? if yes, ano-ano po ang mga yun?
*kamot ulo* >__< Hindi eh. Kasi naman kasi, putik na exams yan, hindi ko maharap si Wattpad. Huhu
4. meron po ba kayong bagong story na naiisip ngayon? if yes, pwede po ba kayong magbigay ng kaunting pasilip dun? ^__^V
*Shining-shimmering eyes* MARAMI! Nakaline up na sila. My Pet Is A Gangster, Perfectly Mismatched, My House Bunny and I'm Glad You're Dying :)
5. yung mga kwento niyo po ba ay "full fiction" o may bahid ito ng "real life"?
MAY BAHID NG MADAMDAMING REAL LIFE. Ang katotohanan ng realidad ay hindi maitatago ng pantasya at imahinasyon lamang. Bagkus lalo pa itong pinatitingkad ng katha ng isip. Oh hah! tulo-dugo-sa-ilong.
6. ano po yung inspirasyon niyo sa pagsusulat? san niyo po nakukuha yung idea niyo sa mga kwento mu?
Inspirasyon ko ang mga baliw, patawa, kenkoy, abnoy, sira-ulo at kulang sa sense kong mga kaibigan :) Nakukuha ko yung mga idea ko sa kanila at sa paligid. --_____-- Oo, ako na malikot ang mata.
7. yung nararamdaman po ba ng mga characters ay naramdaman niyo na rin? if no, pano niyo po nasusulat ng maayos at detalyado yung mga nararamdaman nila?
Sobra. Lahat kailangan kong ifeel. Ahy hindi, feel na feel ko talaga. Dala ako ng mga nararamdaman ng mga characters ko.
8. pumasok po ba sa isip niyo ang maging ganito kasikat sa mundo ng wattpad?
HINDING-HINDI. Alam mo yun, parang...parang...ah basta. DAKILA kasi akong NEGA. Ni hindi ko inisip na aabot ng isang libo noon ang mga novels ko eh. Hehe.
9. ano po yung batayan niyo sa pagbabasa ng mga libro dito sa watty?
Batayan? Standard? Hmmmm...wala naman. Pero nagtatagal akong nagbabasa sa mga interesting na mga kwento. Yung hindi masyadong ordinaryo pero hindi din komplikado. Smooth lang pare..smooth..
10. ano po yung favorite niyong genre ng stories?
HUMOR-ROMANCE. Doon din kasi ang linya ko ehh.
11. pwede po bang paki describe niyo ang personality niyo?
(Refer to the description on no. 6) Katulad ako nung mga kaibigan ko. Pramis. Halata nemen eh XD
(a/n: haha, katuwa nga po eh XD)
12. meron po ba kayong love life ngayon? ^___^V (a/n: konek ng iba kong tanong XD)
MERON. Hindi ako nawawalan. Maraming nagmamahal sa akin. Andyan ang mga kaibigan ko at ang pamilya ko PERO ROMANTICALLY SPEAKING: ZERO, BOKYA, WALEY. Ganun. TT___TT
13. ano po ang payo na maibibigay niyo sa mga bagong writers ngayon?
Sa mga bagong wattpad writers ngayon: Paka-abnoy lang kayo. Magpakabaliw. Ilabas niyo yung personality niyo sa pagsulat. Humugot kayo ng inspirasyon sa kahit na sino o kahit na ano. Tumingin sa paligid at magmasid. Malay niyo andyan lang yung substance na hinahanap niyo para makakuha ng idea sa isang magandang kwento. Magbasa para hindi mastroke. De, oke lang. Magbasa pa ng iba pang mga kwento. Magsiyasat. Hindi masama kung pupunahin niyo ang mga mali ninyo. May paraan ang mga iyon para itama and lastly, WRITE FROM YOUR HEART.
=============================================================================
VOTE.COMMENT.LIKE
VIP_otakusiloisy_VIP