Avah Maldita (Aarte pa?) Kung aarte ka pa lumayas ka dito! XD LOL JOKE PO ^^V May book 2 po ito at on going siya ngayon ang Avah Forever Maldita. O sige na ito na baka magMALDITA pa ako dito XD feel na feel ko yung word na MALDITA hahaha XD Okay corny na ito na talaga =__=
1. how did you discover wattpad?
Nakita ko sa newsfeed ng facebook ko. Ayun, napadpad ako dito.
2. ano po yung una niyong kwentong nabasa dito sa wattpad?
Diary ng Panget ni HYSTG (haba ng username e. Hahaha)
3. sino po paborito niyong author dito sa wattpad?
Si Leng (Shirlengtearjearky)
(L/N: Ihhh~~ gusto ko rin po siyaaaa.. ma-mimiss ko siya T^T)
4. nagbabasa po ba kayo ng mga on-going stories ngayon? if yes, ano-ano po ang mga yun?
Sa ngayon wala. Nawala kasi yung nasa library ko sa mobile Wattpad. Di ko na alam kung saan ako nahinto. Last kong basa yung DAMA: The Princess Bitch ni JhingBautista.
Puro one shot na lang binabasa ko ngayon e. Saka complete stories.
5. meron po ba kayong bagong story na naiisip ngayon? if yes, pwede po ba kayong magbigay ng kaunting pasilip dun? ^__^V
MADAMI. Lahat ng character sa Avah Maldita may side story e. So ayun, puro kamalditahan na naman ang mai-sha-share ko. Hahaha
Saka ang priority ko sa bakasyon ay yung pinaka-seryosong istorya na sinulat ko yung “This Love Hurts” kasalukuyan syang on-hold ngayon.
6. yung mga kwento niyo po ba ay "full fiction" o may bahid ito ng "real life"?
Mostly binabase ko sa totoong buhay. Ayoko ng masyadong fiction, hangga’t maaari yung lifestyle lang yung magiging fiction. Pero yung sitwasyon, dapat realistic. Yung makaka-relate yung readers.
7. ano po yung inspirasyon niyo sa pagsusulat? san niyo po nakukuha yung idea niyo sa mga kwento mu?
Sa mga tao sa paligid ko. Madami kasi akong reklamo sa buhay. Hahaha. Kaya karamihan ng nagiging updates ko sa Avah eh puro kinaiinisan ko lang talaga. Hahaha.
Dala lang siguro ng pagiging likas na madaldal ko at imagination ko eh madami akong nagagawang stories yun nga lang nakakatamad itype –minsan.
8. yung nararamdaman po ba ng mga characters ay naramdaman niyo na rin? if no, pano niyo po nasusulat ng maayos at detalyado yung mga nararamdaman nila?
Oo, lalo na sa Avah damang-dama ko lahat yun. Sa ibang characters naman nilalagay ko yung sarili ko sa kanila. Kahit naman kasi sa totoong buhay importante na ilagay mo yung sarili mo sa ibang tao para maintindihan mo sila bago ka mag-react ng hindi maganda. Iniiwasan ko kasing maging bias – kahit sa totoong buhay.
9. pumasok po ba sa isip niyo ang maging ganito kasikat sa mundo ng wattpad?
Hindi. At hindi ko tinuturin ang sarili ko na sikat. Nakakatawa na lang minsan kapag may nagsasabi nyan. Kung tutuusin wala naman talaga dapat popularity eh. Libre ang pagsusulat dito, libre din ang pagbabasa. Asan yung fame dun? Wala diba? Kasi it’s FREE. Enjoy-enjoy lang. Walang obligasyon ang readers na i-fan ka, i-vote o mag-comment sayo. Choice na nila yun. At wala ka ding obligasyon na mag-sulat ng storya dahil choice mo lang din yun.
10. ano po yung batayan niyo sa pagbabasa ng mga libro dito sa watty?
Kapag ang isang nobela ay hindi lalagpas ng 50chapters. Tinatamad kasi ako magbasa kapag ang haba tapos paikot ikot lang, parang sa teleserye. Ganon. Hahaha. Saka karamihan sa binabasa ko ay complete na, para di ako mabitin.
11. ano po yung favorite niyong genre ng stories?
Humor.
12. pwede po bang paki describe niyo ang personality niyo?
Ang ugali ko ay nakadepende sa taong kausap ko. Kung gago ka edi gago din ako. Ganon lang kasimple yun. Hahahaha.
Ako kasi yung tipo ng tao na hindi naniniwala sa “kapag binato ka ng bato, batuhin mo ng tinapay.” Mas gusto ko yung inembento kong kasabihan na “kapag binato ka ng bato…hampasin mo ng tubo.”
(L/N: PUHAHAHAAH XD Meron akong natutunan! *u* Naks isasabuhay ko po iyang kasabihan na yan ^^v)
13. meron po ba kayong love life ngayon? ^___^V
I love life!
14. Pano niyo po naha-handle yung mga haters niyo?
Wala pa akong na-e-encounter. Hahaha. Ayaw nilang lumabas eh. Pero kung magkakaroon man isa lang ang message ko sa kanila.
“Bago mo sabihing ayaw mo sa akin, itanong mo din kung gusto kita.”
(L/N: Natatakot po ata sa inyo XD LOL JOKE ^^v)
15. Sa mga nagawa niyo pong kwento, sinong character po yung pinaka naka-relate ka?
Si Avah Chen, dahil sya ang alter ego ko.
16. Pano niyo po napagkakasya yung time niyo sa wattpad at sa real life?
Nag-susulat lang kasi ako kung kelan ko gusto. So hindi ako gaanong napre-pressure. Chill chill lang.
17. ano po ang payo na maibibigay niyo sa mga bagong writers ngayon?
Magsulat ka dahil gusto mo at hindi dahil sa naiinggit ka lang. Wag kang gaya-gaya puto maya, muka kang buwaya. Seryoso, dare to be different. Be unique.
Sa pagsusulat…imagination mo ang limit!
=============================================================================
VOTE.COMMENT.THANKS ^^