Wattpad Original
Mayroong 15 pang mga libreng parte

Simula

580K 8.2K 664
                                    

Simula
Terrence

WAITING for someone to love you back is like winning a lottery. Tsambahan. Kapag sinwerte at kadalasan, imposible.

"Okay, just fetch me," sagot ko sa driver.

Huminga ako ng malalim at tumingin sa paligid. The sky was dark at halatang paulan na. Katatapos ko lang mag-shopping at wala pa rin ang driver ko para sunduin ako. Hindi maiwasang mapasimangot ako at mapabuntonghininga.

I really hated waiting but what could I do?

"Oh my god! Girls!" I rolled my eyes when I heard squeals from the girls near me. They were giggling as if they'd seen a celebrity or something.

Lalaki ba ang dahilan? Naku, hindi mo ako mapapasigaw ng ganyan sa lalaki unless ang loves ko!

They giggled more. I got somehow curious but nope, loyal ako!

"Si Terrence! Oh, gosh!" I froze.

Nagpanting ang tainga ko sa narinig at tila may anghel na nagkantahan sa paligid. Did I hear it right?

I felt my heart racing as my breath hitched. Literal na humaba ang tainga ko kaya kaagad akong tumayo palapit sa mga babae at nakiusisa.

Tinulak ko ang isa sa mga babae na humarang sa akin, sinigawan pa nga ako pero wala akong pakialam. Kapag si Terrence talaga ang usapan nawawala ako sa poise!

Nang makasilip ako ay kaagad kong nakita ang isang napakapamilyar na sasakyan sa hindi kalayuan. I know that car too well! Sa dalas ko ba namang nakikita 'yan! Malamang nakabisado ko na!

Halos panawan ako ng hininga nang magbukas ng sasakyan.

Ayan na siya!

I squealed deep inside. Halos magtambol ang puso ko habang inaantay ang gusto kong makita.

Lumabas siya galing sa kanyang mamahaling sports car at ang gwapo-gwapo niyang tignan habang tumatakbo sa ulanan. My jaw dropped when he ran his hand on his disheveled hair habang tumatakbo.

Pumasok siya sa mall kaya tinulak ko rin ang babae kanina, muntik pa nga akong mapatid sa heels kong suot. Mabuti na lang ay nakakapit ako sa pinto ng mall.

Agad siyang binati ng mga guard pagkapasok niya pa lang pero ni hindi niya ito tinanguan. Wala itong emosyon habang papasok at mas tumalon ang puso ko.

Oh my God! Iyan ang gusto ko sa kanya! Ang lamig!

Natulala naman ang mga babae pagkapasok niya na tila na-hypnotize at halos mabali ang leeg sundan lamang siya ng tingin. Napangiwi ang mga kalalakihan sa gano'ng reaksyong nakuha kaya mas lumaki ang ngiti ko.

Well, sino ba namang hindi mapapanganga sa kagwapuhan ng nag-iisang Terrence Brennan Samaniego?

Sa kulay itim na itim niyang mga mata, napakatangos na ilong, mapulang mga labi at ang natural na pagkagulo ng kanyang buhok na lalong nagpapagwapo sa kanya. Plus, a body to die for. Ewan ko lang kung sino ang hindi mabighani d'yan.

Maraming babae ang nahuhumaling d'yan, well, isa na ako do'n! Mabilis akong naglakad habang halos humaba ang leeg ko para makita ang pupuntahan niya sa loob pero sa sobrang pagkakawala sa sarili ay minalas naman ako!

"Aray!" Napangiwi ako nang tumama ang mukha ko sa glass door ng entrance. Malakas ang impact nito at naglikha ng ingay, dahilan para tawanan ako ng nakakita.

Kumalat ang init sa mukha ko. Pinanlakihan ko sila ng mata.

Hinipo ko ang noo kong nabangga, iritadong lutang at hindi napansin ang salamin. I was embarassed but confidence is a must kaya tila walang pakialam na umayos ako ng tayo at taas noong pumasok sa mall!

Inayos ko ang pagkakabitbit sa shopping bags na dala ko at ang dress kong suot. For the first time ay ngayon lang ako natuwa na late ang driver ko! I should thank him later!

Inalala ko ang dinaanan niya at nang ma-realize na pumunta siya sa paborito niyang Italian Restaurant ay kaagad akong pumunta roon.

Parang sinisilihan pa ako sa kilig at todo hawi pa ako sa buhok ko! S'yempre, kapag nakita niya ako dapat presentable! Malay ko ba, ma-in love iyon sa akin agad-agad.

Hinanap agad ng mga mata ko kung nasaan siya at hindi naman ako nahirapan. Stand out ba naman ang kagwapuhan niya! With his white polo shirt and black slacks, ang buhok pa niya ay nagulo at medyo basa dahil sa ambon sa labas ay talagang kaagaw-agaw ng pansin ang itsura.

Pumasok siya sa isang restaurant kaya kahit kumain na ako ay ayos lang. Kakain ulit ako kung kinakailangan! Naupo siya sa dulong part ng resto at napangisi ako nang makitang occupied na lahat ng seats puwera sa upuan sa harapan niya.

The Gods are in my favor today! I can't help but squeal with happiness! Thanks, heavens!

Nagkunwari akong naghahanap ng upuan at kinunot ko pa ang noo ko para dagdag effect habang palapit sa pwesto niya.

"Uh, excuse me," kunwaring nahihiya kong sabi habang nasa harapan niya. Nag-angat siya ng tingin at kulang na lang ay himatayin ako nang magsalubong ang mata namin!

Oh my God, mag-papaalipin ako sa matang 'yan!

Hindi siya nagsalita at malamig na nakatingin lang siya sa akin kaya tumikhim ako at ipinagpatuloy ang pagsasalita.

"Wala na kasing empty seat p'wede bang–"

"No," balewala niyang sabi at binaba ang tingin pabalik sa menu na hawak niya.

Nag-init ang pisngi ko nagpigil ng tili.

Heavens! May improvement! Pinansin niya ako!


Taming My Billionaire (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon