Wattpad Original
Mayroong 11 pang mga libreng parte

Kabanata 4

330K 6.7K 441
                                    

Kabanata 4
Assistant

THE valet parked my car first the I walked towards the hospital's entrance with a wide, happy smile.

Habang naglalakad ay hindi naiwasan ang biglang pagkabog ng dibdib ko dahil sa malapit na ako sa opisina ni Terrence, nasa hospital nila ako ngayon dahil sa bibisitahin ko siya. Halos isang linggo ko siyang hindi nakita 'no!

Bumaba ang tingin ko sa chocolate cake na bi-nake ko kanina bago pumunta rito at s'yempre dapat may special akong hinanda!

Pampa-good-shot ba, hindi naman sa pag-a-assume pero malay n'yo namiss niya rin ko, 'di ba? 'Di ba?

Natawa naman ako sa iniisip ko dahil napakaimposible no'n pero malay ko't magkatotoo. Inayos ko ang tayo at ang suot kong knee-length black dress bago nakangiting dumiretso sa secretary ni Terrence na nasa labas ng opisina niya. Hiwalay kasi ang clinic ni Terrence sa opisina niya.

This is his hospital and a doctor like his friends.

Not to mention but my Terrence is an obstetrician/OB-gyn doctor.

Grabeng nakaka-proud talaga at rare ang gano'n!

"Uh, excuse me..." Nag-angat ng tingin ang babae at nginitian ako.

"Good afternoon, Ma'am! What can I do for you?" Magalang niyang bati sa akin.

"Can I talk to Terrence?" Marahang tanong ko.

"What's your name, Ma'am?"

"Natalie Sena Paige." Tumango ito at nagtanong.

"May appointment po ba kayo? Doc Samaniego is quite busy today." Umiling ako at sumagot.

"No, I'm uh... I'm Terrence's fiancé. I wanna surprise him so, I came here without telling him," sagot ko at ipinakita ang box ng cake.

She seemed shocked.

"Well, Tita Marian said I could just go here and say hi. Can I? Hindi naman ako manggugulo. Promise."

Tumango ito at may pinapirmahan sa akin.

"Okay, Ma'am, you may come in." Ngumiti ako sa kanya at naglakad papunta sa pintuan ng opisina nito.

Huminga ako ng malalim nang nasa tapat na ako ng pintuan at ikinalma ang sarili ko.

Relax, Natalie!

Kinagat ko ang labi ko at bumuga ng hangin bago tuluyang binuksan ang pintuan. Sinalubong ako ng malamig na aircon galing sa loob pagkapasok. Nilinga ko ang paningin ko at tuluyang pumasok bago dahan-dahang isinara ang pinto.

Naglakad ako ng kaunti at agad na tumalon ang puso ko at may kung anong lumilipad sa sikmura ko ng makita ko siyang nakasandal sa swivel chair niya at nakapikit habang minamasahe ang sentido niya. His Adam's apple moved. I swallowed har.

"Fuck," mura niya habang nakapikit at patuloy na hinihilot ang sentido niya. Wala sa sariling naglakad ako palapit at dahan-dahang inilapag ang box ng cake sa sofa at naglakad palapit sa kanya, iniwasan kong makalikha ng ingay palapit at pumwesto ako sa likuran ng swivel chair niya.

Nakakunot ang noo niya at parang masakit ang ulo niya base sa tingin ko, itinigil niya ang paghilot sa sentido at inilagay ang kamay sa gilid ng upuan pero nakapikit pa rin ang mata niya at hindi pa rin dama ang presensya ko.

Cautiously, I lifted my hand and softly placed my finger on his temple to massage him.

His body tensed at maging ako ay nagulat dahil sa mabilis niyang nahablot ang kamay ko at inikot.

"What the?" Gulat ang mukha niya at agad na nagsalubong ang kilay niya pagkaharap sa akin

"A-aray!" I whimpered in pain.

Taming My Billionaire (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon