Wattpad Original
Mayroong 4 pang mga libreng parte

Kabanata 11

291K 5.7K 258
                                    

Kabanata 11
Thallia

"STAND up and let's go." Napamaang ako sa sinabi niya at nag-angat ng tingin, itinigil ko ang pagkain ng cake.

"Huh? Bakit?" Nagtataka kong sabi at iniayos ang kulay itim kong dress na medyo hapit sa katawan ko at tumayo.

"May dinner daw," mahinang sabi niya at tumalikod sa akin para ilagay ang puting suit sa sabitan.

"Dinner? Para saan?" Takang tanong ko at iniligpit ang platito at kutsara na ginamitan ko.

"Don't know." He shrugged at malamig akong tiningnan.

"Travis called. Come on." Tumalikod na siya sa akin at nagpatiunang naglakad palabas. Agad din akong sumunod at binilisan ang lakad ko para maabutan siya.

Ni hindi ko siya masyadong kinukulit dahil alam kong wala siya sa mood at masama ang pakiramdam niya, well I'm used to it when he's masungit. Hindi naman bago iyon.

Hindi ko inantay na ipagbukas niya pa ako at ako na ang kusang nagbukas at pumasok sa sasakyan niya. Ako na rin ang nagkabit ng seatbelt ko at wala pang ilang sandali ay lumipat na rin siya sa kabila, saglit akong pinasadahan ng tingin at walang sali-salitang pinaandar ang kotse niya.

Nakanguso lang ako habang nakatingin sa kanya na seryoso sa pagmamaneho habang kunot ang noo. Para siyang constipated kung titignan pero hindi nababawasan ang kagwapuhan niya.

"Ano raw ang gagawin? Bakit may dinner?" Mahina at kalkulado kong tanong sa kanya. I don't want him to be pissed because of me being noisy, so I should ask him in a careful way. Lalo na at masama ang timpla niya.

"I don't know," Mahina niyang sabi at ni hindi man lang ako pinasadahan ng tingin. Nakatingin lang siya sa daan at minsanang napapangiwi dahil marahil sa sakit ng ulo.

"Are you sure you're really okay? I can drive." Nag-aalalang sabi ko. Tumango siya kaya nanahimik na ako.

Tinignan ko ang phone ko ng maramdaman ang pag-vibrate nito mula sa bag ko.

From: Dad

Natalie, dinner at Autumn's. Come.

Natigil ako at napabuntonghininga. Kaya pala.

Hindi na ako nag-reply at agad ko nang ibinalik ang phone ko, tahimik lang kami. Pagkarating ay nag-park si Terrence sa parking lot at agad kong kinalabit ang seatbelt ko at naunang bumaba.

Tumayo ako at inantay si Terrence makababa at sabay kaming pumasok sa loob, iginaya kami ng staff sa isang private room at ngumiti ako pagkakita kina Tita Marian, Terrence's mom.

"Natalie! Gosh, I'm glad you came!" Malawak ang ngiti niyang salubong at bumeso sa akin, pagkatapos ay bumaling sa anak niya na nasa likod ko.

"Terrence, hijo! Magkasabay kayo?" mangha niyang tanong.

"Uh, yes po." Ako na ang sumagot sa tanong dahil mukhang walang balak si Terrence at malamig lang itong nakatingin sa ina at nakapamulsa.

"Ma..." He greeted his mom and kissed her cheeks. Naglakad ako at nkangiting binati ang Daddy ni Terrence. Binati niya rin ako pabalik.

"Dad..." I said formally and approached my father. He smiled at iginaya ako paupo.

"Thanks for coming," mahinang sabi niya at tumango ako.

Naupo rin maya-maya sina Terrence at si Tita sa harapan namin. Si tita na may malaking ngiti sa labi at si Terrence na walang kahit anong reaksyon at nakatitig lang sa pader. He's being his old self again. Ang masungit at malamig na si Terrence Samaniego.

"Uh, excuse me po." Paalam ko sa kanila habang nagkekwentuhan tungkol sa business na wala naman akong maintindihan kaya magbabanyo muna ako.

"Sure, hija." Ngiti ni Tito. Agad akong tumayo at sinulyapan pa si Terrence na sinundan ako ng tingin palabas.

"CR lang," I mouthed then grinned.

Naglakad ako papuntang banyo at ginawa ang dapat gawin at pagkatapos ay tumingin sa salamin para ayusin ang itsura ko. Nag-aaply ako ng powder at ng lipstick sa aking labi ng magbukas ang pintuan. Natigil ako sa ginagawa at nagulat ng makita ang pumasok.

What the hell is this bitch doing here?

"Oh! Hi, Natalie!" Sarcastic at kunwaring gulat nitong bati sa akin at binigyan pa ako ng isang plastik na ngiti.

The annoyance and rage fueled. Biglang nangati ang kamay ko't gusto na lang siyang sampalin pero pinigil ko ang sarili.

"What are you doing here?" Malamig at mariin kong sabi sa kanya at pinagpatuloy ang paglalagay ng lipstick.

"Doing? Oh, why would I tell you, Ate?" Nagpanting ng tainga ko sa sinabi niya at padarag na ibinaba ang lipstick at inilagay sa handbag ko.

"Stop calling me that. You'll never be my sister." Naiirita kong sabi sa kanya at tumingin sa salamin para ayusin ang buhok ko.

"Woah! Sorry dear, but you can't deny the fact that we have the same blood." Nakangisi at tila nang-aasar na sabi niya.

"Well, unfortunately," I laughed sarcastically. "What are you doing here, huh? Thallia?"

"Well, getting anything you have, I think?" Mariin akong napapikit sa sinabi niya at kinagat ang labi ko para hindi siya masampal.

When I glanced her way, wickedness danced in her sharp eyes. Nilabanan ko 'yon ng tingin.

"Try." I smiled at inayos ang handbag ko at padarag na naglakad paalis.

That bitch was obviously my half-sister. She's the daughter of my dad with his new wife, the reason why I was left here alone. No friends, no family, and just me.

Pumasok ako sa private room at napatingin sila sa pwesto ko pagkapasok. Ngumiti ako ng tipid sa kanila at bumalik sa pwesto ko. Sumulyap ako sa ama ko na nakikipag-usap at nagtanong.

"Sinong inaantay?" Bago pa man nakasagot ito ay agad na nagbukas ang pinto at 'di na nagulat nang makita si Thallia.

She smirked tauntingly when she saw my reaction.

Bitch.

"Sorry, I'm late!" Maarte niyang sabi at napasinghap ako nang tumabi siya kay Terrence.

What the hell?

"So, we are now complete." Pagkasabi no'n ni Tita ay agad na nagbukas ang pinto at si-nerve na ang pagkain. Agad kong pinagdiskitahan ang vegetable salad at tumingin kay Terrence na seryosong nakatingin sa akin.

I smiled but he frowned, his gaze dropping on my food.

I get it.

"Sorry," I whispered at kumuha ng ibang pagkain. Nagkwentuhan na naman sila habang tahimik lang ako at pinapatay na si Thallia sa utak ko sa sobrang inis dahil sa pilit niyang pakikipag-usap at attempt makipag-flirt sa Terrence ko.

Though, sorry for her but he was uninterested.

"As I was saying..." Natigil ako sa pagsubo at bumaling kay Tita na nagsalita at tumingin sa amin. "So, let's talk about the wedding.. Napangiti ako sa sinabi ni Tita at naging attentive bigla.

"So, this dinner is all about the wedding?" Maarteng putol ni Thallia na nagpakunot ng noo ko.

"Yes, so as I have noticed ay close na sina Terrence and Natalie at dahil d'yan ay mas mapapadali ang preparasyon." Bumaling si Tita sa akin. "I told you, Natalie. You can get him." She smiled and winked at me kaya napatawa ako.

"Kailan pala natin paplanuhin ang kasal? It has to be fabulous like me and of course the-bride-to-be Natalie." She giggled kaya mas napangiti ako. I really like her.

"We can start now," pasubali ni Dad.

"Sure! Kailan tayo magpi-fitting? We must have a wedding planner! Terrence, hijo, may kilala ka ba?" Excited na sabi ni Tita at maging ako ay gano'n din, nakangiting bumaling ako kay Terrence pero agad ding nawala dahil sa sumunod na sinabi niya.

"No. I won't marry anyone. Definitely not her."

Taming My Billionaire (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon