Kabanata 5
May bitin!"HI, babe!" I smiled widely pagkapasok sa clinic ni Terrence at kumaway pa.
"What are you doing here?" Iniangat niya ang tingin. "Again?" Malamig niyang sabi at pinagpatuloy ang pagpindot sa keyboard ng laptop niya.
"I just missed you." I pouted, halos dalawang linggo na akong pabalik-balik sa clinic ni Terrence para mangulit, mang-istorbo at akitin siya pero wala pa rin atang masyadong effect!
"The feeling isn't mutual. Wala ka bang ginagawa sa buhay mo?" Hindi sumusulyap niyang sabi at uminom ng kape niya sa lamesa.
"Wala naman akong ginagawa sa buhay ko kundi ang mahalin ka," madrama kong sabi at humagikhik. Naalarma naman ako ng biglang masamid si Terrence at umubo.
"A-ayos ka lang?" Lumapit ako sa kanya at hinimas ang likod niya para maging maayos ang pakiramdam niya but he flinched and tensed more.
"Fuck, no," inabot ang kamay ko para patigilin ang paghimas ko sa likod niya.
"Why?" Tanong ko. Nakakunot-noo niya akong tinignan at malalim siyang huminga.
"Just... Just don't touch me." Marahang sabi niya at iniling pa ang ulo. Nanlaki ang mata ko at sinulyapan ang kamay ko.
Hindi naman madumi, a?
"Huh? Bakit?" Tanong ko.
"Basta, just stay away," malamig niyang sabi at umayos ng upo sa upuan. Padarag akong naupo sa sofa at pinagmasdan na lang siya.
I sighed. Parang may virus naman ako kung tratuhin ng gwapong 'to, pero 'di bale... Gwapo pa rin siya.
Sumulyap siya sa akin kaya agad akong ngumiti at umiling na lang siya at pinagpatuloy ang ginagawa sa laptop.
Saglit akong pumunta ng pantry para mag-slice ng cake para sa aming dalawa pagkatapos ay lumabas para ilagay sa harapan niya ang cake at inilagay ko sa lamesa malapit sa sofa ang akin.
"What's this?" Tinaasan niya ako ng kilay at tinuro ang platito sa harapan niya.
"Cake?" Patanong kong sagot.
"Pinapataba mo ba ako?" Tanong niya at kumuha ng maliit para tumikim.
My smile widened.
"Hindi naman, just eat it." Tinitigan niya lang ang pagkain sa lamesa niya pero wala namang sinabi at kinain pa rin ang bigay ko.
I grinned. Tignan mo, daming satsat kakain din pala!
"What are you doing?" Hindi ko mapigilang tanong dahil gusto kong mag-usap kami pero hindi niya ako sinagot at parang wala siyang narinig. "Sungit!" Umirap ako sa hangin.
"Did you just roll your eyes at me?" my back straightened as the thick serious words echoed. It sent shivers and I was immediately alarmed–but in a good way.
"H-hindi ikaw 'yon!" Pilit akong ngumisi at nagwala ang puso ko nang umayos siya ng upo sa swivel niya at inikot iyon paharap sa pwesto ko.
"Really?" He titled his head sidewards na parang sinusuri ako, 'yong tinging tagos sa kaluluwa!
"O-oo naman," I stuttered. Nakagat ko ang labi ko at napigil ko ang hininga ko nang tumayo siya sa swivel at padiretsong naglakad papunta sa pwesto ko.
Parang kakapusin ako ng hininga ng tuluyan na siyang nakalapit at inilapit ang mukha niya sa 'kin. Hindi ko maiwasang sipatin ang mukha niyang napakaperpekto at gusto kong maglupasay at hampasin si Joselito dahil sa kilig ko.
Ipinikit ko ang mata ko nag malapit na malapit na talaga ang mukha niya at inantay ang labi niya sa akin pero sa halip na ito ang maramdaman ko ay parang may pinahid ito sa labi ko kaya napamulat ako.
BINABASA MO ANG
Taming My Billionaire (Published under PSICOM)
General FictionHot Bachelors Series #2: After spending a hot fiery night with the man of her dreams, Natalie Sena Paige is devastated to wake up and find him not wanting her. But soon, she discovers that she's set to be engaged and married to her one and only love...
Wattpad Original
Mayroong 10 pang mga libreng parte